Chapter 16: Surprise III

14 1 0
                                    

"Ma'am the table you have reserved is now ready."  ani ni Angel nang tawagan ko siya para tanungin kung kamusta ang ipinareserved kong table sa restaurant ng La Costela.

"Ah. Thank You so much Angel, you're really a big help." nakangiting sagot ko.

Narinig ko itong napahagikgik ng mahina.

"Maam, It's my job to do and serve our dear guests. Lalo na po at kagaya niyo, mas masarap pagsilbihan kahit na sa maliit lang na oras na pagbisita niyo dito sa resort.  Ang swerte po ng asawa niyo kasi sobrang bait niyo."

Sa sinabi niyang iyon ay natigilan ako sa pag ayos ng mga damit ko na nagkalat sa lapag.

Napatingin ako kay Shawn na nasa kama at sobrang himbing padin ang tulog. Hindi ko alam pero iba ang hitsura niya ngayon habang natutulog, sobrang aliwalas. Hindi kagaya dati na napaka pogi niya padin naman kapag natutulog pero kapansinpansin sa mukha niya na may mabigat siya dinadala o kaya pagod, lalo na kapag bigla na lang kukunot ang noo nito na minsan ay pasimple kong hinahaplos para umayos.

Maswerte? I disagree. Dahil sa kasamaang palad ay naranasan niyang maitali sa piling ng isang tao na hindi siya kayang pasayahin. Kailan pa naging maswerte ang isang tao na never niyang pinangarap mangyari yon?.

"Maam?" doon ay bumalik ako sa realidad.

"A-ahm.Thank you Angel. I'Ll just wake him up and pupunta na kami jan for breakfast." saka ko itinuloy ang pag aayos.

"Okay maam. See you." wika nito at ibinaba na ang tawag.

Mabilis kong tinapos ang pag aayos ng mga gamit ko bago ako pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos ay saglit kong tinitigan ang sarili ko sa salamin at mula sa repleksiyon ko ay kitang-kita ang babaeng walang kakulay-kulay, may maputlang labi,may mga malamlam at namamagang mata.

"This is it. Ngayon mo na ibibigay yung huling surprise mo sa kanya. Ngayon araw na." pagkausap ko sa sarili ko.

Bago tuluyang lumabas ay naglagay ako ng kaunting lipstick ang bibig ko at  concealer sa ibabang parte ng mga mata ko para kahit papano ay matakpan ang eyebags at pamamaga nito.

Nilapitan ko si Shawn na ngayon ay nakikita kong pumupungay-pungay na. Agad akong umupo sa kama at hinaplos ang pisngi niya para tuluyan na siyang magising.

"Shawn, wake up." paggising ko rito.

He just groaned and to my surprise he snaked his arms on my waist and nuzzle the part of my tummy.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa ginawa niya, pero ang pamamasa ng mga mata ko ang una una kong nagawa. Hinaplos ko ang buhok niya bago tumingala para pigilan ang bumabadjang pagbagsak ng mga luha ko.

"Hey, Shawn wake up. Anong oras na we need to eat our breakfast." ani kong muli ng ituon ko na ulit sa kanya ang atensyon ko.

"Hmmm... Be my breakfast instead." mahinang usal nito habang nakasiksik padin sa bandang tiyan ko.

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.

"We both need real foods Shawn."

Umiling ito,"I don't need it. It's you that I need."  saka ay sabi niya na nakapag patigil sa akin sa paghaplos ng buhok niya.

It's you that I need.

It's you that I need.

It's you that I need.

Umalingawngaw ang sagot niyang iyon sa akin. Umalingawngaw na pakiramdam ko mabibingi na ako, dahil sa sakit at tuwa na bigla ay agad dumagan sa dibdib ko.

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon