KINAUMAGAHAN, pagkagising ni Allison ay wala na sa tabi niya si Slater. Sa una ay nagtaka siya dahil hindi naman karaniwang gawain nito na iwan siya at hindi isabay ng pagpasok sa office. Bandang huli ay nainis na siya rito. Buruin mo nga naman, pagkatapos niya itong pagbigyan ay basta na lang siya iiwan nang hindi man lang nagpapaalam na mauuna ng papasok sa office. Buti na lang at may sarili na itong kotse.
Lagi na lang akong naiisahan ng Slater na yun! Porque alam niyang madali lang akong bumigay sa mga halik niya. Pagkatapos akong puyatinnay hindi man lang ako ginising! Pabulong bulong siya at nangagalaiti habang magmamadaling bumagon sa kama.
Bago siya pumunta ng banyo ay inaayos mo na niya ang kanilang higaan. Dalawampung minuto lang ay nakaligo na siya at kumakain ng niluto ni Slater.
Ready to go na nga siya pero napadaan sa harap ng ref at noon lang napansin ang naka magnet doon na papel. Binasa niya iyon.
Good morning, Allison! Maaga ang appointment ko, hindi na kita ginising para makakuha ka pa ng tulog. Don't forget to eat your breakfast. Drive safety!
P.S. I'll pick you up later. See you.
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya pagkatapos basahin ang note na iyon ng asawa.
******
NAGPAIKOT-IKOT si Allison sa buong kabahayan na parang may hinahanap. Nahalungkat na niya ang lahat ng cabinet, ang kama, ang maruruming damit at lahat ng panay-agiw na sulok ng bahay, pero hindi pa rin makita ang nawawalang wedding ring niya.
"Utang-loob naman, magpakita ka na. Lagot ako kay Slater kapag nalaman niyang nawawala ka," pabulong na pakiusap niya sa nawawalang wedding ring na para ba iyong may sariling pag-iisip.
Linggo pa naman at walang pasok, halos naubos niya ang araw sa paghahanap imbis na magrelax na lang sana. Si Slater ang nag-aasikaso ng paglalaba sa pag-aakala nitong general cleaning ng bahay ang inaatupag niya.
Kung alam lang nito na halos maloka na siya kakahanap ng lintik na wedding ring. Saan na nga ba yun nagtatago!
Nanlilimahid na nga siya at wala pang ligo. Kung saan saan na ksi siya nagsususuot para lang hanapin ang singsing na iyon. Inamoy-amoy nga niya ang kilikili niya at baka pumuputok na iyon. Pawisan na siya at pulos alikabok.
Nag-aalala na nga si Slater sa mga kinikilos niya kaya dinalaw na siya nito sa kwarto.
Pumasok ito at nashock sa tumambad na kalat doon. Bali-baliktad ang mga bedsheets at kumot pati punda. Nakalabas nang lahat ng mga damit nila sa cabinet at akto pa siyang nakatuwad at pilit na sinisilip ang ilalim ng kama.
"Holy cow! Allison, anong ginagawa mo? Bakit ganito ang itsura ng kwarto natin? Tumayo ka nga dyan, ang sagwa mong tingnan."
YOU ARE READING
We Meet Again( Complete )
RomanceMagpapakasal si Allison kay Slater dahil sa tatlong dahilan. Una tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kaniya. Wala siyang pakialam kung hindi siya si...