"Hello po" may lumapit sa kanilang isang magandang babae. Nakasuot ito ng mahabang dress at isang sombrero.
"Hello Lisa, kumusta ka na?" ngumiti ang bata at agad na sumagot sa tanong ni Christian.
Kakadating lang nila sa lugar na iyon at agad na sumalubong sa kanila ang dalagang iyon.
"Okay lang po, tatawagin ko lang si Tatay" umalis na ang dalaga kaya naman tinignan ni Evry sa Christian.
"Sino iyon?" kinuha ni Christian ang mga dala nilang gamit.
"Anak siya ng namamahala nitong binili kong resort. Hindi kasi ako nandito lagi kaya naghanap ako ng pwedeng mamahala" kinuha din ni Evry ang ilang gamit upang tulungan si Christian.
"There's no need to be jealous. I am treating that kid as my sister" tumango na lamang si Evry at hindi na nagsalita baka ano na naman ang sasabihin nito sa kanya.
She's not jealous, nagtatanong lang naman kasi siya.
Maya- maya pa ay may lumapit sa kanilang isang binata at matanda.
"Tulungan mo ang sir mo Yukie, magandang hapon po Sir Christian" nagyuko ng ulo ang matanda at ganoon din ang ginawa ng binata.
Ngumiti si Christian sa dalawang lalaki at kinumusta ito. Kinuha naman noong Yukie ang mga gamit nila at dinala na sa loob ng resort.
"Napakaganda naman po ng nobya niyo Sir, siya na ba ang papakasalan ninyo?" nabigla si Evry sa narinig pero tumawa lamang si Christian at hinawakan ang kamay niya.
"Masaya po ako Tatang at iyon po ang importante." naglakad na sila papasok at napansin ni Evry na maganda ang lugar hindi crowded kaya mas lalong kita ang ganda nito.
"Tatang siya po si Evry dito po muna kami mga isang linggo po" binalingan ni Christian si Evry.
"Baby, this is Tatang Waldo ang namamahala sa lugar na ito" nakipagkamay si Evry sa matanda.
"Napakaganda niyo po ma'm bagay po talaga kayo nitong si Sir Christian" at tinukso pa sila. Napangiti naman si Evry at nagtitingin- tingin ulit.
"Ano po ang gusto niyong kainin Sir? Para maipahanda ko na"
"Mamaya nalang po, magpapahinga na po muna kami ni Evry" nagpaalam na sila sa matanda at pumunta na sa silid nila.
Isang magandang silid ang pinuntahan nila, may isang malaking higaan sa gitna tapos may sofa at television din doon.
"Sayo 'tong kwarto?" tanong ni Evry at naupo sa sofa. Pagod din kasi siya sa byahe lalo na at gumala pa sila kanina ni Christian.
"Hindi, minsan lang kasi ako pumupunta dito kaya hindi ako nagpalagay ng sariling kwarto" tumabi si Christian kay Evry at inakbayan ito. Humilig naman si Evry sa balikat ni Christian at tahimik lamang sila.
Walang umimik sa kanya hanggang sa mapapikit sa antok si Evry. Dala ng pagod ay nakatulog siya sa balikat ng binata.
Masyado ng madilim ng magising si Evry at nasa kama na siya. Wala si Christian sa silid kaya agad siyang tumayo upang hanapin ito.
Inayos na muna ni Evry ang sarili at nagbihis nadin dahil nakaramdam na siya ng panlalagkit sa katawan.
Suot ang binili nila ni Christian kanina ay lumabas na si Evry ng silid. Tahimik ang paligid kaya dumiritso na si Evry sa reception area upang magtanong kung nakita ba nito si Christian ngunit bago paman siya makarating doon ay nakita niya si Christian sa may pintoan at kausap nito si Tatang Waldo.
"Christian?" lumapit siya sa dalawa at agad naman itong nagsilingunan. Ngumiti sa kanya ang matanda habang hinapit naman siya ni Christian sa bewang.
BINABASA MO ANG
Sinfully In Love
RomanceThey are related, but they are lusting each other. Will they end up to be together? or they will be the chaos of their family they treasure? Started: March 3, 2020 Ended: May 6, 2020 P.S. I already posted this before but now I am posting it again ch...