A/N: Enjoy Reading.
DALI-DALING binuksan ni Allison ang pinto. Gulo-gulo ang buhok niya. Kalat-kalat ang lipstick. Bukas pa ang zipper sa likod ng gown niya. Litaw ang itim na strap ng bra. Natataranta siyang hindi alam ang gagawin.
Eksaktong papasok naman si Alyssa sa ladies room, kaibigan nila iyon ni Marga. Nagkabanggaan sila.
Napakunot-noo ito sa itsura niya. "Allison, anong nangyari sa iyo? Para kang nirape---" Binuksan nito nang maigi ang pinto at... "Oh, my God! Anong nangyari rito? Bakit nakahiga si Slater sa sahig? Anong ginawa niyong dalawa?" Humarap ito sa kaniya at naghihintay ng sagot.
Ngunit wala siyang imik. Namumutla siya sa takot at tulala.
Tuluyan na itong pumasok sa loob at inusisa ang lalaking nakabulagta sa sahig.
Half-naked ito. May pasa sa kaliwang pisngi. Duguan ang ulo. Nadungisan pa ng lupa ang mukha at balikat. Nakatihaya itong katabi pa ang basag at pira-pirasong paso.
Lumapit si Alyssa at pinulsuhan si Slater. Buhay pa ito at humihinga pero lubhang kaawa-awa ang itsura.
"Allison, ano ba talaga ang nangyari? Bakit nagkaganyan ang porma ninyong dalawa? Tulungan mo nga akong buhatin ito."
Para silang nagbuhat ng limang sako ng bigas.
5'11 ang height ng lalaki. 185 pounds ang timbang na panay muscle pa ang katawan.
Samantalang si Allison 5'3 ang height at 130 pounds. Si Alyssa naman 5'1 ang taas at tumimbang ng 150 pounds. Pareho silanf hindi man lang nakakakita ng loob ng gym. Ano ba at nag pantasya pa silang buhatin ang loko?
****
SA MAKATI MEDICAL CENTER emergency room, isinakay sa stretcher si Slater. Wala itong malay sa itsura nito ay parang napagtripan ng mga adik sa kanto.
Umupo si Allison sa isang tabi kasama si Alyssa at Henry habang kinakausap ni Marga ang doctor.
Malungkot ang makita niya at parang nagsisisi sa ginawa niya. Mabuti na lang at mabait sina Marga at Henry. Hindi siya nito pinagalitan sa kahihiyang dinulot nila ni Slater sa wedding receptation ng mga ito.
"Doc, kamusta na po siya?" Tanong ni Marga.
"He's okay now," sagot nito. "Hindi naman napasama ang sugat niya sa ulo. Pero..."
"Pero? Pero ano po?" Kinakabahan silang lahat lalo na si Allison.
"I want him confined for at least one day. Just to make sure he has no concussion."
Halos sabay-sabay silang nagpakawala ng hininga.
"Pwede na ho ba siyang bisitahin?"
"Yes, of course. Kung wala na kayong tanong, maiwan ko na kayo."
YOU ARE READING
We Meet Again( Complete )
RomanceMagpapakasal si Allison kay Slater dahil sa tatlong dahilan. Una tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kaniya. Wala siyang pakialam kung hindi siya si...