Nineteenth Rhythm

23.2K 773 852
                                    

Nineteenth Rhythm

Step-sister

TATLONG KATOK ang ginawa ko sa pinto ng silid ni Sniper. I'm starting today as his personal assistant and my first work is to wake him up. May kailangan siyang kitain na head manager ngayon kaya bago mag alas dose ay dapat ayos na kami.

Naligo pa naman na ako kanina para mamaya ay kakain na lang kami bago umalis, sabay wala naman siyang pakialam. Why did I even ask him to take me as his personal assistant? Nakakastress!

"Sniper!" tawag ko sabay hampas sa pinto.

I tried to contact him through his number but he's not answering his phone. Ilang beses kong hinampas ang pinto niya, nagbabakasakaling bumukas iyon.

"Sweetie?"

I saw Danger walking towards my direction. He came from his room and his eyes are still half open.

"What's wrong?" he asked sleepily.

"Hindi kasi nagigising si Sniper, e. May schedule kasi siya ngayon sa isang head manager no'ng publishing company." ngumuso ako bago ko ulit hinampas ang pinto ni Sniper.

Danger nodded his head as he took out his card, the one that we're using to unlock our room or the main door. Dinikit niya iyon sa sensor sa gilid ng pinto ni Sniper at narinig ko ang tunog nito, hudyat na bumukas ang pinto.

"Why do you have an access to his room?" nalilito ko pang tanong.

"Kasi mahirap gisingin si Snipy..." humikab pa siya at siya na mismo ang nagbukas ng pinto.

Pagkapasok namin ay tulog na tulog si Sniper. He's wearing his airpods and I think that's the reason why he can't hear us. Si Danger ay humiga sa tabi ni Sniper at niyakap niya pa ito.

I took out my phone to take a picture of them. Lihim pa akong napatawa nang niyakap ni Sniper si Danger  kaya naman nakabaon ang mukha nito sa dibdib niya. They looked like a couple. It became funnier since Danger has a long hair so anyone will thought of him as a girl once they check this picture.

Sinundot ni Danger ang pisngi ni Sniper. "Don't give sweetie a hard time, Snipy."

Ngumuso ako bago lumapit para hampas-hampasin si Sniper. Si Danger ay tumayo at pumunta sa likuran ko. Galit na inalis ni Sniper ang kaniyang airpods bago ako nilingon.

"What?! Why are you hurting me?!" reklamo niya sabay padabog na umupo sa kaniyang kama.

"You have work today—" he cut me off.

"I don't care! Get out!" angil niya sa akin.

Ilang beses ko pa siyang hinampas. Irita niyang hinawakan ang magkabila kong kamay para pigilan ako sa paghampas. No'ng una ay pumapalag pa ako ngunit kaagad niya akong hinila papalapit sa kaniya.

I fell on his chest as he held both of my hands tightly. Trying to escape from his grip will just give me a hard time. May sasabihin sana ako pero mabilis niyang binitiwan ang isang kamay ko para kumuha ng unan. Akala ko'y pakakawalan niya na ako dahil binitiwan niya na ang magkabilang kamay ko, pero hindi.

Sniper pushed me to the bed as he went on top of me. He used the white big pillow to cover my face but he's not pushing it really hard, just enough for me to still breath.

Hinampas at kinalmot ko ang kaniyang braso para tigilan niya na ako. I'm just waking him up! Why is he trying to kill me now?!

"Snipy! Why are you so mean?!" rinig kong sigaw ni Danger at kasunod nito ay may kamay na biglang humawak sa braso ko. The pillow fell on the ground and Danger helped me to get off from the bed.

Rhythm of Life (Varduzco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon