Third Rhythm
Invitation
TAHIMIK AKONG nakatingin sa kalendaryo habang binibilang ang mga lumipas na araw sa aking daliri. So my mom's wedding will happen next week, huh?
Marahan kong pinasadahan ang aking buhok sa pamamagitan ng aking daliri. Today is another boring day for me and I have all the time to be productive.
Nasa sala ako ngayon at tamad kong nilingon si Mama na kanina pa palakad-lakad habang hawak ang kaniyang cellphone. Mukhang hindi siya mapakali sa hinihintay niyang tawag o mensahe.
I shrugged my shoulders as I started browsing on my laptop. This is the only thing that I could do to kill some time. Baka manuod na lang ako ng kung anong videos sa YouTube habang nandito ako.
"Rhy—"
Muli kong nilingon si Mama dahil sa biglaang pagtawag niya sa pangalan ko. I think she's going to say something but then she realized that we're not in good terms so she decided to keep it to herself instead.
Simula kasi nang nangyari sa bahay nila Tito Rancio ay hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos. She's also busy preparing for her wedding and I think everything's doing fine. Lahat naman siguro ng naplano nila ay naisagawa na rin at hindi na rin naman niya hiningi ang opinyon ko.
Maybe she knew that I am good for nothing so my opinions about her wedding won't really matter at all.
Ilang segundo lang ay nilisan na ni Mama ang aming bahay. Wala na siyang sinabi na kung ano at basta na lang inalisan ako.
I grabbed the book entitled, "Oneself", on the top of our small table. I've been reading this one for a while now and I can say that it's pretty good and interesting. Ang nagustuhan ko lang dito ay hindi siya romance at English din ang language na ginamit. Ang iilang pahina pa ay may mga drawing na tumutukoy sa isang eksena mula sa kwento. So it's like a combination of a normal book and a Japanese manga.
The story is all about someone who's finding his own self. Sa kalagitnaan ng paghahanap niya sa sarili niya ay nakakatagpo rin siya ng ibang taong mag-iiwan ng aral sa kaniya. Actually this book is kind of complicated because there are scenes that are very deep to understand. Hindi dahil sa mga salitang ginamit kaya hindi maintindihan. Hindi naman malalim ang mga salita, simple lang ang mga ginamit pero iba ang bigat na hatid nito.
Upon reading this story, I could say that his thoughts and views about his surroundings are the things that make this story deep but good.
Tingin ko lang ay mahirap intindihin dahil hindi namann lahat ay pare-pareho ng nakikita at nararamdaman. The worst mistake a writer can make is to assume that every readers has an imagination like them. I just hope some writers are considering their readers opinions when it comes to writing a story.
Habang nagbabasa ako ay bigla akong nakarinig ng katok mula sa aming pinto. Kunot ang noo ko habang nakatingin sa dako ng aming pinto, hindi alam kung bubuksan ba ito o hindi.
Nang kumatok pa ulit ito ng tatlong beses ay tumayo na ako para tignan muna ang suot ko. I'm just wearing an oversized black T-shirt paired with white short shorts. This is my usual outfit whenever I'm at home.
Tamad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin si Templar na may dalang pagkain mula sa isang kilalang fast food chain. Bahagyang tumaas ang aking kilay, bumaba ang tingin ko sa dala niya.
"Ano 'yan at bakit ka nandito?" diretsong tanong ko.
"Hmm..." nagyuko siya ng tingin at ang kabilang kamay niya ay dumapo sa kaniyang batok, marahang hinahaplos iyon. "Dumaan lang. Malapit kasi 'to sa school."
BINABASA MO ANG
Rhythm of Life (Varduzco Series #1)
General FictionVarduzco (1/6) There is rhythm even in silence. Rhythm Vita Elvacion is a girl who only wants a complete family ever since she was a kid. She never asked for anything aside from the love and affection of her own mother, and her dream is to become a...