OS #33: KAPATID

49 4 0
                                    

I hate my sister.

Lagi ko nalang siyang kaagaw sa lahat.

Kay Mama.

Kay Papa.

At sa lahat ng mga kakilala ko, siya lagi ang bumibida. Nakakaasar. Nakakarindi. Nakakagigil. Siya lagi ang napagbibigyan.

Para sa akin, problema siya.

Isang making problema. She's a pest.

Katulad ngayon, nakikihati na naman siya sa kwarto. I don't want to make any physical contact sa kanya. And haven't talked to her for a long time dahil sa galit ko sa kanya.

Yes, I abhor her so much.

I hate her.

"Ano ba, Mikay?! Hindi mo ba ako tatantanan? Kanina ka pa ah! Sabing ayokong makipaglaro sa 'yo! Akin yang hawak mong Barbie ah! Mangaagaw!"-

I glared at her as I snatched my Barbie doll away from her. Our skin touched and I hate the feeling that I felt her ice-cold skin. Ew.

"Dun ka nga! Isa pa sabi ko sayo, isusumbong kita kay Mama!"-

Pangtatakot ko sa kanya. Tumigit Ito saglit pero pagkatapos ng ilang sandali, nangugulo na naman siya.

Bwiset.

Nakakaasar!

Hindi palang kasi mawala!

"Ah, ayaw mo tumahimik? Maaaaa!"-

Lumabas ako sa kwarto at dali daling pumunta kay Mama.

"Ma, sawa na 'ko makita si Mikay! Gusto ko na mapag-isa sa kwarto ko! Laging nangugulo eh."-

My mom looked at me with teary eyes.

"Miley, hayaan mo muna siya diyan ha. Hindi pa makakauwi si Papa niyo eh. Gusto namin ng Papa mo na makita muna siya ni Papa niyo bago ilibing ang katawan niya. Sige na anak, balik ka na sa kwarto mo."-

See? Between me and my dead sister, ako pa rin ang talo.

Bumalik ako sa kwarto at nadatnan ko ang kapatid ko, waiting for me. She looked at me with a lopsided grin.

"Play with me?"-

-------------------------- E N D ---------------------

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon