Note: I am changing this story's POV. As of now kay Evry na ang POV.
"WHAT THE HELL is happening here?!” Agad akong napabalikwas ng bangon at ng makita ko si Ethan ay agad kong tinakpan ang sarili hindi na inalintana ang sakit ng aking pagkababae.
“Ano ito Evry?!” umalingawngaw ang boses ni Ethan, halatang galit. Kabang- kaba ako sa mga pangyayari, ano na ang gagawin ko ngayon?
“Anong ginawa mo sa kapatid ko?!”
“Kuya!” nahihintakutan kong sigaw dahil bigla nalang nitong sinuntok ang natutulog na si Christian.
“What the heck dude?” Nagising si Christian at ng makita ang galit sa mga mata ni Ethan ay hindi ito nanlaban. Panay naman ang suntok ni Ethan habang sumisigaw ng what did you do to my sister?
“Kuya ginusto ko ito!” natigilan si Ethan at binalingan ako, nanlalaki ang mga mata nito.
“Please kuya, let me explain” ngunit bago paman ako makapagsalita ulit upang magpaliwanag ay agad namang dumating ang mga magulang ko.
“Xavier!!” Sigaw ni mommy. Nilingon ko si Christian na ngayon ay hinahawakan ang panga dahil sa suntok ni Ethan. Dumating ang mga pinsan namin at ilang kasama sa bahay. Hiyang- hiya ako sa mga nangyari, gusto kong umiyak.
“Magbihis kayo, sa baba na tayo mag- usap” hinila ni daddy ang mga taong nandoon at sinara ang pinto. Tahimik lamang kami ni Christian, hindi inaakalang mangyayari ang bagay na ito.
“Hey, it’s okay” pag-aalo ni Christian sa akin ngunit napuno na ng takot ang puso ko. Hindi ko naman magawang isisi ito kay Christian dahil ginusto ko ito.
“Naalala mo iyong sinabi ko kay Yuri noon? Face the consequence of your actions. Magkasama tayo Evry, kaya natin ito” at hinalikan ako sa noo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naalala ko iyong kagabi, totoo ba iyon, tama ba ang narinig ko kagabi?
Binihisan ako ni Christian dahil walang tigil ang pag-iyak ko dahil sa kaba. Magkahawak kamay kaming pumunta sa mga magulang namin.
Pagdating sa sala ay parang gusto ko ng bumitaw, hindi ko kasi kinaya ang mga titig ng mga ito. Galit ito, alam ko iyon pero nakikita ko ang disappointment sa mga mata ng mga ito.
“What is happening Christian? Bakit kayo hubad? Bakit kayo magkasama nitong anak ko?” hindi paman kami nakakaupo ay iyon na agad ang tanong ni mommy
“Lumayo ka dyan Evry!” hinatak ako ni Ethan kaya wala na kaming magawa upang bumitiw na lamang.
“I’m sorry tita, tito, dad pero mahal ko po si Evry--!”
“That’s bullshit Christian! Mag pinsan kayo bakit mo ito nagawa?” It’s Tito Xavier, disappointed sa mga nangyayari.
“Dad, alam ko naman po iyon pero mahal ko po talaga si Evry” nagulo na naman ang lahat ng biglang sinuntok ni Tito Xavier si Christian.
“Tama na po please! Hindi niya po ako pinilit--”
“Manahimik ka Evry! Akala ko pa naman isa kang matalinong bata bakit mo siya hinayaan?!” hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni daddy. Hindi ba nila ako kayang pakinggan?
“Ikaw naman Christian! Mas matanda ka dito, alam namin ang hilig mo pero sa dinami- daming babae dito ito pa talagang pinsan mo ang pinatos mo!” Panibagong suntok na naman ang natanggap ni Christian. Iyak lang ako ng iyak sa mga nangyari, hindi ko kasi alam kung paano ko maproprotektahan si Christian.
“Bakit po ba kayo galit? Alam ko naman po ang totoo, hindi ko naman po kayo --” bago pa matapos ang sasabihin ni Christian ay sinampal na siya ni mommy.
“Ethan, dalhin mo ang kapatid mo sa kotse” umiling ako kay Ethan. Hindi ito maaari, gusto kong manatili at ipagtanggol si Christian pero wala na akong nagawa dahil mas malakas si Ethan sa akin.
“Alin ba doon ang hindi mo maintindihan kuya? Nagmamahalan kami ni Christian kuya”
“Nahihibang ka na ba Evry?! Hindi mo siya pwedeng ipagtanggol. Ipapakulong namin siya” akmang babalik si Ethan pero pinigilan ko siya, iyon nalang ang naisip ko para hindi muling masaktan si Christian.
“Please kuya, wag mong gawin ito sa akin” umiling si Ethan at nagsimula ng naglakad papasok.
“Mahal ko siya kuya! Hinayaan ko siyang gawin namin ito dahil mahal ko siya!” Sigaw lang ako ng sigaw.
“Mahal ko siya kuya--”
“Baliw ka na ba?!” Sinampal ako ni Ethan, isang malakas na sampal na tila ba nagpabingi sa akin.
“Huwag mong sayangin ang buhay mo para sa gagong iyon dahil kahit magmakaawa ka pa, ipapakulong namin ang gagong iyon!” at iniwan na ako ni Ethan upang bumalik sa loob. Napahagulhol na lamang ako, bakit ganito ang nangyayari sa amin? Kung kailan inamin na ni Christian na mahal niya ako tsaka ito nangyari.
“Masarap ba si Christian ha? Evry” nag- angat ako ng tingin sa nagsalita, nakita ko ang isa sa mga kasambahay. Iyong kaniig ni Christian ng una ko iyong makita.
“Masarap ba ha? Masarap ba?” Dinuro akoni Shiela na agad akong napaatras.
“O mas masarap ang sampal na natamo mo sa pamilya mo Evry”
“Akin siya eh, akin lang si Christian pero sumawsaw ka!” umiyak si Shiela at nanlilisik ang mga matang tinignan ako.
“Mahal niya ako Evry, sinabi niya iyon. Matagal na niya akong kinakama at sa bawat pangyayaring iyon ay lagi niyang sinasabing mahal niya ako!”
“Mahal niya ako pero dumating ka! Ano, masarap ba siya ha?” hindi ako makagalaw, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
“Inahas mo siya sa akin kaya nararapat lang ‘yan sa inyo! Dahil kapag nawala ka Evry, akin na ulit si Christian” napaling ako, gusto ko ng magising. Hindi ito totoo, hindi ito kayang gawin ng isang maid lang.
“I am Shiela Buenavista, nagpanggap akong maid para makuha ko si Christian at nandoon na ako Evry, pero ahas ka!”
“Buti nalang at mabilis ako, sinumbong ko kayo Evry. Sinumbong ko kayo at ito na, babalik na sa akin si Christian!” humalakhak ang babae. Biglang nagpantig ang tenga ko kaya agad ko itong sinampal.
“Walang hiya ka!” Sinabunutanko si Shiela at lumaban din ito. Nahiga kami sa damuhan at kinalmot ko ang braso niya.
“Tama na, tama na” iyak ng iyak si Shiela pero ayaw hindi ko ito binitawan. Dahil dito nagkanda leche- leche ang buhay nila.“Evry!” Maraming umawat pero hindi ako nakinig, dito ko binuhos lahat ng galit ko. Ito ang hinahanap niya pwes, ibibigay ko.
“Evry enough!” at muli akong nakatanggap ng sampal galing kay mommy. Hinatak ako ni daddy at pinasok sa loob ng kotse. Sumakay si Ethan pati na din si mommy.
“We will go back to California immediately, si Xavier na ang bahala sa pagpapakulong sa batang iyon” nanlaki ang mata ko at pilit na lumabas sa kotse upang puntahan si Christian. Kahit umaandar ang kotse ay wala akong pakialam.
“Stop it Evry!” hindi ako hinayaan ng mga ito na makaalis, ni lock ni daddy ang kotse.
“No dad, kayo po ang tumigil. I told you I loved him!”
“He is your cousin!”
“And I don’t care!” umiling si daddy kaya napaiyak ulit ako.
“I am so disappointed Evry, hindi ko alam na ganito ang gagawin mo. I am so ashamed of what you did, hiyang- hiya kami Evry” hindi ako makapagsalita sa sinabi ni mommy.
“Sa lahat kasi ng tao Evry iyong pinsan mo pa. Wala na bang ibang lalaki Evry?”
“Please naman anak, this time itama mo ang mali mo. Wag mong dagdagan” bumuhos na naman ang luha sa mata ko. Siguro nga kailangan ko itong gawin.
❤❤❤
Sinfully In Love
April 27, 2020
BINABASA MO ANG
Sinfully In Love
RomanceThey are related, but they are lusting each other. Will they end up to be together? or they will be the chaos of their family they treasure? Started: March 3, 2020 Ended: May 6, 2020 P.S. I already posted this before but now I am posting it again ch...