Tenth Rhythm
Choose
LAST NIGHT'S barbecue party was successful and I got to spend more quality time with my step brothers. Ang kaso lang ay wala si Danger kagabi dahil may mga tinatapos pa raw siya na drawings, habang si Arrow naman ay sinusubukan lang makisabay sa amin. We also forgot to buy some cake as well but the party went pretty well even without it.
He's still not okay about what happened between him and Zarina, he didn't say anything as well. I think he's the type of person who will keep his feelings with him so other people won't get worried.
Maayos kong itinali ang aking buhok dahil magdidilig ako ng halaman ngayon sa Garden. Wala naman na rin kasing magawa rito at ayaw ko naman isipin nila na wala akong silbi. I can at least do some household chores such as cooking, cleaning the house, and also watering the plants! Masaya naman kumilos sa bahay kahit paminsan-minsan.
Nagsuot ako ng oversized white T-shirt at black shorts. Nakasuot lang din ako ng tsinelas para makadiretso na sa elevator. Pagkabukas ng elevator ay nakita ko si Sniper na may hawak pang libro, tingin ko ay galing siya sa baba at pabalik na ngayon sa kwarto niya.
He's wearing a pull over black shirt paired with black pants. He looks gloomy everyday and that only explains his horrible fashion sense. Laging balot na balot ang taong ito na aakalain mong maaraw kahit sa sariling bahay niya. Parang takot umitim!
"What?!" angil niya.
Inirapan ko lang siya at pumasok na ako sa elevator. Nagulat ako nang hindi siya lumabas at nanatili ang tingin sa akin.
I couldn't help but raised my brows in irritation. "Ano?!"
He rolled his eyes. "Stupid face."
Hindi ko na lang siya pinansin. Hinawakan ko na lang nang mabuti ang pagkakatali ko sa aking buhok dahil baka topakin na naman 'tong si Sniper at hatakin itong muli. Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong ginawa niya kahapon!
Napansin ko si Sniper na tingin nang tingin sa akin. Tinataasan ko lang siya ng kilay habang siya ay nakasimangot na naman. Dumako ang tingin niya sa aking buhok na mabilis kong hinawakan.
"Tss, stubborn..." bulong-bulong niya.
Tahimik lang akong naghintay sa loob ng elevator hanggang sa huminto ito sa ground floor. Si Sniper ay nakasunod sa akin kaya hindi ko na lang siya pinansin.
Tumungo ako sa Garden area at kinuha ko kaagad ang pandilig. Nilagyan ko muna iyon ng tubig bago ako dumiretso sa mga halaman.
Ngayon ko lang nasilayan nang mabuti ang lugar na 'to. It's really calming and this is the best place for you to chill. Open area ang isang ito pero may pindutan sa gilid kung gusto mong isara ang bubong o hindi.
The grass has been mown so short the ground shows through. Grass cut like that takes a far longer time to grow back but it was a great idea since the shorter the better. There are different flowers around the whole place and I could only name some of it such as asters, baby's breaths, roses, primroses, and buttercups.The bonsai trees lined the perfect lawn in their wooden boxes. On the right side, there is a small pond with flowering lily pads, gold fishes, and a wooden bridge across the middle.
On the left side, there's a hanging long black hanging chair that could fit at least three people. Masarap umupo roon at magpaduyan-duyan habang dinadama ang maganda at nakakasilaw na sikat ng araw.
The big tree at the center is probably the star of this whole pace. Malaki at maganda ang bawat maberdeng dahon nito. May iilang mga naligaw na ibon na dumadapo sa puno at ang pinakanakapukaw ng atensyon ko ay ang tree house na naroon. It's just made of wood as well as the stairs on the side of it.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Life (Varduzco Series #1)
Fiction généraleVarduzco (1/6) There is rhythm even in silence. Rhythm Vita Elvacion is a girl who only wants a complete family ever since she was a kid. She never asked for anything aside from the love and affection of her own mother, and her dream is to become a...