Chapter Eight

24 1 0
                                    

SLATER HAD BEEN a good husband to Allison, always thinking of her and caring for her. But he was dead.

Nayanig ang buong mundo ni Allison nang makumpirma ang katotohanang iyon, nang iharap sa kaniya ang malamig na bangkay nito.

Wala na nga itong buhay. Wala na ang matatamis nitong ngiti sa mga labi at wala na rin ang gwapo nitong mukha nasunog na iyon.

Nahanap ang katawan nito sa dagat at nilulan sa isang bangka kasama ng iba pang katawan ng mga pasaherong wala na ring buhay.

Matapos ang halos isang buwan na walang tulungan at walang kainan, sa wakas ay nakita rin niya ang katawan ni Slater at ng mga kasamahan nito na nagpunta sa Davao.

Isa lang ang pinalad na makaligtas sa kanila si Gimmy, ang magaling na pianist sa kasal nila ni Slater. Nakaratay pa rin nga ito sa ospital dahil sa third-degree burns na natamo.

Hindi halos makilala ang bangkay ni Slater. Nasunog ang halos kalahati ng katawan nito pati mukha.

Nakilala lang ito dahil may suot itong wedding rings at may nakita sa katawan nito na halos nasunog nang lisensya bilang CPA.

Wala ni isang luhang pumatal sa kaniyang mga mata nang mga sandaling iyon. Samantalang lahat ng halos ng kasama niya na naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay ay naglulupasay sa kakaiyak.

Sa mga sandaling iyon habang pinagmamasdan niya si Slater nais niyang magkaroon ng kapangyarihan na ibalik ang oras. Kung maibabalik lang niya ang mga sandali bago ito umalis papuntang Davao.... sana naipagluto man lang niya ito ng breakfast o natulungang mag-impake ng damit. Hindi man lang niya ito napayungan habang naaambunan at inilalagay ang mga bag sa trunk ng kotse. Hindi man lang niya ito nahalikan kahit sa huling pagkakataon.

Nagalit siya. Galit na galit siya sa sarili. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyari kay Slater.

"I was never a good wife..... ako ang masama. Ako ang dapat parusahan. Hindi siya!" Ngitngit niya sa sarili.

Nahlakad siya na parang walang nakikitang ibang tao. Manhid siya sa mga hagulhol ng ibang nagdadalamhati rin sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay. Di niya alintana ang lumalakas na buhos ng ulan. Naglalakad siya sa gitna niyon na parang baliw.

Gusto na niyang lisanin ang lugar na iyon. Sapat nang nakita niya ang bangkay ni Slater. Di niya kayang patagalin pa ang pagtanaw sa kalunos-lunos na sinapit nito. Pakiramdam niya ay parang ikakamatay niya rin ang nangyari.

Ibinabalik ng pangyayaring ito ang masasamang alaala ng nakaraan. Minsan na niyang naranasan ang takot at halos walang batid na pag-iyak dala ng pagkawala ng taong tanging minamahal niya. Ayaw na niyang balikan iyon.

Bawat hakbang niyang papalayo sa bangkay ni Slater ay may katumbas na pagsisisi.

Slater was gone forever.

Nanlambot ang mga tuhod niya, nangiginig ang buo niyang katawan, parang hindi niya magawang ihakbang pa ang mga papa dahil pakiramdam niya ay mabubuwal siya.

Sinalubong siya isang babaeng reporter na nakapansing tila wala siya sa sarili. Naoansin din nito ang halos magkulay papel na niyang mukha. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata sa kakulangan sa tulog.

Nilapitan siya nito at hinawakan sa braso. "Miss, are you okay?"

Nakasunod dito ang cameraman na patuloy sa pagkuha ng video.

Itinapat sa kaniya ng babaeng reporter ang mic. "Ma'am, ano pong pangalan niyo?" Magalang na tanong nito.

We Meet Again( Complete )Where stories live. Discover now