OS #3: MULTO

186 6 0
                                    

"MAY MULTO daw dito sa school e!"-

natawa ako sa sinabi ni Andrea.

Mago-overnight kasi kami dito sa school at nagsikwento na sila ng mga ghost stories. Ang tanda tanda na, naniniwala pa din sa mga kwento-kwento.

Jusme.

"Jusmiyo naman, Andrea! Ang tanda mo na, grow up! Tara na kasi!"-

Hindi pa din siya bumangon sa pagkakahiga at ayaw pa din akong samahan sa pag-ihi. 

"Fine. Ako na mag-isa. I'll prove you there's no ghost in here. Coward."-

I sneered and went outside the classroom para umihi sa C.R. malapit sa guardhouse.

Nakaihi na ako when I saw a little girl waiting in the guardhouse, wearing white dress pero halatang madumi na ito, having dark stains visible in her dress.

Before I asked her, lumakad na ito palabas ng school.

After a minute, bumalik na si Kuya Guard so I told him about the little girl. 

"Kuya Guard, may bata kanina naka-dress. Naghihintay ata sa inyo?"- 

At first he looked confused pero napangiti siya- with a hint of terror in his eyes.

"Nakita mo siya? Buti hindi mo kinausap, balasang. Yun yung anak ng isang Guard dito sa school na nasagasaan. Dead on the spot, sa mismong tapat ng school. Aba, death anniversary pala niya!"-

I was left by the guard again when a teacher called him. Bumalik ako sa classroom ng hindi na umiimik at di na nagkwento kahit tanong pa ng tanong ang mga kasama ko kung anong nangyare.

------------------------ E N D ------------------------

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon