Chapter 15.......
Mugto ang matang gumising ako. Diko alam kung anong oras ako nakatulog. Basta na lang bumigat ang talukap ko. Mabuti na lang at walang pasok ngayon dahil sa laro na ginanap. Dati excited si Ann sa mga ganito. Ngayon parang siya pa mismo ang pumipigil saakin. Gusto kung pumunta. Parang may humihikayat saaking pumunta. Gusto kung magpahinga pero kabaliktaran ang ginagawa ng katawan ko.
Naligo ako at ako narin ang nagluto ng umagahan. Habang kumakain panay ang sulyap nila saakin. Tapos magtitinginan sila na parang nag-uusap gamit ang mata. Gusto kung itanong kung bakit, pero dahil siguro sa nangyari.
"Ann, punta tayo sa school. May titingnan lang ako. Tapos alis na tayo agad. Samahan niyo lang ako." saad ko tsaka ko sila isa isa tiningnan.
Gusto kung paniwalaan ang sariling isip na hindi si Calley iyon. Pero iba ang pakiramdam ko. Sometimes my instinct is true. That's why I need to know now, kesa mabaliw ako sa kakaisip. Bumuntong hininga si Ann, tsaka tumango. Concern is etch in her face. Janice held my hand. She smiled na parang mahahawa ako ng ngiti niya. Janice is kind a very very kind and caring friend. I'm so blessed to have them in my life.
"Basta.. promise mo saamin Sha na dika aalis sa tabi namin kung nanduon na tayo." Janice said. Tumango ako tsaka siya nginitian.
"I will find clothes for you. Ako pipili ng damit." saad ni Ann, sabay taas baba ng kilay. Bumalik na sa dati ang timpla. Pero nanduon parin ang concern sa mata niya.
Pinili ni Ann saakin ang floral dress. Kinulot niya rin bahagya ang ibaba ng buhok ko. She apply some tint on my face. Nagsuot lang ako ng flot shoes para di ako mahirapan kung saka sakali. Lumabas na kami ng condo. Tanghali narin kaya sure na sure na mainit na. Puro reklamo si Ann, sa mga taga ibang school kasi lapit ng lapit. Salubong ang kilay niya at nakapaymaywang na tinayuan ang lalaking lumapit.
"Alam kung maganda at sexy ako. Kaya please, huwag niyo ng ipangalandakan! Nauumay naku kakarinig." saad niya. Ngumisi ang lumapit na lalaki kay Ann. Gwapo din tsaka naka jersey siguro basketball player ito. Matangkad tama lang ang skin color tsaka mapupula ang labi. Ganyan ang type ni Ann, pero bakit ang sungit sungit nito.
"Miss, what's your name? Yes your beautiful and sexy." sabay hagod ng tingin kay Ann, mula ulo hanggang paa. Tumayo na ako, iba nararamdaman ko sa lalaking ito. Pati rin si Janice nasa tabi kuna.
"Bakit mo tinatanong? Aber!.." sagot ni Ann. Lumapit si Janice kung saan nakatayo si Ann. May lumapit bigla pang dalawa na siguro kasamahan nitong lalaki. Yumuko si Janice, siguro nahihiya. "Tinatanong mo pangalan ko? Ulol! Talunin mo muna team namin bago mo malaman ang pangalan ko. Tsaka talunin mo muna ang mahal ko." saad ni Ann. Tumawa ang lalaki. Ngumisi siya sabay tango tango.
"Mahal mo iyong, lampayatot na captain dito?..." saad nito. Nanlilisik ang mata ni Ann. Lumapit naku sa kanila. Sumipol ang iba tsaka ako tinitigan paibaba. "May mas maganda pa pala." saad nito. Lumapit siya saakin saka ako hinagod ng tingin.
"Huwag mong sasabihan ng lampayatot si Ckarl! Baka natatakot ka? Dahil matatalo na kayo! Loser!.." saad ni Ann. Aakma na sana siyang aalis para hilahin ako ngunit hinawakan siya sa kamay nuong lalaki. Panay piglas si Ann. Nagmamaka-awa narin si Janice pati siya hinawakan narin. Parang walang paki sina Felicity at panay tawa pa.
"Sino sinasabihan mo ng talunan! Gusto mo siguro makatikim ng panalo miss beautiful." sabay hawak niya sa baywang ni Ann. Pero bago siya makagawa ng kahit ano. Sumimplang siya sa lupa. Muntikan pang madala si Ann, pero nahawakan siya agad ni Ckarl sa baywang. Nakatulala parin si Ann. Kahit ako natulala. Lahat ng nakakita tumigil sa kani kanilang ginagawa. Yung dalawang humawak kay Janice tumulong sa lalaking natumba.
BINABASA MO ANG
Just Once (On-Going)
RandomPag ba magmahal kailangan masaktan? Pag ba magkita kayo kailangan magkabalikan? Pag ba nagparamdam ibig sabihin mahal ka parin? CAN I FIGURED OUT WHAT'S GOING ON WITH US? OUR MEMORIES LAST FOREVER BUT OUR LOVE TOGETHER CAN IT LAST FOREVER LIKE O...