Chapter 4 : Patuloy

36 14 0
                                    

Hi guysss! sa tag nating chances e nag rank tayo ng #87 out of 1.4k at sa tag na arrange marriage ay nagrank naman tayo ng #63 out of 2.4k . Thank youu so much for your support😘❤!
Here's chapter 4.
Enjoy reading !

----------------------------------------

Cassandra's POV:

11:23pm na at heto pa rin ako sa paborito kong tambayan dito sa bahay mapa gabi man o umaga - ang garden kung nasaan din ang swimming pool namin. Napakagandang panoorin nitong mga bulalak na napapaikutan ng mga christmas lights na ako mismo ang pumili ng kulay at disenyo ngunit ang assistant ko ang pinabili ko sapagkat hindi naman ako maaring lumabas ng bahay na kagustuhan ng asawa ko.

'Hayyy' buntung hininga ko ng maalala ko na ang mga nakita kong papeles kanina ng inihatid ni Shawn ang mga kapatid niya.

"Sinasabi ko na nga ba't naririto ka na namang bata ka." boses ni Nana Lena na nagmumula sa likuran ko ang nagpapitlag sakin mula sa kinauupuan kong double swinging chair.

"Nana nakakagulat ka naman." nakangiti kong sabi rito at inayang umupo sa tabi ko na agad naman sumunod.

"Buti at hindi ka nalunod sa lalim ng buntong hininga mo anak?" nang-uuyam na tanong nito sa akin habang nakatingin ito sa mga bulaklak.

"Naka ahon padin naman Nana. Hindi naman ganoong kalalim para malunod ako." nakangiti paring sagot ko sa kanya.

"Mabuti kung ganoon anak. Dahil hindi lahat ng nalulunod ay nakakaahon. Kayanin mo anak, kung wala kang kakapitan, pilitin mong lumangoy hanggang sa may hangin kang malanghap. Huwag kang agad susuko ng hindi lumalaban." makabuluhang pahayag ni nana sakin na nakapag palingon sakin sakanya na kasalukuyan ng naka tingin sa akin.

"N-nana, paano po kung hindi ako marunong lumangoy? Hindi ako maka ahon?" naluluhang tanong ko rito.

Agad umangat ang mga kamay ni nana at hinaplos ang pisngi ko, "Nandyan lang ang Diyos anak, kung pakiramdam mo walang makakatulong sayo para umahon? Siya ang tawagin mo, hindi ka niya bibiguin anak at syempre nanjan ka, naniniwala akong kakayanin mo."

"Nana, bakit po ganon? Napaka unfair naman? I love him so much. Lahat ginagawa ko para mahalin niya ako pero paulit-ulit niyang ip-ipinapamukha saaking hin-hindi mangyayari iyon." umiiyak na animo'y pagsumbong ko rito.

"Anak, hindi ko alam kung anong pakiramdam ng hindi mahalin pabalik ng taong mahal mo, ngunit ang sakit na parang pinipiraso ito (at itinuro nito ang bandang dibdib ko) alam ko. Napagdaanan ko iyan ng tuluyang namaalam saakn ang asawa na ang tanging iniwan saakin ay ang mga ala-ala kung saan pinardam niya saaking mahal niya ako. Masakit anak, sobra, ngunit inisip ko kung paiiralin ko ang sakit walang mangyayari saakin, kung kaya't kahit mahirap pinilit kong magpatuloy. Yon ang gawin mo anak hanggat kaya mo pa, ipagpatuloy mo , mahalin mo siya anak, ipadama mo sa kanya kung gaano mo siya binibigyan ng importansya ng sa ganon kung talagang suko ka na ay wala siyang maisumbat sayo at hindi mo rin pagsisihan na nagkulang ka." naluluhang ani nito sa akin. Iyak na lamang na mag kasamang pag tango ang naisagot ko kay nana at niyakap ko ito.

Tama si Nana , hanggat kaya ko pa itutuloy ko, ginusto ko to, mahal ko ang asawa ko, at kung mayroon mang dapat manindigan sa kasalang namagitan samin walang iba kundi ako . Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, aalagaan ko siya in a way na maaalala niya ako kung sakali mang siya na mismo ang magtaboy saakin sa buhay niya. Susulitin ko ang mga oras na hindi pa niya napipirmahan ang annulment papers na nakita ko kanina.

"A-annulment papers?." nanginginig na basa ko sa unang pahina ng mga papeles na nahulog mula sa envelope na kasama sa mga gamit ng asawa ko.
Sobra-sobra na ba ang galit niya sakin kung kaya't naisipan na niyang hiwalayan ako ng tuluyan? Kailan pa ito, matagal na ba? o nito lang dahil sa nangyaring pagsuway ko sa bilin niya?
Gusto ko pang basahin ang lahat ng nilalaman ng mga papeles ngunit agad na nabaling ang atensyon ko sa cellphone na nagriring sa may sofa . Agad na ipinatong ko ang mga papeles sa lamesa at kinawakan ang cellphon na pagmamay-ari ng asawa ko, Oo alam kong pagmamay-ari ng asawa ko ito dahil sa maliit na chain na nakasabit ditong may tatak ng pirma niya. Patuloy ito sa pagtunog at ng hahawakan ito bigla iting umilaw at lumitaw ang isang picture, isang pamilyar na picture ng babae na siyang tumatawag sa a-asawa ko . Hindi ko itinuloy ang pag-abot rito hanggang sa huminto ang tawag at may nag pop na message sa lockscreen nito.

"Babe why aren't you picking up my call? I miss you so much, wanna hear your hot voice again. - Alexis "

Napatakip ako ng bibig ko ng mabasa ko kung kanino nanggaling ang message, kay A-alexis , Alexis Buenaventura ang unang babaeng minahal ng asa- ni Shawn.

Mariin akong napapikit at patuloy na umagos ang mga luha ko habang kinakalma parin ako ni Nana Lena. Alam kong hindi niya ako mahal, ngunit hindi ko alam na hanggang ngayon ay mayroon pading connection ang asawa ko sa first love niya. Sobrang sakit, ramdam ko ng walang pag-asa, sobrang ramdam ko ngunit kagaya ng desisyon ko, itutuloy kong ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit pa buong mundo ang nagpapamukha saking sa papel lang kami mag-asawa. Atleast diba? may papel padin namang nagkekeep ng connection naming dalawa, kahit hanggang papel lang, habang hindi pa niya pinipermahan, magpapaka asawa ako sa kanya. Hanggang sa oras na sabihan niya aking tama na, I'll go. I will let go.

"Tama ka Nana, sobra kong mahal ang asawa ko kayat nararapat lang na habang nandirito parin ako, at may papel paring nagdudugtung saming dala, ipaparamdam ko kanya kung gaano ko siya kamahal, pipilitin at paghihirapan kong pasayahin siya kahit pa hindi naman ako ang happiness niya. Asawa, asawa ko siya diba nana? Kayat karapatan kong iparamdam sa kanya kung gaano ko sia kamahal." determinado at nakangiting sabi ko kay nana na ikinatango ng huli.

"Tama anak, malakas ka alam ko. Kakayanin mo ang lahat ng ito, andirito lang ako para sainyo, sayo. Tumahan ka na at magpahinga, pagsisilbihan mo pa ang asawa mo bukas ng maaga hindi ba?" paalala nito habang tinutuyo ang mga luha ko.

"Yes nana, maraming salamat." at muli ko siyang niyakap.
Pagkalipas ng mahigit sampo pang minuto ay inaya ko na siya papasok ng bahay upang makapag pahinga.

Bago pumasok sa kwarto ko ay napatingin ako sa gawi kung nasaan ang kwarto ng asawa ko, natutukso akong silipin siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Bukas. Bukas sisimulan ko muling pagsilbihan ka ng hindi iniisip na lumalagpas ako sa limit na ibinigay mo saakin.

I'm your wife after all Shawn. Hangga't wala kang ibinibigay na annulment papers sakin na may perma mo, mananatili akong asawa mo, asawang gagawin ang lahat para lang sa happiness mo.

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon