Shaina (POV)
Nagpapasalamat ako dahil bago natapos ang pinapanuod namin unalis agad agad sina Ckarl. Pero itong si Ann parang lantang gulay. Nanghinayang dahil di sila destined ni Ckarl. Nahihilo na ako sa kaka ikot pabalik balik. Kanina pa kami nakauwi pero ito siya parang batang inagawan ng candy.
Habang nagluluto ng hapunan diko maiwasang isipin kung sino yung kasama ni Ckarl kanina. Kilala ko siya di niya hilig magdala o mangbabae. Ckarl is an ideal man, kaya nafall ng subra itong kaibigan ko. Diko rin siya makukwesyon dahil di naman mahirap gustuhin yun. Ideal man nga ika ni Ann.
Pansamantala ko namang nakalimutan si Veyn dahil sa nangyari ngayon. Kamusta na kaya yun. Pagdating namin kanina dito sa condo yung bakanteng condo sa harap napansin kung naka bukas na ang ilaw at may nagpapatugtug. Baka naka lipat na yung gagamit. Mabuti nga dahil may kasama ako sa palapag na ito. Wala namang nakakatakot pero mas masaya kung may kasama. Mabuti sana kung babae, pero sana babae yung bagong lipat.
Hanggang sa pagkain nawawalan ng gana itong si Ann. Masama kayang ngumuso sa harap ng pagkain mas lalo na kung manglumbaba. I know Ann was so disappoint in what happen awhile ago. Pero mas maganda narin yun, kesa naman nakita niyang may kasamang iba si Ckarl. A part of me want to tell her what I see. Pero ayaw kung mas masaktan pa siya lalo. Ann was a happy go lucky girl, but if she's sad trust me mas cold pa siya sa ice.
"Ann, sleep over kana lang kaya dito. Usap tayo tsaka nuod ng movie?." pagbasag ko sa katahimikan niya. Tumingin siya saakin at nagliwanag ang kanyang mukha.
"Really? really Sha. Oo gusto ko gustong gusto. Andito pa diba yung damit ko? Yung naiwan tuwing natutulog ako dito." sagot niya habang tumatalon. Tumango ako at ngumiti. She's back.
Nagliligpit ako ng pinagkainan at si Ann ayun, naliligo na habang kumakanta. Diparin nagbabago ganon parin isip bata. Pagkatapos ko dito magpapahinga na muna ako bago maghugas ng katawan.
Tapos na nga siya at ayun napaka hyper. Maliligo na ako. Nag request siya saakin na mag videoke na lang daw kami. Pero humindi ako dahil malamang sa malamang madami ng natutulog ngayon. Makakabulabog kami sa marami. No choice kundi manuod ng movie.
Sinimulan niya ng magtingin tingin ng movie sa laptop ko bago ako umalis at ng maka ligo narin. Iniisip ko yung nangyari kay Veyn bago siya umalis kahapon. Parang madami siyang gustong sabihin pero bawal. Illusyon ko lang siguro iyon. May number siya saakin pero nahihiya akung mag first move. Remember we are girls, dapat boys ang mauuna pangit tingnan pag girls yung nagpi first move.
Pagkatapos kung maligo at makapagbihis tumabi na ako kay Ann, seryuso niya talagang manuod. Kung paminsan tatanga ang bida sisigaw siya. Manggigil kung may mga echoserang kobtrabida. Parang sira lang, siya itong gigil na gigil.
Kumuha ako ng chips at coke sa ref para di ako mabored diko rin kasi nasubaybayan kaya diko feel panuorin. Nilalantakan kuna ang pagkain ng bigla niya itong inagaw ng walang tingin tingin, pati coke ko.
"Ann, akin yan ee. Ang sarap na ng kain ko." saad ko nag sign siya na tumahimik ako at tinuro ang palabas kung saan yung bidang girl duon is nahuli niyang may kahalikan yung lalaki. I guess jowa niya itong boy. Ang sakit nun, harap harapang naglampungan! Ako yan pagtatadyakan ko silang dalawa.
Ito yung masakit sa isang relasyon. Ikaw itong todong tiwala at magmahal. Dimo alam at namamalayan na naging bulag at kumpyansa kana dika lolokuhin ng tao mung minahal. Kahit dipa ako nagkakajowa alam ko kung paano kasakit ang masaktan. Lalo na nung first ever boyfriend ni Ann. Hindi siya niloko ng jowa niya. Sadyang wala silang tiwala sa isat isa. Paano ka magmamahal kung wala kang tiwala sa kanya. Kung gaano pa ka strong o kamahal niyo ang bawat isa kung tiwala niyo ay wala walang magandang patutunguhan iyong pagmamahalan niyo.
Diko hinagad na lalaking mayaman gwapo at talentado. Ang hinahangad ko lang yung mamahalin ako kung ano man ako. Tsaka may respeto sa babae masayahin. Papaiyakin ka sa saya hindi sa lungkot at pighati. Plus points na siguro yung gwapo tsaka talentado.
Naisip ko bigla si Veyn. Mabait siya pero laging nagtatanong ang utak ko kung mabait siya bakit nagka hiwalay sila ng jowa niya? Ayaw na ng mga magulang nila. Diba maganda yung dati niyang kasintahan. Nagpagamit ako sa kanya pero hanggang duon lang yun, dahil gusto kung magka balikan sila. Kung mangyari man tatanungin ko kung bakit sila nagka hiwalay.
Lagpas alas dyes na ng gabi kaya kailangan na naming matulog ni Ann. Marami pa akung gagawin bukas, sa susunod na sabado kami mag extend sa panunuod.
"Matulog na tayo. Lagpas alas dyes na, mapupuyat tayo tsaka marami pa akung gagawin bukas." saad ko, tumayo siya at naghikab. Inaantok narin siguro. Dumiretso siya ng kwarto, matutulog nayon syempre.
Iniwan nanaman ako. Sarap bigwasan ee, liligpitin ko muna itong pinagkainan at ng makatulog na kami. Inaantok narin ako."Sha, may tanong ako sayo?." saad niya pagka pasok ko sa kwarto. Ano naman kaya itong itatanong niya.
"Ano naman iyon." sagot ko at naupo sa dulo ng kama dahil siya ay naka upo sa gitna nito.
"Yung kay Veyn? Paano kung di pala yun totoo na nagka hiwalay sila. Inouto ka lang niya. Ginagamit kumbaga?." tanong at napa isip ako bigla. Paano kaya kung ganon.
"Ann, you know me. Di ako magpapa uto. Tsaka naawa lang ako, parang mahal na mahal niya yung girl." sagot ko. Tumango siya at nag isip uli.
"Pero paano kung magka gusto ka o siya?." Huh, may ganon ba. Paano kung mangyari iyon. Anong gagawin ko at kung sakaling magka gusto siya saakin. Pero malabong mangyari napaka badoy at pangit ko. Di ako magugustuhan nun.
"Di naman siguro. Malabong mangyari yung mga iniisip mo Ann, sa ganda siguro ng girl talo ako. Tsaka kung magkaka gusto man ako sa kanya ipapa alam ko iyon. Para ma aware siya at di niya ako masaktan." sagot ko tsaka naghinay humiga. Iniisip ko palang na mangyayari iyon natatakot na ako.
Kailangan ko ring magtiwala sakanya at kailangan ko ring pagbawalan na mahulog ako sakanya. Dapat maging maingat ako tsaka huwag padalos dalos. Sabi niya rin kasi saakin na siya lang lalapit saakin kaya okay na yun. Para di masyadong issue. Sinabi ko ring di pwedi sa campus grounds kami mag uusap ayaw kung mapaaway. Knowing that our Queen Bee A.K.A Felicity Nievo is have a crush on him. Baka masabunutan ako or less gawan ako ng masama.
"Always remember Sha. I'm always here no matter what happen. Basta ipinagako lang niyang Veyn nayan na dika niya sasaktan." saad niya tsaka humiga. "Good night Sha." dugtong pa niya.
"Good night Ann." sagot ko at pumikit narin. Inaantok na ang mga mata ko pero gising na gising utak ko. Daming bumabagabag saakin. Lots of question. Bakit ko kasi tibanggap pa ang hamon niya, naawa lang ako pero sana pinag isipan ko muna ng mabuti. Pero hinihiling kung maging okay itong desisyon ko at walang mapahamak at masaktan sa gagawin ko.
Sana sa mga nagawa kung desisyon di ako masasaktan at makasakit. Maging maayos ang takbo, walang sakitang maganap. Tsaka kung darating ang panahon na isa saamin ang mahuhulog sa patibong na ito. Sana di masaktan, sana hindi ako o kung pwedi wala na lang. Isa lang ang gusto ko, ang magkabalikan sila at magsama muli.
shiatotskie.
BINABASA MO ANG
Just Once (On-Going)
DiversosPag ba magmahal kailangan masaktan? Pag ba magkita kayo kailangan magkabalikan? Pag ba nagparamdam ibig sabihin mahal ka parin? CAN I FIGURED OUT WHAT'S GOING ON WITH US? OUR MEMORIES LAST FOREVER BUT OUR LOVE TOGETHER CAN IT LAST FOREVER LIKE O...