Chapter One

30 3 0
                                    

A/N: Enjoy reading I hope you like it.

"ALLISON MARRY ME..." may tono na pagmamakaawa sa boses na iyon ni Slater. Araw-araw ay iyon ang nais niyang sabihin kay Allison Ramirez.

Simula pa noong unang araw na makita niya ito sa MRT station sa Farmer's plaza, hindi na niya ito maipaliwanag kung bakit ganun na lang niya ito kamahal.

Six months pa lang ang relasyon nila at hindi pa nila lubusang kilala ang isa't isa. Ngunit para kay Slater, hindi mahalaga kung gaano katagal ang isang relasyon bago magpakasal. Para sa kaniya, sapat na ang kaalaman na mahal niya ang isang tao at ito ang gusto niyang makapiling habang buhay.

Ngunit hindi gusto ng magulang ni Slater si Allison. Wala ni katiting na pagtingin kahit isa sa mga magulang niya para rito. Kung bakit ayaw ng mga ito sa nobya niya ay hindi niya din alam.

Gusto yatang mabingi ni Allison sa salita ni Slater. Hindi siya natuwa sa alok nitong pagpapakasal. Imbis ay natakot, namutla at napalunok.

"Uy, Allison! Magpakasal na tayo."

"H-ha?"

"Hindi yan ang tamang sagot sa tanong ko. Oo ang dapaf na sagot. Yon ang gusto kong marinig. Sabihin mo lang, Allison, ayos na ang lahat. Pumayag ka na, ako na ang bahala sa lahat ng gagastusin sa kasal. Marami na akong naipon sa bangko. Kaya ko nang maging isang padre de familia." Hinihintay nito ang sagot ng dalaga na magdudulot ng lubos na kaligayahan sa kaniya.

Si Allison naman ay pilit naghahanap ng isasagot sa tanong nito sa kaniya ni Slater Young.

Handa na ba akong magpakasal sa kaniya? Kakayanin ko bang sa tuwing umaga ay gigising ako at mukha niya ang makikita ko? Siya na ba talaga ang gusto ko makasama habambuhay?

Ilan lang yan sa mga tanong sa sarili niya.

Wala siyang mahanap na maisasagot, wala siyang nararamdamang kaligayahan sa mga sandaling iyon. Wala siyang kasiguraduhan sa damdamin niya para kay Slater. Malabo.

Nahihiya siya sa sarili dahil sinagot niya ito kahit hindi niya ito talagang mahal. Nakulitan lang siya rito kaya naging sila na nga. Ganun lang ang kwento nila.

Ikalawang beses nga itong nagyayang magpakasal.

Noong una ay araw ng pasko, ikalawa buwan ng anniversary nila. At ngayon ay inulit na naman nito ang pag poprose, sabay sa wedding ni Marga na best friend niya mula pa noong high school days nila sa probinsya.

"Slater huwag na muna ngayon. Marami pa tayong panahon. Hindi pa tayo handa sa ganiyang bagay."

We Meet Again( Complete )Where stories live. Discover now