Twenty-fourth Rhythm

21.7K 753 998
                                    

Twenty-fourth Rhythm

Picture frame

MAMA TOLD me to go inside my room to take a rest because of what happened earlier. That was really traumatizing to think that those people are willing to get close to me just to dig deeper about my past.

Ilang gulo pa ba ang dadalhin ko sa bahay na 'to? Ilang tao pa ba ang mapapahamak dahil sa akin?

Kinuha ko ang aking kumot at 'tsaka ko ito itinakip sa akin. I just want everything to stop and move on from the past. They don't know how painful it is to deal with those memories every day. I had to keep it cool and act normal, at wala ni isa roon ang naging madali para sa akin.

It was never easy to deal with those voices inside my head that I couldn't even recognize. I'm still trying up until now but I don't see any progress in me. Ako pa rin 'yong walang kwentang Rhythm na laging kamalasan ang hatid sa iba.

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Ano kayang pinag-uusapan nila Mama sa baba? Sana ay ayos lang sila.

"Rhy?" someone called followed by a knock on my door.

Bumukas iyon mag-isa at nakita kong si Mama ang pumasok. I don't mind if Mama has an access to my room. I just don't know why she's here. Baka papagalitan niya ako.

Umupo siya sa gilid ng kama ko at 'tsaka niya ako nginitian.

"How are you feeling?" she asked.

Dahan-dahan akong umupo sa aking kama bago siya hinarap. Nagyuko ako ng tingin at bahagyang bumuntong-hininga.

"A-Ayos lang po..." tipid kong sagot.

"Don't ever do that again, okay? That's reckless, Rhy! Baka kung ano na ang nangyari sa'yo kung hindi kami dumating ni Rancio!" nag-aalalang ani Mama bago ako hinila para sa isang yakap. "I'm scolding you right now because I was really worried about you."

Tumango lang ako at niyakap siya pabalik. Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal dahil isa si Mama sa laman ng mga balita ngayon pero ako pa rin 'tong inaalala niya.

"Ma, sorry..." bulong ko. "Ako ang nagsimula ng gulo-"

"No, Rhy. Don't ever think of anything anymore. It's fine, I understand." hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo.

Nang humiwalay si Mama sa pagkakayakap mula sa akin ay doon ko nakita ang bahagyang pagsimangot ng kaniyang mukha.

"By the way, what's with this Zarina? Paano niya nalaman ang tungkol kay Marley?" tanong sa akin ni Mama.

"I-I don't know, Ma. Hindi ko alam kung kanino niya 'yon narinig dahil kahit si Arrow na boyfriend niya ay walang alam. Wala rin naman akong ibang sinabihan, e."

"And she's going to stay here for the meantime?"

I nodded my head as an answer.

"At bakit? Wala ba siyang ibang matitirhan?!" iritadong tumayo si Mama. "I'll tell Rancio to get rid off that pest!"

Hinawakan ko kaagad si Mama sa kaniyang braso para hindi siya makaalis. "Ma, Zarina is pregnant."

Napanganga si Mama sa sinabi ko pero mabilis naman niyang nabawi iyon. She rolled her eyes out of frustration.

"And who's the father? Don't tell me it's Arrow?"

"He is..." nag-iwas ako ng tingin dahil kahit ako ay hindi kumbinsido sa balitang iyon.

"Oh, no! Why?"

Napangiwi ako nang marinig ko 'yon mula kay Mama. Bakit parang gusto kong matawa na hindi? Siguro nga ay nagmana ako sa kaniya, hindi lang talaga gaanong halata.

Rhythm of Life (Varduzco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon