Lisa Pov
Nag ka tinginan kaming lahat kay jisoo ng tawagin sya. Tumayo ito ng wala kang mababakas na takot sa mukha at katawan nya. Parang ibang iba si jisoo ngayon.
Ng matapos syang bumababa walang patumpik tumpik nyang kinuha ang dalawang katana. Nag hiyawan ang buong manunuod ng umakyat na ang dalawang mag lalaban. Katana rin ang kinuha ng kalaban nya. Tumunog na ang bell hudyat na simula na ng laban nila.
Ngunit nakatayo lamang si jisoo sa pwesto nya hinihintay nyang sumugod ang kalaban. Sumugod ang kalaban nya pero umiwas lang sya ng umiwas.
"Ano! Hanggang iwas ka nalang ba?!" Inis na sabi ng kalaban nya. Nag smirk lang si jisoo bilang pang aasar
"Nakaka boring to walang trill. Hmmm?" Jisoo. Ibinigay ni jisoo ang katana nyang isa tapos yung isa hinagis nya sa labas ng ring. Nagulat ang lahat maski kami gulat sa nakita namin.
"Ayan. May trill na siguro naman patas na ang laban?" Ma pang asar na sambit nito.
Sumugod ang kalaban ngunit mabalis na umiwas si jisoo at kaagad na sinipa ng malakas ang likod ng babae. Nasubsob ito sa sahig ngunit natawa lamang si jisoo. Hindi ko alam na ganito si jisoo may nag bago sakanya simula ng nakaraang araw parang hindi na ito si jisoo na kilala ko.
Tumayo kaagad ang babae tsaka nya sinugod si jisoo ngunit tawa lamang ng tawa si jisoo. Nadaplisan ng babae si jisoo sa mukha kaya naman natigil ito sa pag tawa.
"Oh my gosh! My face!" Nagalit na galit na sambit ni jisoo. Tsaka mabilis na sinugod ang babae pinag sisipa nya ito at pinag susuntok ng mabitawan ng babae ang isang katana mabilis na kinuha yun ni jisoo tsaka nya sinugatan sa paa upang hindi masyadong makalakad.
"How dare you!" Inis na sigaw ni jisoo. Naka luhod na lamang ang babae habang hawak ang katana upang ipang alalay sa kanyang katawan. Sinipa nya ang babae
Kaya tuluyan na itong napa higa. Lumapit sya dito at itinaas ang katana hudyat na sasaksakin nya na ito.
"JISOOO STOPP!" Sigaw ko. Natigil nya ang gagawin nya. Napatingin ang lahat sakin. Mabilis na bumaba sila rose at jennie upang puntahan si jisoo. Kaagad naman na kinuha ni jisoo yung crystal sa loob ng paa ng babae tsaka sya umalis.
Umalis narin ako upang sundan sila. Papalabas palang ako ng maabutan ko sila rose at jennie sa may pinto ng gym na kinakausap si president.
"Hindi nga kayo maaaring lumabas hangga't hindi pa kayo nakikipag laban or natatapos ang game na to!" Inis na sambit nya. Lumapit ako Para kausapin sya.
"Please. Nakikiusap ako kailangan lang talaga naming sundan yung kaibigan namin. Tatanawin kung utang na loob to sa iyo" paki usap ko. Bumuntong hininga muna sya bago mag salita.
"Pero.... Ok fine papayag ako. Ngunit isa lamang sainyo ang maaaring lumabas. Mahigpit na ipinag babawal ang lumabas ngayon. Lalo na't may dalawang grupo ngayon ang nag aaway sa labas baka madamay pa kayo. Sasama ako upang maging ligtas. " paliwanag nya.
"Ako na ang mag hahanap sakanya. Manatili na lamang kayong dalawa dito upang hindi kayo mapahamak"
"Sasamahan na kita para maging ligtas ka" umilin lamang ako.
"Hindi na kailangan. Kaya ko ang aking sarili" bumuntong hininga sya ulit.
"Okay sge. Sasama nalang ako hanggang sa labas. At kayong dalawa bumalik na kayo sa loob. Hindi maganda kung mananatili pa kayo dito sa labas at baka may makakakita pa sainyo."sambit ni pres.
Ng pumasok na sila jennie at rose. Ay sya naman naming pag alis ni pres.
"Mag iingat ka sa labas. Delikado ngayon bumalik ka kaagad bago matapos ang game" umalis na ako kaagad ng matapos ang sasabihin nya. Diko alam kung saan ko una syang hahanapin pero nag baka sakali ako sa dorm namin at baka nag pahinga lang sya doon.
Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng may biglang nag salita sa likuran ko
"Anong ginagawa mo rito sa labas? Hindi pa tapos ang laban sa loob gusto mo bang mamatay kaagad?" Malamig na sambit nya. Hindia ako maka lingon dahil sa lamig at nakaka takot nyang tinig ngunit nilakasan ko amg loob ko upang lingunin sya, naka tingin ako ngayon sa kalahating maskara nyang suot natatakpan nito sa kanyang ilong at mga mata
May medyo mapulang labi at paniguradong matangos na ilong ngunit ang agaw pansin ay ang kanyang asul na mga mata, kung tititigan mo ito ay makikita mo ang lamig at lungkot na naka tago rito.
"Tinatanong kita." Masyado yata akong namangha sa kanyang mga mata
"Pasensya na may hinahanap lamang akong kaibigan ko, babalik rin ako sa loob once na nasigurado kung ayos lamang sya"
"Hindi na maaari! Malapit na silang dumating! Kailangan mo ng umalis kung gusto mo pang mabuhay!" Madiin na sambit nya. Umiling lamang ako
*"BOOOOMMM!"*
May malakas na pag sabog ang naganap di kalayuan samin, napa takip ako sa tenga ko at napa upo. Hindi ko na alam ang gagawin ko biglang may humatak sakin at tumakbo kami. Hatak hatak nya lang ako hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin nag pahatak ako kung saan. Hanggang sa marating namin ang ka gubatan sa isang malaking puno kami huminto
"Kaya mo bang umakyat?" Tanong nya.
"Oo kaya ko. Hindi naman ako baldado para di maka akyat dyan." Pabalang na sagot ko
"Tss! Hindi parin nag bago" pabulong na sambit nya
"Anong sabi mo?!". Umiling lang sya at nag simula ng umakyat.
"Hintayin mo ako dito wag na wag kang bababa!" Madiin nyang sabi tumango lang ako nainirapan sya. Umalis kaagad ng masigurado nyang naka akyat nako
Umupo ako at sumandal sa isang sanga ipinikit ko ang aking mga mata upang makapag pahinga kahit saglit. Napa dilat ako ng maka rinig na tilay may mga nag aaway sumilip ako sa ibaba at tama nga ako nakita ko ang lalakeng naka maska ngunit hindi nalang sya mag Isa ngayon dahil marami na sila. Tinignan ko ang bawat galaw nya sobrang swabe para lamang syang nakikipag laro
Nagulat ako ng bigla syang tumalsik. Konti nalang ang kalaban nya, siguro kaya sya na tamaan ay pagod na Ito.
"Ano Azul suko kana ba? HAHAHAHA" sambit ng lalakeng tila leader nila. Na pintig yung Tenga ko sa narinig kung pangalan tila narinig ko na ulit to.
"Azzul hintayin mo ako!"
"Azzul wag mo akong iwan"
"Azzul"
"Azzul"
"Azzzzzuuuuuuul!"
Paulit ulit na nag echo sa utak ko Ang pangalan na blue.
"Argghhhh!" Sigaw ko. Sumasakit na ang ulo ko kaya na pahawak ako dito. Kumapit ako sa sanga para hindi mahulog ngunit bigla nalang dumilim ang aking paningin at tulayan ng nag blangko.
3rd Person's Pov
Tumingin ang lahat sa itaas ng may narinig na sigaw. Naging alerto ang lalakeng may asul na mata ng malagalag ang babae di sya nag dalawang isip na saluin ito.
"Tamang tama at dalawa na kayong mamamatay hahahaha" sabay halakhak ng leader ng black scorpion.
"Premo!" Sigaw ng isang lalake na paparating
"Paumanhin premo kung na huli kami. Di namin akalain na mapapadpad ka dito"
"Kayo na muna ang bahala dito. Kailangan ko muna syang dalhin sa ligtas na luga. Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat" sagot ng lalakeng tinawag na premo. Binuhat nya ang babaeng walang Malay at sabay na mabilis na umalis.
BINABASA MO ANG
TROUBLE MAKER
ActionFight between Family vs. Friendship? Friendship vs. Love? Love vs. Yourself? Yourself vs. Your family? Apat na babae na iba't-ibang pag uugali base sa kanilang pinagmulan? Mababago pa kaya ang kanilang ugali or may mag papabago sakanila? Tagalo...