Shaina (POV)
Nagising ako kinaumagahan na wala na si Ann sa higaan. Paglabas ko ng kwarto nadatnan ko siyang nagluluto habang sumasayaw. May music pa galing sa phone niya.
Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya, di talaga natinag at mas tinodo pa ang pag sway. Parang gaga ito. Gusto ko sanang sapakin pero naisip kung si Ann ito ang di papaapi. Baka ako pa ang kawawa.
"Alam kung tulog pa si Sha. Kung sino kamang kutong lupa ka umalis ka, kung hindi isasali kita sa niluluto ko!." pagalit niyang sigaw sabay harap saakin ng naka taas ang kamay at inaambang papaluin ako ng sandok.
Ngumiwi siya ng mapansing nakatayo ako at naka kunot ang noo.
"Sorry Sha, akala ko momo. Isasali ko talaga sa niluto ko. Para mas sumarap." saad niya at humagikgik at pinagpatuloy ang pagluluto nito."Ann, maliligo na muna ako." saad ko at pumihit papuntang kwarto para makakuha ng towel. I'm sure masarap ang niluluto ni Ann, adobong manok. Nagmana kasi di Ann kay tita at tinuturuan siya nitong magluto dahil chef ang mama ni Ann. May restaurant sila. Kasi sabi ni tita 'A man's heart is into his stomach.' ganon ba iyon, marunong akung magluto dahil pati ako tinuturuan ni tita.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko patapos na si Ann. Kumaway siya saakin, mabuti pa siguro kakain na muna kami bago ako maligo. Para makapag pahinga pagkatapos.
"Kain na muna tayo Sha, tsaka maya maya aalis na ako. Tumawag kasi si mama saakin. Wala daw magaalaga kay Tuffy." saad niya. Tumango ako at naupo na.
"Kamusta si Tuffy? Sabihin mo sakanya dadalaw ako next time. Miss kuna siya e." sagot ko pagka upo ko. Si Tuffy ay nakababatang kapatid ni Ann. Lalaki tsaka 4 year old palang. Makulit pero malambing na bata, gustong gusto niya akung kalaro. Paminsan inaaway niya ate niya tapos ako yung lalapitan niya. Grabi sila mag away ng ate niya. Not physically, pinapaiyak siya ni Ann at sinasabing ampon lang siya napulot sa basurahan. Naaawa talaga ako kay Tuffy nun. Grabing iyak niya tsaka nagsusumbong saakin.
Kumain na ako dahil tumahimik na si Ann, alangan her mouth is so full. Parang gaga talaga. Ang saya siguro pag may kapatid ka. Gusto ko sana pero dina pwedi si mama. Gusto kung mag ampon sila pero sabi nila baka walang mag alaga. Sobrang busy nina mama wala kasi dito sa Philippines ang company namin. Nasa ibang bansa tuwing christmas lang sila nakaka uwi kaya namimis ko.
"Sha, may pasok na bukas. Bukas tayo magsisimulang mag uniform. Walang palugit." inis niyang saad at nagtuloy sa pagkain. Kahit ako nga gusto kung di na lang mag uniform pero sa East Wood University kung saan kami ngayon nag aaral required talaga. Kung ayaw mo huwag kang pumasok.
yan ang laging sinasabi ng guard.Pagkatapos kung kumain dinala ko ang pinagkainan namin sa hugasan. Nanunuod pa ng tV si Ann sa sala at tumungo na ako sa banyo. Sana lang di siya muna aalis, kilala ko si Ann di yun aalis ng di nagpapaalam. Tinanong ko siya kung maliligo siya dito pero saad niya sa bahay naraw nila.
Pagkalabas ko ng banyo nadatnan ko siyang nakahilata sa sala. Nababagot a ito kakanuod. Nagmadali na akung mag bihis ayaw ko ring paghintayin si Ann. Lumabas na ako pagkatapos tinawag ko siya at tinuro ang pinto. Tumango siya saakin at nauna ng lumabas.
Napansin kung nakabukas ang pintuan ng kaharap kung condo at naka on ang music nito. Sapatos pa lang sa shoe rock duon pansin kung lalaki ang nakatira. Bahala na ang mabuti may kasama na ako. Napansin din ni Ann na may naka okupado narin duon. Nagkibit balikat ako sa kanya.
"May kasama kana dito. Kilala muna ba iyon. Lalaki o babae?." tanong niya at pumasok ng elevator. Ngumiwi na lang ako tsaka nagkibit balikat.
"Diko kilala, sana babae. Pero malabo dahil panglalaki yung sapatos." saad ko at pinindot ang ground floor.
Hinatid ko siya sa kotse niya tsaka nagpaalam. Nag wave ako ng papalayo na siya. Next time duon ako sa kanila dadalaw ako tsaka namiss ko rin ang cheese cake ni Tita.
Bumalik na ako sa loob at naupo sa sala. Gusto kung makipag kaibigan sa bagong lipat, pero nahihiya ako baka di ako papansinin. Iniisip ko kung sa anong paraan? Baka isipin niyang napaka snobber ko na di siya e welcome dahil may kasama na ako dito.
Napagtanto kung mabuti siguro kung magluluto ako. Ulam or cake? Basta yung magugustuhan niya. Maya maya na ako magsisimula maaga pa. Iidlip na muna ako sandali para may lakas ako mamaya.
Nagising ako ng muntikan na akung mahulog. Di talaga ako pweding matulog sa sala. Ang likot kung matulog. Tinignan ko ang orasan okay pa kaya pang makapagluto. Madali lang naman. Magluluto na lang ako ng sinigang. Perfect sa malamig na gabi, parang uulan din. 4pm pa pero madilim na ang kalangitan kaya uulan talaga. Tamang tama na mag sinigang ako para may mainit na sabaw akung hihigupin.
Habang nagluluto ako panay ang tutok ko sa cellphone dahil kanina pa pala text ng text at tawag si Ann. Sinabi kung nakatulog ako, sinabi ko rin sakanyang makikipag kaibigan ako sa bagong lipat. Tumawag agad siya at humalakhak. Panay sabi na next time raw ipakilala ko siya duon panay tango naman ako kahit di niya nakikita.
Inihahanda kuna ang ibibigay ko sa bagong lipat. Nag ayos din ako kahit kunti para maging presentable. Nakakahiya kung marungis at amoy usok kung pupunta duon tsaka ibigay yung pagkain.
Pagka bukas ko ng pintuan taas noo akung naglakad sa harap para maibigay kuna ito. Nangiginig at kinakabahan ako habang inaabot ang doorbell. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa itong welcome food ko o hindi na. Pero andito na ako masasayang lang kung diko ibibigay.
Naka tatlo kung pinindot ang doorbell para mas rinig. Pero wala paring nagbubukas. Inulit ko naman pinindot baka may ginagawa o nag mumusic.Nawawalan na ako ng ganang ibigay ito, baka lumamig narin ang sabaw. Aalis na lang ako kakainin ko na nga lang ito.
Pagka talikod ko yun din ang pagkabukas ng pintuan. Nabato ako sa kinatatayuan ko at parang di makagalaw. Ibibigay ko lang ito tapos aalis na. Para akung tanga na humarap tapos yumuko at marahang itinaas ang pagkain sa taong nasa harap ko. Naka yuko ako at nakapikit ang isang mata. Nangangalay na ako dito di parin tinatanggap. Naiinis pa ako ha! Tayo na nga itong nagmamagandang loob.
Ibinaba ko na lang inilagay sa paanan niya tsaka umalis. Pagbagsak kung isinara ang pintuan. Pero para akung tanga na sumisilip sa maliit na butas ng key hole ko. Di parin siya umaalis at naka tingin parin siya duon. Diko makita ang mukha niya, lalaki sure ako. Yumuko siya at kinuha ang pagkain sa bowl na naka supot. Ngumiti ako tsaka umalis na sa pintuan para ako naman ang kakain ng niluto ko.
Masaya ako dahil tinanggap niya ang pagkain kahit di kami nakapag usap or nakapag pakilala sa kanya. Pero okay lang atleast tinanggap niya iyong niluto ko. Nanunuod ako ng tV ngayon sa sala kahit diko naman gusto.
Lunes na pala bukas. Tsaka bukas din kami magsisimula sa pag suot ng uniform namin. Okay lang naman ang uniform pero hanggang tuhod naman lahat yung medyas.
Transferee pala si Veyn kaya maraming nagkakandarapa. Iwan ko kung saan siya galing and I'm sure pinagkakagukuhan rin siya ruon. Baka duon niya rin nakilala iyong sinasabi niyang babae. Hanggang ngayon palaisipan ko parin kung anong itsura nito. Kung gwapo siya tyak na maganda yun.
Wala narin naman akung naintindihan sa palabas kaya pinatay ko ang tV tsaka pumasok sa kwarto. Mabuti pang matulog ako ng maaga para di ako lutang tsaka maantok bukas sa room.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Baka malito po kayo sa pag pronounced ng name nila:Veyn/ Vin po yan
Ckarl/ Karl lang po filter kumbaga iyang C. Hahahashiatotskie.

BINABASA MO ANG
Just Once (On-Going)
RandomPag ba magmahal kailangan masaktan? Pag ba magkita kayo kailangan magkabalikan? Pag ba nagparamdam ibig sabihin mahal ka parin? CAN I FIGURED OUT WHAT'S GOING ON WITH US? OUR MEMORIES LAST FOREVER BUT OUR LOVE TOGETHER CAN IT LAST FOREVER LIKE O...