Chapter 10

8 7 0
                                    

Shaina's (POV)

Gumising agad ako ng maaga para iwas tsismis kung maglalakad sa hallway. I'm sure iyong pangyayari kahapon ang usap usapan naman sa loob ng campus. Papasikat pa lang ang araw andito na ako sa field. Mistulang abandonadong paaralan ang nakikita ko ngayon sa sobrang tahimik. Sana ganito na lang kapayapa ang buhay ko. Yung walang iniisip kundi ang mga gawain sa paaralan. Not all precious peace have a good peace. Tulad ng patay minsan ginusto mas marami at hindi gusto. Kaya minsan lang talaga ang masaya. At ang masayang iyon ay itong oras na ito. Dito ko kakainin baon ko. Parang may date ako tapos kaluluwa. Tahimik siguro may kababalaghan ng nangyari dito. Usap usapan pa naman ang babaeng nagpapakita daw sa tabi ng library. Kung ganon e dapat tinabihan na niya ako ngayon para may kasama ako.

Kinikilabutan ako sa mga naiisip ko. May mangilan ngilan naring mga estudyante dito. Marami pa akung oras pupunta na nga lang ako sa library duon ko uubusin oras ko. Mapagusapan pa ako dito tungkol sa pangyayari kahapon. Mabubuang na ako sa mga mangyayari mamaya. Bahala na si batman.

Papunta pa lang ako para ng bubuyog mga bunganga nila kung maka tsismis. Tapos kung makalapit na ako sisira ang bukaklak este maghihiwalay sila at kung makatingin parang papatayin na ako. Tutubo pimples ko sa mga nangyayari papano pa kaya kung sa loob na ako ng room. Magbabasa na nga lang ako ng para maibsan itong problema ko. Tatanda ako agad agad nito.

Isang oras na lang magsisimula na ang klase namin. Papunta narin dito si Ann, susunduin niya raw ako kasi alam niya na ang mangyayari saakin. Wala naman akung pakialam sa mga sasabihin nila dahil simulat sapol diko gusto ito at wala akung alam kung bakit nagkaganito buhay ko. Hindi rin ako ang mauubusan ng laway kaka tsismis. Siguro may isang drum silang tinatago sa loob ng bunganga nila dahil kahit abutan pa ng isang taon di mauubos kaka satsat. Nagiging masama naku sa mga pinagiisip ko. Kasalanan nila ito eh. Saan na kasi si Ann, ang tagal tagal. Mauubusan ako ng isang oras kaka explain sakanya kung bakit ako umalis kahapon agad.

Mabuti nama't nakarating na siya. Nawawalan ako ng gana mag explain pero kailangan da daldal ba naman nito di ako tatantanan nito sa kaka tanong kung bakit ako umalis. Habang naglalakad kami panay salita ako at tango naman siya. Sinabi ko lahat ng gusto niyang marinig. Pero humihinto ako pag may nadaraanan kaming nagkukumpulan na mga tsismosa.

"Yun lang? Umalis ka kasi nahiya ka? Bakit ka naman mahihiya e siya naman yung nagsabi?." saad ni Ann.

"Kung alam mo lang gusto ko ng magpalamon sa mga taong lupa kahapon sa subrang kahihiyan." sagot ko at nagpatuloy lang siya sa kaka sermon na wala naman daw iyong kaso. Iba kasing confidence level nito saakin. Hindi nangangalahati yung akin sa kanya. Diko na nga kayang tingnan mga taong kahit ano na pinagsasabi saakin. Ang sakit nilang magsalita ah.

Umupo naku sa upuan dahil maya maya magsisimula na ang klase. Di parin ako mapirmi sa kinauupuan ko. Wala pa naman si Veyn pero para nakung binudburan ng asin dito. Mabuti na lang at natapos ang pang umagang klase na ganon parin ako. Wala ni isang tinuro ang pumasok sa utak ko. Gutom lang siguro ito. Sabi din ni Ann di naraw na kami pupunta ng canteen kasi nga subra subrang tutulis at iingay ang cafeteria. Pahuhupain ko na muna itong isyo. Lalayo sa maraming tao at iiwas sa mga tsismosa. Dito narin namin kinain ang dala ni Ann na baon para saaming dalawa.

Sarap na sarap ako sa dinala niyang pagkain. Napaka galing talaga ni Tita gumawa ng pagkain. Sana narito din si mama para ipagluto ako ng makakain araw araw. May pumasok naka yuko ito nahihiya saamin. Siniko ako ni Ann at bumulong saakin na napaka mahiyain daw nun bagay raw kami magsama. Inismiran ko siya at nagpatuloy sa pagkain. Tumayo si Ann at nilapitan niya iyong babae. Iginiya niya papunta sa kinauupuan namin iyong babae. Impernes ang ganda niya makapal na eyeglasses at bangs. Smells like nerd. Like me baduy din kung manamit. Pants akin sakanya maluwang na pants at malaking damit mukhang luma.

Just Once (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon