Si Liam ang bumili ng ticket at pagkain nila. Nagpasalamat naman agad si Evry sa pinsan at kinuha ang binili nitong pop corn at soft drinks. Tinignan ni Evry ang kapatid at sabay na silang pumasok sa loob ng sinehan habang ang ibang kasama nila ay sumunod sa kanila ngunit wala si Christian.
"Nakita niyo ba si Christian?"tanong ni Evry sa mga pinsan. Lumingon ito sa paligid at umiling.
"Wag niyo na iyong hanapin, baka may nakitang babae at dinala kung saan" hindi maintindihan ni Evry ang naramdaman niya. Tila ba naiinis siya sa kaisipang may kasama itong ibang babae. Ipagsasabay ba sila nito?
Tahimik na pumasok na lamang si Evry at napili nila ang gitnang parti ng sinehan. Nasa pinakadulo si Evry at katabi ang kanyang kapatid tapos ay sunod-sunod na sila ng kanyang mga pinsan.
Maya-maya pa ay dumilim na ang paligid at naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Hindi naman niya iyon pinansin dahil alam naman niyang kahit sino ang pwede mong makatabi.
Tinignan ni Evry ang tv screen at hindi niya mapigilang mainis. Nasaan ba kasi si Christian at bigla na lamang umalis?
"Hey baby" napasinghap si Evry sa narinig. Christian! Nilingon niya ang katabi niya at doon niya napagtantong si Christian pala ang tumabi sa kanya.
"Saan ka galing?" bulong niya dito. May ipinakita ang binata sa kanya at doon niya nalaman na bumili pala ito ng pagkain kaya bigla itong nawala. Tumango si Evry at inayos na ang sarili, nagfocus na siya sa palabas na pinapanuod niya.
Naramdaman naman ng dalaga na may ipinatong ang binata sa kanyang kamay. Tinignan niya iyon at nakita niyang cotton candy iyon na nakalagay sa loob ng baso. Napangiti si Evry at agad na nagpasalamat. Favorite niya kasi ang pagkaing ito kaya hindi niya tinanggihan.
Sa galagitnaan ng pagkain at panonood ay naramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang hita. Hindi niya ito pinansin kahit na nag react na naman ang kanyang katawan sa simpleng paghaplos ng hita niya.
Hindi tumigil si Christian sa ginagawa kahit na alam niyang nasa tabi lang nila ang kanilang kamag-anak. Tinignan ni Evry ang binata at umiling dito. May nangyari na sa kanila kanina at tingin niya ay sapat na muna iyon.
Akala ni Evry ay hindi makikinig sa kanya ang pinsan kaya laking pasalamat niya ng hinawakan nito ang kamay niya. Napangiti naman si Evry at hinayaan na ito. Magkahawak kamay nilang pinanuod ang palabas at sa ginawang iyon ni Christian ay hindi niya maiwasang matunaw ang kung anong malamig sa puso niya.
Noong una ay gusto niya lang maramdaman ang bagay na iyon at hindi na inisip na gagawin niya iyon ng paulit- ulit. Ngunit ngayon, bakit parang unti-unting nabubuksan ang mga nakasaradong bahagi ng pagkatao niya?
"Tomorrow pupuntahan natin ang mga tinutulungan kong lugar. We will be gone for one week so be sure to prepare your things good for one week" sabi nito ng nasa loob na sila ng kotse. Tumango na lamang ang dalaga at pinikit ang mata. Kung sino ang katabi nila noon ay siyang katabi nila ngayon.
Si Ethan naman ay nakatulog na at nakahilig ang ulo nito sa may bintana habang siya naman ay inayos ang pagkakaupo at sinubukang matulog. Lahat ng kasama nila ay natutulog at silang dalawa nalang ni Christian ang hindi.
Naramdaman ni Evry na hinawakan ni Christian ang kanyang ulo at pinulupot nito ang mga braso upang komportable siya sa pagpapahinga. Natutunaw na naman si Evry sa simpleng ginagawa ni Christian sa kanya.
Pero paalala lang Evry, gumawa na kayo ng mali at kapag nahulog ka sa kanya ibang pagkakamali na naman iyon.
UMAGANG- umaga at busy ang lahat ng tao sa bahay. Nakapagpaalam na si Evry sa kanyang mga magulang at naintidihan naman nito na kailangan niyang sumama na muna kay Christian. Ayos lang naman iyon sa mga magulang nila basta lang ay mag-iingat siya at alagaan siya ni Christian.
Si Ethan naman ay sasama sa mga pinsan nila na mag o-outing at maglilibot sa Pilipinas. Magkikita lang silang lahat kapag tapos na si Evry at Christian sa ginagawa.
"Mag-ingat kayong lahat" paalala ng mga ito ng makasakay na sila sa kanya-kanyang sasakyan. Gamit nila Ethan ang van habang gamit naman ni Evry at Christian ang kotse ng binata.
Nag kanya-kanya na sila sa pag-alis at hindi mapigilan ni Evry ang ma- excite sa pupuntahan nila. Ngayon lang ulit siya nakagawa ng ganito at ang kaibahan pa ay hindi sa nakasanayan niya. Bali saling pusa lang siya dito.
"Diba galing kang ibang bansa?" tanong niya kay Christian na kasalukuyang nagmamaneho.
"Oo, bakit mo natanong?" napaisip kasi si Evry, kung galing sa ibang bansa ang binata bakit may ganito ito sa ibang lugar? Siya nga na ilang taon na sa pagtulong ay tanging sa California niya lang iyon ginagawa.
"Bakit marami kang alam sa lugar na ito?"
"Hindi naman kasi buong buhay ko na nandoon ako. Minsan kapag umuuwi si Papa ay sinasama niya ako. Tapos si Liam lagi niya akong sinasama kapag gusto niyang tumakas sa responsibilidad niya" tumango na lamang si Evry at hindi na nagsalita.
Tahimik ang naging byahe nilang dalawa. Sa pagkakaalam ni Evry ay hindi lang isang lugar ang pupuntahan nila. Bagkus ay marami pa, kasama nila ang medical team na kakilala ni Christian na hindi niya din alam kung paano ito nakilala ni Christian.
Marahil matagal na talagang tumutulong ang pinsan niya na hindi niya malaman kung bakit.
Una nilang pupuntahan ay ang malabundok na bahagi ng lugar. Naroon ang mga kasama ni Christian at ang gagawin nila ngayong araw ay ang mamigay ng mga pagkain at magpapalaro bukas bago umalis at lumipat sa ibang lugar.
"Carlos, this is Evry kaibigan ko" pinakilala siya ni Christian sa mga kakilalang nandoon na. Itong Carlos na pinakilala ni Christian ay nakasuot ng puting coat. Marahil isa ito sa mga doctor.
"Nice to meet you" nakipagkamay si Evry sa lalaki at ngumiti naman ito. Kaso nagtataka siya dahil kaibigan ang pinakilala ni Christian sa mga ito. Hindi ba pwedeng pinsan nalang?
"Evry, ito naman si Alex, Carol at si Bernard lahat sila ay doctor" tumango si Evry at nakipagkamay din sa mga ito.
"Christian let's start na?" nilingon nila ang bagong dating. Hindi pa iyon nakilala ni Evry kaya tinignan niya si Christian.
"Beatrice, this is Evry" napataas ang kilay ni Evry ng pamansin niyang tinignan siya mi Beatrice mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumisi.
"It so nice meeting you. Never thought that Christian would bring one of his toys" nainis naman si Evry sa narinig. Sino ba ang babaeng ito at kung makapagsalita ay pagmamay- ari niya si Christian?
Naramdaman ni Evry ang kamay ni Christian na hinawakan siya.
"Stop it Beatrice. Let's go Evry" agad siyang hinila ni Christian at pinapasok siya sa isang bahay kubo. Doon ata sila matutulog mamaya.
"Girlfriend mo si Beatrice" hindi iyon tanong dahil hindi naman talaga nagtatanong si Evry. Umiling si Christian at nagbihis, nailang naman si Evry dahil nakita na naman niya ang katawan ni Christian.
"Just one of my fuck buddies"
"Bakit ba ang honest mo?" hinampas ni Evry si Christian na ikinatawa lang nito. Bigla ay naalala ni Evry ang mga nakita niyang ugali kay Christian.
Mahilig si Christian sa babae, at tingin niyang hindi nito kayang magseryoso sa buhay at ayaw ni Evry ng ganoon.
Kaya kahit na may nangyari na sa kanila ni Christian at kailangan na niya iyong wakasan. Ayaw na kasi niya lalo na at parang sinusunog ang kaluluwa niya sa tuwing nagkakasala sila.
❤❤❤
Sinfully In Love
April 20, 2020I will try my best to update this story from time to time. Aside from this, I am also writing a teen- fic genre story.
Check it out on my works and happy reading.
BINABASA MO ANG
Sinfully In Love
RomanceThey are related, but they are lusting each other. Will they end up to be together? or they will be the chaos of their family they treasure? Started: March 3, 2020 Ended: May 6, 2020 P.S. I already posted this before but now I am posting it again ch...