Chapter 9

7 7 0
                                    

Ann's (POV)

Lunes ngayon and I hate it. Kasi ngayon kami magsisimulang magsuot ng uniform namin. Dina ako makakapag fashion.

Nagising ako ng maaga dahil sa kapatid kung super kulit. Kinakalabit at tinatampal ang pwet ko. Malaki daw tsaka tumatalbog. Juskooooooooo mabuti bata pa at kapatid ko kung hindi nasipa ko ito.

Siguro gising na si Sha. Diyon gustong mapahiya sa klase, pero kung badtrip siya o ayaw niya wala siyang pake sa taong nasa harap niya. Napaka simple niya di halatang anak mayaman. Naalala ko tuloy nung nag debut siya kung di lang naghanda at nagpaparty ayung mama niya ayaw niya talaga. Believed me para siya tanga habang naglalakad sa stairs nila pababa. Kunot na kunot ang noo naka taas ang isang kilay. Ayaw niya kasing naka gown or ano. Mas komportable daw siya kung nag pants na lang. Total kakain din daw lahat ng imbitado, tsaka gifts lang dance ganon. Napaka bad pagkatapos ng sayaw umalis at nagpalit ng damit tsaka inalis ang make up.

Pag may prom naman sa school kahit anong pilit kung pasalihin siya ayaw niya talaga. Kaya ang ginagawa niya treat niya ako ng 1week tsaka ihahatid pauwi sunduin ganon. Gustong magka jowa pero ayaw magdamit babae.

Nasabi niya rin saakin tungkol sa kasunduan nila nung Veyn nayun! Ayaw ko nun pero kilala ko si Sha, di siya magpapa tanga duon. Maawain din siya kung sakali mang magka gusto siya kay Veyn tapos nagpapanggap lang sila ewan ko na lang talaga. Sana magpakita na iyong babae ni Veyn para di mahulog ang loob ni Sha sakanya. Masakit masaktan lalo na kung lulukuhin ka ng harap harapan. Yun bang feeling mung mahal na mahal niyo ang isat isa pero kung walang tiwala wala parin talagang saysay ang isang relasyon.

Nag aayos na ako para makapag handa na papuntang school. Diko trip mag kotse kaya mag jejeep ako. Masaya kaya yun, mahangin tsaka maraming tao. Duon ko kasi nakilala yung dati kung jowa. Di sila gaanong kayaman, pero may busilak na puso. Ewan ko ba kung bakit pa kami nagka hiwalay. Sabi nga nila saakin minsan lang tayo makahanap ng gaanong lalaki. Pero siguro di talaga kami para sa isat isa. Bahala na si kupido saakin.

Nagpara ako ng jeep saka sumakay duon. May nakita din akung mangilan ngilang estudyante na nag aaral sa school basi sa suot nilang uniform na katulad ko. Kung sa iba gustong gusto nila ang uniform ako hindi. Feeling ko kasi di bagay saakin, pero ang iniisip ko lang isang taon na lang diko na ito masusuot.

Huminto ang jeep dahil may sasakay diko na tiningnan dahil abala ako sa pag titipa sa phone. Nagtatanong si Sha kung papunta nku. Sinabi kung di na ako nag kotse nag jeep na lang kako ako. Papunta narin daw siya. Pagbalik kung tingin sa mga pasahero muntikan nang mahulog phone ko. Bakit nag jeep ito ang yaman yaman nito tapos mag jejeep lang. Nakatagikid siya at halatang naasar at naiinip na dahil sa kakausog ng mga babaeng estudyante palapit sa kanya.

Pati ako naiinis narin dahil inaangkin nila ang dapat ay saakin. Oo akin lang si Ckarl. Gusto ko silang sapakin lahat at ng matauhan sila sa kabobohang ginagawa nila. Pero higit pa duon nagpasalamat din ako dahil nakarating na kami sa harap mismo ng school gate. Bongga

Pagbaba ni Ckarl napansin ko ang mga nagtatawanan na barkada niya. Inis niyang tinignan isa isa at iniwan sila habang nagtatawanan. Pustahan siguro yun kung di ako nagkakamali. Kawawa naman ng bebeko pinagkaisahan ng mga unggoy na ito.

Nalagpasan ko rin sila at padabog na pumasok duon sa loob. Diko alam kung anung ipinuputok ng butchi ko. Siguro duon sa mga babaeng nagkandarapa sakanya o sa barkada niyang mga unggoy.
Urrrrrrrrgggh!

Nag text saakin si Sha na nasa canteen raw siya nag aalmusal. I'm sure late itong nagising. Maaga pa naman bakit di siya nagluto o kumain ng madaling maluto. Pinuntahan ko siya at bumili narin ako ng tubig. Naka upo siya sa dulong bahagi ng canteen. Ganon Sha, talo mo pa yung may tinataguang kaaway ah.

Just Once (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon