"SIGE, iwan mo na lang ako rito," sabi niya kay Maris habang dumadampot ng bacon at isinubo iyon. "Maris, pupunta tayo sa grocery pagkatapos ng tanghalian. Ilista mo na ang lahat ng kailangan natin," pahabol niya habang pinapapak pa rin ang bacon.
"Opo, Ate. Ano po ba ang gusto niyong ulam natin ngayon?" Magalang na tanong nito.
Magmula nang manilbihan ang 23 year old na kasambahay kay Allison ay siya na ang sumagot sa gastusin nito sa pag-aaral.
"Pag-aaralin kita habang nandito ka sa akin." Iyon ang sabi niya rito. "Hindi habambuhay ay kasama mo ako rito, dapat ay mangarap kang mapaigi ang buhay mo. Alam kong kailangan mong tulungan ang pamilya mo at alam ko ring malungkot kang malayo sa kanila. Kapag nakapagtapos ka na sa pag-aaral ay makakakuha ka ng magandang trabaho at maaari ka na ring umuwi sa inyo para makapiling ang mga magulang mo."
Sa una ay hindi ito makapaniwalang tutulungan siya nito, hanggang sa dumating na lang ang araw na inabot niya rito ang pera para sa enrollment.
Lubos nga ang galak nito sa tulong niya kaya pinag-igi naman niya ang pag-aaral at pati paninilbihan sa kaniya.
"Ikaw na ang bahala," sagot niya sa tanong nito kanina. "Kahit ano naman ang iluto mo ay masarap, eh."
"Alam ko na, Ate, sinigang na baboy!" Masayang sabi nito at dumampot din ng bacon sa plato ni Allison.
Naalala na naman niya si Slater.
"Okay, ikaw ang bahala." Hindi na nga iba ang turing niya sa kasambahay, para na niya itong nakakabatang kapatid.
Ilang oras pa lang ang lumipas bago bumalik ito at pinuntahan siya sa kwarto. Kakaligo lang niya at umaalingasaw pa sa bango. Pabango pa naman ni Slater na Hugo ang ipinangwisik niya sa sarili.
Nakatayo siya sa veranda at umiihip ng harmonica nang marinig niya ang boses nito.
"Excuse me, Ate, may bisita ka."
"Ha? Sino?"
"Noel daw po, officemate mo raw siya."
YOU ARE READING
We Meet Again( Complete )
RomanceMagpapakasal si Allison kay Slater dahil sa tatlong dahilan. Una tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kaniya. Wala siyang pakialam kung hindi siya si...