SA KWARTO naman nila ni Allison. Halos ganun pa rin ang ayos nito. Maaliwalas iyon at malinis. Naroon din aa tabi ng kama ang picture nilang kuha sa Paris.
Mula sa veranda ng kwarto, tanaw pa rin ang kaaya-ayang Bulkan ng Taal at sa likod niyon ay ang kulay kahel na kalangitan.
Nakapatong ang harmonica sa study table malapit sa veranda. Sa dalas ng paggamit niyon ni Allison ay lagi iyong nakahanda at tila naghihintay lang ng maghihipan.
Tanging ang crib sa tabi ng kama ang nabago sa kwarto. Bluw iyon tulad ng mga nakahanda rin doong cabinet, unan at sari-saring damit ng bata. Ayon kasi sa ultrasound ay lalaki ang magiging anak ni Allison.
Alas cinco cuarenta y dos, nakarating na sina Allison at Maris sa bahay. Kahit kabuwanan na ay nagawa pa rin niyang magmaneho at magpabalik balik ng lakad sa supermarket.
Pinagtulungan nilang buhatin ang mga plastic bags na puno nh mga groceries na napamili nila.
"Ate, huwag ka nang magbuhat. Ako na lang ang magbibitbit ng mga yan. Kayang kaya ko na to." Pilit inaagaw ni Maris ang bitbit niyang tatlong plastic bags.
Iniwas niya rito ang mga bitbit. "Ano ka ba, Maris, kaya ko namang bitbitin ito. Yang dala-dala mo ang asikasuhin mo. Baka mabasag pa ang mga itlog diyan," nakangiting tanggi niya. "Huwag mo kong alalahanin, kaya ko to."
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay tila natigilan.
Ano nga ang kakaiba roon?
Kinabahan siya. Nagkatinginan sila ni Maris, sabay ring bumaba ang tingin nila sa sahig. Napakalinis niyon maliban sa maputik na bakas ng sapatos.
Nanlaki ang mata niya.
Pareho silang hindi na nakahakbang mula sa kinakatayuan malapit sa pinto. Ano nga ba ang dapat nilang gawin? Para na silang estatwang nakatayo lang doon.
"Maris, may nakapasok sa bahay natin," mahinang sabi niya. Inilapag niya ang mga bitbit na plastic bags sa sahig at hinawakan sa braso ang kasambahay.
"Ate, anong gagawin natin? Tatawag na ba tayo ng pulis?" Kinakabahang tanong nito.
"Ha? Sandali, magtago muna tayo. Baka tayo makita."
"Saan po tayo magtatago?"
"Uhm.... sa banyo."
Dahan-dahan silang naglakad papuntang banyo at nang makapasok doon ay hindi man lang sinindihan ang ilaw sa loob. Bitbit pati nila ang mga groceries na pinamili. Doon sa loob ng napakadilim na banyo, nangatog silang dalawa sa takot.
Umupo siya sa inidoro at nagsumiksik naman sa tabi niya si Maris.
Kunot-noo siyang nag-isip. Sino kaya ang nakapasok dito? Si Noel kaya? Hayop na yun, malilintikan siya sa akin kung sakali. Subukan lang niyang gawan kami ng masama. Subukan lang niya!
YOU ARE READING
We Meet Again( Complete )
RomanceMagpapakasal si Allison kay Slater dahil sa tatlong dahilan. Una tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kaniya. Wala siyang pakialam kung hindi siya si...