Twenty-sixth Rhythm

20.9K 767 330
                                    

Twenty-sixth Rhythm

Leave

RANGER TRIED to grab my hand as soon as I turned my back. Gulat pa rin silang dalawa ni Zarina at alam kong kinakabahan na sila. I'm just going to tell everyone about their schemes. Things got complicated because of what they did, so they should pay for its consequences.

Nanginginig ang laman ko sa galit habang pumapanhik ako pababa patungong first floor. I'm sure that all of them are there since Arrow will be cooking for our dinner tonight. Ngayon na lang ulit siya magluluto at ngayon na lang din kami magsasama-sama.

Should I still tell them the thing that I've heard? I'm about to ruin everything that can cause scars inside their hearts. It would badly affect their bond as brothers.

Kakayanin ko bang sirain 'yon? But they deserves to know the truth! At kung hindi ko sasabihin, habang buhay silang maniniwala sa isang kasinungalingan! Pero anong gagawin ko kapag nagkasira silang lahat?

"Rhy!" rinig kong tawag sa akin ni Ranger.

Mas binilisan ko lang ang pagpanhik pababa dahil ayaw ko siyang makasabay. Ayaw kong maabutan niya ako dahil baka kung ano ang magawa ko sa kaniya.

Isang hagdanan na lang ay nasa first floor na ako pero may humapit sa aking baywang. Ranger covered my mouth to shut me up from talking. Dinala niya ako sa loob ng theater room sa second floor. Kasama niya si Zarina na nakasunod lang din sa aming dalawa.

Nang nasa loob na kami ay halos magngitngit ang mga ngipin ko sa galit. A certain muscle from my jaw tightened out of frustration.

"Bakit niyo ako rito dinala?!" iritang tanong ko.

"Kasi ilalaglag mo kami!" sigaw ni Zarina sa akin. Pumagitna sa amin si Ranger. "We can't let that to happen!"

Nilingon ko si Ranger. I couldn't help but feel hurt because he betrayed me. He's the closest person to me in this house, yet he did that to me. I don't know what I did to deserve this kind of treatment. Bakit ako pa 'tong nakakaranas ng mga ganito?

"Let's calm down first—" I didn't let him finish his sentence. Kaagad at malakas na humampas ang palad ko sa kaniyang pisngi.

I pointed my index finger at him. "Ang kapal ng mukha mo, Ranger! Paano mo nagawa 'to, ha?!"

"Why do you care—" sinampal ko rin sa pisngi si Zarina mula sa kaniyang kinatatayuan. Napasinghap pa siya dahil sa ginawa ko pero hindi ako natinag.

"Huwag kang sumasapaw sa usapan!" nilingon ko ulit si Ranger. "Bakit hindi ka makasagot, ha? Tangina niyong dalawa!"

"R-Rhy..." napalunok si Ranger at kasabay nito ang pagtulo ng ilang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

I had to close my eyes so I won't see him. He probably knows that I hate it when he's crying because there's something inside me that is melting for him. Naging mahalaga siya sa akin at ayaw kong nakikitang nasasaktan at umiiyak ang taong pinapahalagahan ko.

Pero ano bang magagawa ko? He fooled everyone including me! I couldn't believe it!

"Rhy, I-I'll explain..." nagsimulang humikbi si Ranger sa harapan ko. Nanatiling tahimik si Zarina sa gilid. "Zarina was once mine. We broke up when I entered college. Nagtatrabaho noon si Zarina nang makilala niya si Kuya Arrow—"

"Wala akong panahon sa kwentong 'yan! Gusto kong malaman kung bakit mo 'yon ginawa!" sigaw ko sa kaniya.

Nagyuko siya ng tingin ngunit wala akong narinig mula sa kaniya. He just cried in front of me but I don't need that. What I want is a clear answer from them! Bakit ako iiyakan dito na para akong isang santo?

Rhythm of Life (Varduzco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon