Eleventh Rhythm

23.5K 869 1K
                                    

Eleventh Rhythm

Back

ILANG LINGGO na ang lumipas at si Templar ay nakakapasok na ulit. He was also scouted for this team to be part of the Nationals. Masayang-masaya ang lahat tungkol doon, kahit na ako ay masaya rin sa balitang nalaman. His talent will be wasted if no one will scout him and I'm glad that someone did.

"Papasok na ako," ani Templar bago lumapit sa akin.

I nodded my head as I gave him his wrapped sandwich that I made. "Take care."

"Thanks!" he gave me a quick hug as he ran towards the elevator.

Napailing na lang ako.

Simula noong nakalaro ko si Templar ay mas naging komportable na siya sa akin. He would always hang out with me or even visit me in my room just to tell a story. When he started going back to school again, he also began giving me some hugs before leaving the house. He was shy at first but then I didn't say anything that would hurt his feelings.

I mean, it's just a hug. There is nothing serious about that. And besides, he's really like a younger brother to me so it's only normal.

Nagtungo ako sa kusina para tignan sina Arrow na nagluluto para sa tanghalian. Wala ang ibang tao rito sa bahay maliban kina Sniper at Ranger na tulog pa yata. Arrow is cooking with his pet, Zarina, today. I think she's been sleeping here for almost three days already? I don't know, I'm not sure.

These past few days, I spent my days inside my room to have a peace of mind. Hindi pa rin kasi talaga ako komportable lumabas kasama sila kaya mas pinipili kong manatili na lang sa aking silid at manuod ng kung anu-anong video sa Netflix.

I sat on the chair at the dining area while I'm looking at Arrow and Zarina. Habang nagluluto sila ay nakikipagbiruan itong si Zarina, minsan pa ay papahiran niya si Arrow ng kung ano pero hindi naman nagagalit itong si Arrow sa kaniya. Arrow would only smile every time that Zarina will do something childish and messy.

"Good day!" napalingon ako sa bagong dumating.

Ranger scratched the back of his head as he yawned while walking towards my direction. He sat beside me.

He's still wearing his baby blue terno pajamas paired with his white furry slippers. Parang bata niyang kinusot ang kaniyang mga mata bago ako tinignan.

"I'm not feeling well today," mahinang aniya. Tipid siyang ngumiti pero mararamdaman mong totoo iyon at hindi mukhang napipilitan.

Marahan kong nilagay ang kamay ko sa kaniyang noo para kapain kung mainit ba siya o ano. Hindi naman siya sinisinat o nilalagnat, siguro ay masakit lang ang ulo niya.

"Ang sakit ng ulo ko..." he whispered as he massaged his temples. "Can you give me some meds?"

Tumango ako at tumayo para maghanap ng gamot sa mga drawer na nandito. Naalala kong tinuro sa akin ni Cannon ang lagayan ng mga gamot rito para mas madaling makita. Hindi lang nila sa isang drawer nilagay ang mga gamot, aniya'y mas okay na ang nakakalat para hindi madaling maubusan.

I don't really understand the logic behind that but I pretended that I get it. Cannon can be annoying sometimes by explaining things over and over again. The least thing that I would like to hear is his never-ending explanation about a certain thing.

Nananakit lang ang ulo ko.

Nang makahanap ako ng gamot para sa sakit ng ulo ay binalikan ko na si Ranger. May hawak siya ngayong baso ng tubig at tahimik lang itong iniinom. Medyo magulo ang kaniyang buhok ngayon, mas nagulo lang ito nang yumuko siya sa mesa.

Rhythm of Life (Varduzco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon