Three months later…
Days passes but I cannot find myself to be happy. Hindi ko alam kung bakit, eto ang pinili ko pero sa tuwing napag- iisa ako ay naiisip ko si Christian. Nakikita ko iyong lungkot sa mga mata niya pero anong magagawa ko? This is the only choice I have.
“Sweetie?” nagbuntong hininga ako bago ko nilingon si Tristan. As always, he lights up my dark days, he always made it sure that I am happy and everyone’s proud of me.
“Today’s the fitting of your wedding dress” even my upcoming wedding is not exciting, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay pero kailangan ko namang gumalaw.
“Yes honey, Luna’s with me” inayos ni Tristan ang suot kong damit. He is the perfect man for me but why I can’t be happy and contented instead?
“See you at dinner” hinalikan ako ni Tristan sa noo at hinayaang umalis. May lakad din kasi sila ni Ethan ngayon- its about the wedding again.
Paglabas ko ng tinutuluyan ko ay nakita ko na si Luna.
“Good morning po Miss” tinanguan ko siya at agad nang sumakay. Habang papunta sa botique ay nakatitig lang ako sa labas ng kotse. Iniisip ko kung ano kayang mangyayari sa buhay ko?
“Are you okay Miss?” pinahid ko ang luhang pumatak mula sa mata ko tsaka ngitian na lamang si Luna. Ngayon lang siya nakipag- usap sa akin mula ng maging secretary namin siya ni Ethan.
“Alam niyo po Miss, nabigla talaga ako ng mawala kayo. One night we’re celebrating, then we’re partying till night pero sa isang iglap nawala lang kayo bigla. Gulong- gulo po ang lahat, galit po si Sir Ethan no’n lalo na si Sir Tristan but Sir Ethan received a call. Ayon po naging okay ang lahat” ngayon ko lang nalaman ang kwentong ito, kung paano nila ako nahanap. Did Christian really do that?
“Sabi po ni Sir Ethan no’n na hayaan ka na muna because you need it kaya calm po kaming lahat then after no’n pinasundo ka na sa kanya” Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko na gustong marinig ang alam niya pero ayaw ko na namang kainin ng lungkot ko.
“Pasensya na po talaga at madaldal ako” tinignan ko si Luna sa mga mata,doon ko kasi nakikita kung ano ang tunay nilang nararamdaman.
“Bakit ka malungkot Luna?” tila nabigla pa ito sa sinabi ko. Hindi siya umimik kaya hinayaan ko nalang, hindi ko naman iyon kwento nasa kanya naman kung sasabihin niya sa akin.
“I lost the love of my life po” I’m shocked, akala ko kasi hindi siya magsasalita.
“We’re getting married, everything’s done iyong date nalang ng kasal ang hinihintay but my sister ruined everything. She slept with him and then they have a baby kaya nagparaya po ako kasi talo na naman ako” nakita kong nagpahid siya ng luha. Hindi ako makapagsalita, she’s too precious but why did it happen to her?
“Mahal niya po ako pero nagawa niya sa akin iyon. Hindi man sadya pero nangyari na kasi kaya iyong kasal na hinanda ko ay naging kasal nila” hindi parin ako nagsalita, hindi ko kasi alam ang sasabihin.
“Pero alam niyo po, pinagsisihan ko iyon. Pinagsisihan kong hindi siya ilaban kasi akin naman talaga siya kaso huli na” nilingon niya ako.
“Kaya po ikaw, hindi ko alam ang kwento mo noong lalaking kumuha sayo pero Miss, pagbalik niyo po ay nagbago kayo. Nawala iyong spark ninyong dalawa ni Sir Tristan, naging malungkot po kayo.”
“Hindi ko po dapat ito sasabihin pero sana po pag- isipan niyo po ang lahat ng nangyayari. Kasiyahan mo po kasi ang nakasalalay, masasaktan po sila pero titiisin niyo po bang kayo ang masaktan habang buhay? They have their own life and you have your own. Tayo po ang gumagawa ng paraan just to be happy” tumigil ang sasakyan at ganoon din si Luna. Hindi na siya nag kwento tungkol sa nakaraan niya.
BINABASA MO ANG
Sinfully In Love
RomanceThey are related, but they are lusting each other. Will they end up to be together? or they will be the chaos of their family they treasure? Started: March 3, 2020 Ended: May 6, 2020 P.S. I already posted this before but now I am posting it again ch...