Chapter 25: Aubrey's mother

532 7 0
                                    

Maguupdate na din ako agad agad kasi baka pag nakita ng mga parents ko ang results ng grades ko AT KAPAG may bagsak baka d na ako pagcomputerin so eto na yung chance ko. =))

~~

*Nicole's POV*

"Nicole, gising na." sabi ni Aubrey. Ayaw ko pa gumising. "Ayaw." sabi ko. "Pupunta tayo ng sementeryo ano baa?" sabi ni Aubrey.

"Oo na oo na" sabi ko sabay tayo.

November 1 ngayon.

Ginawa ko na yung daily routine ko sabay alis ng bahay papuntang sementeryo.

Tamang timing wala pa mga tao.. Kami kami pa lang nila Adrian... :D

Naglagay na'ko ng mga flowers sa puntod nila lolo't lola at sa puntod ni....

Mam Nelia. Aubrey's mother.

Si Mam Nelia is yung 1st wife ni daddy. So that means na mas matanda sakin si Aubrey.

Pero namatay din agad si Mam Nelia pagkatpos manganak kay Aubrey.

Nakahanp ng bago si daddy and un.. nasunod na'ko =)

Naglatag ako at nagkakain muna ng chichirya.

"Anong meron kay Aubrey? Kausap nya sarili nya ee." sabi ni Adrian na nasa tabi ko.

"Kinakausap niya yung mommy nya." sabi ko. "Mommy?" tanong niya.

"Magkaiba kami ng nanay but same father. Namatay agad mommy ni Aubrey pagktapos itong manganak sa kanya.

"Oh.. That's bad.." sabi ni Adrian. "Yeah..." sabi ko.

~Aubrey's POV

Nakaluhod na'ko dito malapit sa puntod ni mama.

And then I took a deep breath.

"Mama, Ako nga pala ulet. Si Aubrey... Hindi mo na ako nakilala po noh?" sabi ko.

Tas may malakas na hanging na tumama sakin.

"Mama, Alam mo bang namimiss na kita kahit d man kita nakita ni isang beses.." sabi ko pa.

Tas may sumikot na malaks na hangin ulit.

"Ma? Ikaw ba yan?" tanong ko. "Ma, Kapag may nakikita akong mga bata kasama nila yung mga nanay nila, naiinggit ako. Kasi ikaw wala ka ee.. Wala ka sa tabi ko ee.. Lumaki ako ng wala sa tabi mo mama...Kung pwede lang kitang buhayin at makapiling kita ma, ako na yung pinakamasayang tao na nilalang sa mundo.." sabi ko tas tumulo ang luha ko at gumulong ito sa pisngi ko.

"Ma, kahit yumaman man ako.. D ako sasaya.. Ang gusto ko lang... makapiling ka at makasama ka sa paglaki ko ulit" sabi ko.

D na ako makatiis. Kaya umiyak na lang ako at hinihimas himas yung puntod ni mama.

At lumakas muli ang hangin. At may bumulong sakin.

"Mahal kita anak.. Ako rin gusto kitang makapiling.." bulong ng babaeng tinig.. 

Napalingon ako.. Eh wala.. Tumingin ako sa paligid ko at ang nakita ko lang si Adrian at Nicole nakatingin sakin at nakaupo sa lapag.

"Mama.. Mahal din kita... " sabi ko at tumayo ako tas lumapit ako kila Nicole.

Umupo ako sa tabi niya. At yun niyakap ako ni Nicole..

"Okay lang yan.." sabi ni Nicole sakin. 

D ko matigilan ang iyak ko. Syempre, namimiss ko na si mama :"(

My Super Ex-Boyfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon