OS #24: LOLA

23 4 0
                                    

"Ilang taon mo na, hija?"-

nagulat ako sa tanong ng pasyenteng kasama ko dito sa ward.

She's pretty old, like a grandmother.

"Um, 21 po 'La. Kayo po?"- I asked out of curiosity.

Bumangin siya mula sa kanyang hospital bed at naglakad papunta sa akin.

"Aba'y 89 years old na ako. "- sabay tawang wika niya, ngunit halatang proud siya sa taon niya.

Nginitian ko muli si Lola and she reminds me of my grandmother. How I miss Inang but she's in heaven now, resting in peace.

"Pwede bang magkwentuhan muna tayo, hija?"-

Ngumiti at tumango ako tutal wala naman kaming magagawa dito, hindi naman kami free na makalabas sa hospital. We spent almost 3hours telling our stories, but mainky I just listened to her while she retell me her life stories. Her achievements, her mistakes, her family at lahat ng naranasan niya hanggang pagtanda.

"Maraming hirap ang napagdaanan ko pero mas mahirap pa pala itong nararansan natin ngayon. Gusto ko nga sanang maihukay sa lupa pag namatay na ako, pero mahirap siguro ngayong panahon na ito."- Ngumiti siya ng bahagya ngunit halata ang lungkot sa kanyang mukha.

"La, makakaya po natin ito. Malalagpasan din po natin ito. Makakalabas din tayo sa ospital at makakasama muli natin ang mga pamilya natin."- Nakangiting wika ko upang maibsan ang lungkot niya.

Nginitian muli ako ni Lola at pinisil ng bahagya ang aking kamay.

I found it comforting.

"Ilang taon mo na ulit, hija?"-

"21 po, La."-

"Ah, bata ka pa. Wag kang mawawalan ng pag-asa ha? Marami ka pang magagawa sa buhay mo."- Nakangiting wika nito at bumalik na sa hospital bed nito.

Sakto namang pumasok muli ang nurse para sa 4th swab testing namin at lumabas na ako sa kwarto namin. Pagdating ko sa kwarto, wala si Lola. Nahiga nalang muli ako at di ko namalayan ang pagkatulog ko.

I was waken up by the siren of  hospital's ambulance. At napansin ko ang pagtatakbo ng mga nurse at doctor sa hallway. Mukhang may aksidenteng nangyari. Naisipan kong lumabas ngunit napansin kong wala pa si Lola sa higaan niya.

Lumabas ako sa kwarto at natigil sa paghakbang ng narinig ko ang usapan ng mga doctor sa labas. Para akong naupos na kandila sa narinig ko.

Si Lola Claring, patay na.

Tumalon sa 6th floor ng hospital. At kalalabas lang ng swab tests niya, Covid19- NEGATIVE.

She told me not to lose hope, pero bakit siya ang nawalan ng pag-asa------------------------- E N D ------------------------

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon