First Rhythm

56K 1.2K 861
                                    

First Rhythm

Betrayal


THE SONG was ended by a slow yet mesmerizing tone coming from the piano in front of me. Upon looking at the whole place where I'm currently in, I saw people clapping their hands, cheering and calling my name followed by a praise. The sound of their voices grew louder and it flows through my veins and swirls in my head.

It made my heart pound faster.

I still have another piece to play but I can no longer feel my fingers and I find it hard to recall the notes that I've memorized for this day.

Kinabahan ako.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nang isang beses akong kumurap ay tila nagbago ang hitsura ng mga tao sa paligid. They're no longer cheering for me but their faces are filled with sympathy.

A sympathy for me?

Napalingon ako sa daliri kong nanginginig na ngayon at mas lalo lang nanginig dahil ang piano na nasa aking harapan ay napuno ng isang kulay na kailanman ay hindi ko nagustuhan.

Bloody red.

Unti-unti akong binalot ng takot at kasabay nito ang biglaang pagsikip ng aking dibdib. Namanhid ang buo kong katawan na tila ba katapusan ko na.

Hinihingal at pawisan nang ako'y magising mula sa isang masamang panaginip. Sapo ko ang aking dibdib at pilit itong pinapakalma.

This isn't the first time that I've experienced this especially having a dream like that. Noon pa man ay napapanaginipan ko na ang mga bagay na may kinalaman sa musika pero hindi ko ito nagustuhan.

Why do people loves music anyway? It's basically just a set of words with sounds, nothing special at all. Maingay lang at masakit pa sa tainga.

"Rhy, are you awake?"

Napalingon ako sa aking pinto dahil doon nanggaling ang boses na tumawag sa pangalan ko. I know that it's my mom but the hell I care? I want to sleep more!

"I'm hoping that you haven't forget the date today," aniya.

Tamad kong sinilip ang kalendaryo at wala naman akong nakitang okasyon para ngayong araw.

Napakunot ang aking noo. "What's with today?"

"Nako naman, Rhy!" nakarinig ako ng isang hampas sa aking pinto na naging dahilan para mas kumunot ang aking noo.

"Tumayo ka na riyan at kumilos dahil ayokong mapahiya sa mga anak ni Rancio!" pahabol niya pa.

I mimicked her rants as I began to throw some punches at my poor pillow. She's getting into my nerves every day and I hate it.

Who is this Rancio and his kids? Anong meron at bakit kailangan ko pang paghandaan ang araw kung kailan namin sila kikitain? It's not like Mom haven't seen Rancio, that's her boyfriend and they're already dating for years.

Napabuntong hininga ako.

I have no choice but to get up because I might dream something horrifying again. Ang panaginip ko kanina ay hindi ko gugustuhing maulit muli dahil kapag nagkataon ay baka hindi na ako makatulog.

I wore a simple white oversized hoodie together with my black jeans. My outfit won't be completed if I'm not going to pair it up with some white shoes. Wala akong ibang suot na panloob bukod sa hoodie na suot ko at wala rin naman akong pakialam. They're not that important for me to put extra efforts regarding my clothes.

Nang lumabas ako ng aking kwarto ay nakita ko kaagad si Mama na nakasuot ng white dress. I'm not really good when it comes to describing other people's way of dressing up but I must say that she looks elegant and fabulous.

Rhythm of Life (Varduzco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon