Fifth Rhythm

24.7K 885 527
                                    

Fifth Rhythm

Voices

"ALRIGHT, YOU can sit here beside me, sweetie." inilahad ni Danger ang katabi niyang upuan.

Tila wala ako sa aking sarili at mabilis na lang akong umupo roon. I don't think I have the strength to be rude at him.

Nandito kami sa isang hotel para sa venue ng reception. Maliwanag ang buong kapaligiran at nagkalat sa itaas ang iilang naglalakihang mga chandelier. Itim ang telang ipinatong sa mesa at ganoon din ang aming upuan.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng buong kapaligiran dahil sa suot ko ngayon. Sana pala nagpalit muna ako ng mas kumportableng damit bago kami dumiretso rito. Ang lamig!

Ang mga pagkain daw ay hindi ise-serve sa amin. It's actually a buffet style so people needs to get it themselves. Now I don't know how am I suppose to get some food since I'm an introvert person. Habang tinitignan ko ang dami ng taong nakahilera para kumuha ng pagkain ay nahihilo na kaagad ako.

I guess, I won't eat anything today.

Sa table na pwesto namin ay may walong upuan. Ang katabi ko sa kaliwa ay si Danger habang ang nasa kabila naman ay si Templar. Sa tapat ko ay doon nakapwesto sina Cannon, Arrow, at Zarina. Sa sobrang dalawang upuan ay nakalaan para raw sa dalawa pang kapatid nila Templar.

"Hey, what do you wanna eat? I'll go get it for you," ani Danger.

Hindi ako nakasagot. Wala akong alam sa mga pagkain na nakahanda roon kaya hindi ko rin sigurado kung ano ba ang gusto kong kainin. Basta allergic ako sa seafoods dahil sa tuwing kakain ako no'n ay nangangati kaagad ang lalamunan ko, matapos no'n ay mahihirapan na ako sa paghinga.

"Hmm..." Danger put his index fingers on his lower lip, slowly tapping it as a gesture that he's thinking. "I'll just get everything in there so you can choose, okay?"

Tipid akong tumango, hindi na nakipagtalo.

"I'll go and get some foods for us, babe." tipid na ngumiti si Arrow kay Zarina bago ito umalis.

Sumunod na tumayo sina Templar at Cannon para kumuha ng kanilang makakain.

Napatitig ako kay Zarina.

A while ago, Arrow called her love and then he's gonna call her babe now? If I'm not mistaken, babe is their endearment because that's what Zarina used last night when I saw them in front of Mighty Mart. Bakit biglang "love" ang tinawag ni Arrow sa kaniya kanina? Hmm...

Well, not my business anymore.

"Yes? Why are you looking at me?" Zarina asked.

She's really a pretty girl and I won't deny that. Kung hindi lang niya ako tinarayan kanina ay baka puro papuri lang ang sabihin ko sa kaniya, pero hindi ganoon 'yon. Just because she's pretty doesn't mean she can be rude to anyone around her. She's just a pretty face with a bad attitude. It should not be like that because manners comes first before anything else.

I hissed. "Tss..."

"Oh, naalala ko na ikaw pala 'yong walang pusong babae last night," panimula niya. Tinaasan niya ako ng kilay bago muling nagpatuloy. "How can you do that to the poor puppy?"

Umigting ang aking panga habang nakatingin sa kaniya.

It's not really my intention to hurt that puppy! Wala akong planong ganoon! It just happened but doesn't mean I did it intentionally. Kung ako lang ay baka kinupkop ko na ang asong iyon pero naunahan lang nila ako. What am I supposed to do then? Beg for forgiveness?

Rhythm of Life (Varduzco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon