Sin 19

2K 29 2
                                    

Hindi ako nakatulog, ni hindi ko alam kung makakatulog ba ako sa nalaman. Bakit ganoon ang naging epekto sa kanya ng paghiwalay namin? Ano ba ang nangyari noon sa loob ng bahay?

Lumipas ang ilang oras ay hindi na ako natulog, naligo ako ng maaga at nagbihis ng magandang damit. Magagandang damit naman kasi ang nandoon kaya iyong kulay asul na dress ang suot ko.

Hindi ko alam kung seryoso ba talaga si Christian sa sinabi niya sa akin pero kailangan kong ayusin ang lahat. Kailangan kong malaman ang nakaraan para alam ko kung paano ko siya pakikisamahan.

Pagkatapos mag- ayos ay hinanap ko si Christian, doon ko lang din napansin ang kagandahan ng bahay at sa nakikita ko sa labas ay nasa bundok kami. Hindi ko alam kung saan pero ang ganda ng paligid.

“Evry?” I found Christian inside the library, office niya din ata iyon. May mga papeles sa kamay niya at kung ano pa.

“Hi” binaba ni Christian ang hawak niyang papel at nilapitan ako. Hinaplos niya ang pisngi ko pagkatapos ay marahan akong hinila paupo sa sofa na nadoon.

“I’m sorry for last night” panimula niya. Tahimik lang ako, nawala ang gusto kong sabihin. Gumulo ang utak ko ng makita ko ang lungkot sa kanyang mata.

“I was just so desperate baby, I want you back” ngumiti siya pero hindi abot ng mata ang ngiting iyon. Hinawakan ko naman ang kamay niya at marahang hinaplos ang pisngi.

What happen to the man I love?

“But we both know Christian na marami tayong masasaktan, kahit saan natin tignan Christian ay mali tayong dalawa.” Napayuko ako, nasasaktan kasi ako habang nakikita ko ang lungkot sa mata niya, hindi ko siya kayang titigan.

“Mahal ko kasi si Tristan, siya iyong rainbow ko ng nawalay tayo sa isa’t- isa. Tanggap siya ng lahat Christian hindi ko nasasaktan ang mga magulang ko. Siya iyong tagapakinig at siya iyong karamay ko Christian. Doon ko lang din napagtanto na tuluyan kang kalimutan” tinignan ko siya, nandoon padin ang lungkot.

“Kasi Christian, iyong sa ating dalawa ay isang kasalanan. Pinsan kasi kita, pero nagawa kong makipag relasyon sa’yo. Mahal na kita no’n pero ang daming nasasaktan” hindi ko mapigilan mapaiyak. Hindi ko alam kung tuluyan ko ba siyang kinalimutan pero ramdam ko iyong dating pakiramdam kapag magkasama kami.

“Mali ka naman kasi Evry” this time, siya na ang humawak sa kamay ko at inilagay niya iyon sa bandang dibdib niya kung saan ramdam ko ang tibok ng puso niya.

“Matagal na kitang mahal Evry, hindi paman tayo nagkikita ng personal pero may nararamdaman na ako sa’yo. Sa litraro lang kita nakikita pero iyong ganda mo ang bumihag sa puso ko. Hindi ko naman iyon sadya pero pinsan kita kaya ang ginawa ko ay  kinalimutan kita. I fucked woman and satisfy myself pero iba Evry, ikaw ang gusto ko…”

“... At lahat ng iyon ay nabigyang linaw ng malaman ko ang katotohanan. I am the son of Dad’s bestfriend, namatay ang magulang ko at si Dad na ang nagpalaki sa akin. Hindi niya ako inampon pero ang pagpapakilala niya sa akin ay anak niya ako.”

“Kaya mas umosbong ang kasiyahan ko sa puso na pwede pala kitang mahalin. At iyon ang ginawa ko, hanggang sa magkita tayo Evry pero dahil gago ako ay inakit kita. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko upang makasama ka kaya iyon ang naisip ko” ngumiti siya na parang inaalala ang lahat ng nangyari noon.

“Labis ang kasiyahan ko ng minahal mo ako Evry, wala akong ibang hangad kundi iyon lang but karma is a bitch” gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. A serious man like him would say karma is a bitch?

“Nawalay tayo sa isa’t- isa Evry, ang sakit no’n parang gumuho ang mundo ko. Dad abandoned me, galit na galit siya sa akin pero naiintindihan ko. I am not his son pero mahal ko si Dad, kaso ayaw niya akong kausapin kaya umalis ako. I start from the scratch and they helped me” marahil iyong mga maid ang ibig niyang sabihin.

“But I was so scared when Ethan told me you’re getting married. Nagdilim ang paningin ko Evry kaya naging desperado ako” lumayo sa akin si Christian at kumuha ng wine sa isang sulok. Napatitig ako sa kanya, kung tutuusin siya iyong mas naapektuhan sa aming dalawa.

Nakahanap ako ng liwanag pero siya ay nandito at nanatili sa kadiliman.

“Ten years passed but I still love you Evry” muli ay nilapitan niya ako at pinatayo. Hinawakan niya ako sa bewang at ni sway ng marahan para kaming sumasayaw dalawa.

“Mahalin mo lang ako Evry please, kung kailangan kong magmakaawa gagawin ko. Love me Evry, love me for the rest of your life and I’ll make you the happiest woman” napaluha ako, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Ang sakit- sakit ng puso ko, gulong- gulo ako sa kung ano ang dapat gawin. Bakit ganito siya?

“Love me Evry, choose me and allow me to make you happy. Let’s run away” Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako. Iyong halik na puno ng pagmamahal at sumuko ako, sinuko ko ang sarili ko dahil iyon ang sinisigaw ng puso ko.

“Sir! Sir!” bumukas ang pintuan kaya agad kaming naghiwalay. Hindi ko alam kung anong nagyayari pero ang tatlong kasambahay ay tila ba takot na takot.

“May naghahanap po sa inyo sir” Nagbuntong hininga si Christian at tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba upang puntahan ang bisita namin.

“Sinong nandoon?” pero hindi niya ako sinagot. Naalala ko iyong sinabi niya, na papakasalan ko siya kahit na anong mangyari at wala akong magagawa.

“Christian this is not right!” hindi siya nakinig, patuloy lang kami sa pagbaba kaya nagpumiglas ako. Nabitawan niya ako, titig na titig siya sa akin at natigilan ako. Bakit takot ang nasa mga mata niya?

“Stop it Evry, I don’t want you to force you aymore. They’re here to get you and it’s your choice now baby but remember that I love you Evry” nagpatangay na naman ako sa kanya at ng makarating kami sa sala ay nakita ko ang mga magulang ko, si Ethan at si Tristan.

“Sweetie” agad niya akong hinablot palayo kay Christian, napaiyak ako dahil sa sakit ng paghawak ni Tristan sa akin.

“Did he hurt you?” umiling ako.

“I’m not happy with what you did Christian. You kidnapped my daughter and you’re doing the same thing” sinuntok ni dad si Christian kaya napasigaw na din ako.

“Dad nag- usap lang po kami” tinignan ako ni mommy, nandoon na naman ang disappointment sa mga mata niya kaya napatigil ako.

“Aren’t you ashamed Christian? My brother gave you a family that you don’t have and this is what he can get from you? Wala ka bang utang na loob?” nagkuyom ng kamao si Christian pero hindi siya nagsalita. Nilapitan siya ni Ethan at tinapik sa balikat, hindi ko alam kung okay na ba silang dalawa pero tingin ko naman ay okay na sila dahil hindi siya nasuntok ni Ethan.

“This is the last time I will see your face Alvarez, or else I will put you behind bars!” lumabas na si Mommy at Daddy, naiwan kaming tatlo.

“Christian this is wrong, you know that” Ethan tapped his shoulder again and went outside.

“Let’s go Tristan, Evry you have a marriage to prepare” at hinila na nila ako, nakita ko na naman iyong mga mata ni Christian. Iyong kalungkutan at sakit, nagpumiglas ako at agad na tumakbo papasok ng bahay.

Paakyat na si Christian kaya agad ko siyang niyakap mula sa likod. Iyak lang ako ng iyak, bakit ganito? Siya na ba ang pipiliin ko?

“I love you Christian, pero mali kasi” hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya na para bang huli na iyon. Mahal ko siya, oo mahal ko siya pero mas mabuti na iyong kaming dalawa ang masasaktan kaysa ang mga magulang ko at ibang mahal sa buhay.

“Siguro Christian sa susunod na buhay pwede na tayo pero sa kwento natin ngayon ay hindi na muna. Mali kasi talaga” humagulhol ako pero hindi siya nagsalita pagkatapos ay tinanggal niya ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.

“That’s your choice Evry” then he finally left me. Iniwan na niya ako at ang sakit-sakit ng puso ko. 

❤❤❤
Sinfully In Love
May 05, 2020

Sinfully In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon