Chapter 7 : Stay

30 8 0
                                    


Cassandra's POV:

"Yes mom, Im fine."

Kasalukuyan kong kausap ngayon ang mommy ko na ngayon ay nasa Canada. My parents decided to stay there for good, may bahay kasi kami don at ang ina ko ay mayroon ding antique boutique doon yun kasi ang passion niya ang mag ipon ng mga antigong kagamitan especially yung mga antique jewelries. Sumang ayon na lang kami ni kuya sa pag stay nila sa Canada dahil nga sa kagustuhan na din naming makapag pahinga silang dalawa lalo na si dad because he'd been working really hard for us since hindi pa man nila inaasahang darating kami ng kuya ko.

And may tiwala sila kay kuya, kaya payapa ang utak nilang mag stay sa ibang bansa.

"Kung hindi pa ako tumawag ay hindi mo kami maaalala ng dad mo. We're worried sick for you anak." mag pagtatampong sabi nito sa akin mula sa kabilang linya.

Napabuntung hininga ako saka ako sumagot. " Im sorry mom. Naging busy lang sa café and pag aasikaso ng mga kakailanganin para sa birthday ni Shawn." na ikinasinghap nito, marahil dahil sa pagkaka-alala.

"O my! Oo nga pala at malapit na ang birthday ng asawa mo. Anjan ba siya? I want to talk to him."

Napatingin ako sa taas kung saan kitang kitang mula dito sa ang nakasarang pintuan ng kwarto ni Shawn. Buti sunday ngayon kaya walang pasok ang asawa ko, ang nakakapag taka lang ay magtatanghali na eh hindi pa siya bumababa mula kaninang umaga. Madalas kapag hindi siya pumapasok ay maaga palang ay nasa mini gym na siya o kaya'y nagbababad sa swimming pool.

"Ahhm. yes mom, but Im not sure if he's not busy, alam niyo naman si Shawn parang si daddy din kahit na off sa work eh hindi parin magawang ipagpahinga ang sarili niya." sagot ko saka nag umpisang maglakad papunta sa taas.

"Hayyys, ano ba naman yang asawa mo. Nakakapag bonding pa ba kayo dahil jan sa kabusyhan niya?" muling tanong ni mom na nakapag patigil saakin sa akmang pagkatok sa pintuan ni Shawn.

Ngumiti ako ng malungkot kahit na alam kong wala namang nakakakita sa akin. "Of course mom, ka-kahit naman papano ay na-naisisingit namin sa mga scheds. ni Shawn ang pagbobonding. Last week nga pumunta kaming tagaytay, he even surprised me there." pagsisinungaling ko.

Hindi ko ugaling gumawa ng kwento lalo na sa mga magulang ko but wala silang alam sa kung ano mang nangyayari sa amin ng asawa ko. What they only know is that, we're living like a contented and happily inlove couple dahil yun ang ipina pakita namin sa kanila noong nabibisita palang nila kami , ganon din sa parents ni Shawn.

Alam kong mali, pero yun ang ipinaki usap ko noon kay Shawn- ang magpanggap sa harap ng magulang namin na maayos kaming nagsasama- dahil gusto kong makita ng parents ko na hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko.

"Daddy please pumayag ka na. I am sure that hindi ka matatanggihan ni tito Havoc. Pleaseee dad, pleaseee."

"Iha, humiling ka na ng kahit na ano mula sa akin, huwag lang iyan. Shawn already have a girlfriend anak." pagtingi ni dad sa akin. I've been so vocal to dad about sa nararamdaman ko for Shawn Velasquez, anak ng kasosyo ni Dad na si Tito Havoc. I was 21yrs old that time ng humiling ako at nag uumpisa palang ako sa pagtatrabaho sa companya ng family namin.

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon