Chapter 9 : Sandaling Kasama Ka 2

27 8 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Napakadami kong gustong sabihin at itanong ngunit hindi ko magawa. Hindi ko lubos maisip na darating ang ganitong araw na gigising ako na katabi ko ang taong pinapangarap ko at ngayon ay pinagsisilbihan ko kahit na maghahating gabi na.

"Ahm, may pasok ka ba bukas Shawn?" tanong ko sa asawa ko na kasalukuyang kumakain ng niluto ni nana.

Pagkatapos ng ilang beses na pag angkin nito sa akin ay nakatulog kami agad, akala ko itataboy niya ako pagkatapos ng nangyari pero mahigpit na yakap ang ibinigay niya sakin hanggang sa makatulog na kami.

Sinulyapan ako nito, "Yeah, I'll be meeting with some of our Australian investors." sagot nito sa akin.

At dahil nga sa nasa harap niya ako ay lumipat ako sa tabi niya para ayusin ang magulo nitong buhok, tumingala ito sa akin kung kayat hindi ako nakapag pigil na haplusin ang pisngi niya.

"You look good in my shirt." puna nito sa akin pagkatapos ay umiwas ng tingin sakin para uminom ng tubig.

Nagbaba ang tingin ko sa suot kong hanggang kalahati ng hita kong damit niya. Kanina pagkagising ko ay nakasuot na sakin ito, palihim ko itong sininghot para amoyin ang pabango niya mula dito.

"Ay! Shawn !" impit kong tili ng bigla ay hinapit ako at ikinandong sa kanya. Bahagya ko siyang pinalo sa braso dahil sa gulat na ikinatawa niya lang.

Umawang ang mga bibig ko habang pinapanood ko siyang mahinang tumatawa , tuloy parang gusto kong umiyak.

Tumatawa siya, may ngiti sa bibig niya dahil sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng dahil sa akin. Nangilid ang luha ko saka ko siya hinaplos sa pisngi na ikinatigil nito sa pagtawa ngunit hindi natanggal ang pagkakapaskil ng ngiti sa maupula niyang labi.

Mula sa pisngi niya, ay dumako ang kamay ko sa kilay niya na mejo may kakapalan na mas nakakapagpagwapo pa sa kanya, sa mga mata niya na may kasingkitan, sa ilong niya na napakatangos na kahit sinong babae ang makakakita ay maaring mainsecure at masabing ipinagawa ito, hanggang sa malambot at mapupulang niyang labi na napakasarap halikan. Ngayon ko lang ito nagawa ng walang anong pagpipigil na naririnig mula sa kanya. Napaka perpekto niya, lahat ng meron sa kanya ay sobra ko ng minamahal. Lahat, lahat, pakiramdam ko ngayon ginawa talaga siya para sa akin, sa akin lang.

Ngunit alam kong nangangarap lang ulit ako, dahil hindi siya para sa akin. Pinilit ko lang ang sarili ko sa kanya, pinaniwala ang sarili ko na akin siya, pero ang totoo habang dumadaan pa ang mga araw ay mas nagigising ako sa panaginip na ako ang gumagawa.

Hindi siya sa akin. Pagmamay-ari siya ng iba, ni hibla ng buhok niya ay wala akong karapatang hawakan ngunit nilabag ko dahil sa pag aakalang maaangkin ko siya. Mali, nagkamali ako.

Sana lang hindi pa huli ang lahat para makabawi sa kanya.

"I love you." bulong ko habang nakatitig sa kanya. " I love you Shawn." ulit ko kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.

Umangat ang kamay nito at napapikit ako ng maramdaman ko ang pagdako nito sa pisngi ko upang pawiin ang mga luha ko.
"D-don't cry." mahinang wika niya na mas nakapag paiyak pa sakin.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at mas idiniin pa ito, pakiramdam ko para akong lumulutang, "Shhh, stop Cass." pag aalo pa niya sakin.

"S-sobrang sa-ya ko lang." sagot ko.

Patuloy lang sa pag agos ang masaganang luha sa mata ko ngunit hindi ko hinayaang pawiin nito ang ngiti sa mga labi ko.
"S-shawn? I just want to say so-sorry." ani ko na nakapag pakunot sa noo nito.

Hindi siya sumagot kung kaya't pinagpatuloy ko, " Sorry, for r-ruining your life. For being selfish and for taking away your freedom and your happiness." Kita ko ang paglamlam ng mga mata nito sa sinabi ko.

"I hope, one day you'll find in your heart to forgive me. Sa-sana h-hindi pa huli para makaba-bawi ako sayo."

Niyakap ko siya at pinilit ang sarili kong tumahan. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa likod ko para mas lalo pang tumigil sa pag-iyak.

Ilang minuto din akong nakayakap at nakakndong sakanya, hanggang sa umayos na ako ng upo at humarap sa kanya.
Tinitigan ko siya saka ako ngumiti ng matamis sa kanya. "Matulog na tayo?" tanong ko.

Hinapit niya ako sa bewang ko saka ako hinalikan ng mariin sa mga labi ko na tinugon ko naman ng may buong pagmamahal. "Are you okay now?" bigla ay tanong nito ng pakawalan niya ang labi ko.

Tumango ako ng ilang beses, "Yes, I am more than okay ." sagot ko.

Umangat ang kamay niya upang iipit sa likod ng tenga ko ang tumatabing na buhok sa mukha ko. "Okay, let's go and take a sleep then." sabi niya saka ako pinangko at walang sabi na binuhat paakyat sa kwarto niya na mas lalong nakapagpangiti sa akin.

Nang makahiga siya sa tabi ko ay walang pagpipigil na agad akong umunan sa braso niya saka ko isiniksik ang sarili ko sa dibdib niya dahilan para ang kalahating parte ng katawan ko ay parang nakadagan na dito.

Hinintay ko siyang tanggalin ang pagkakayakap ko ngunit wala akong narinig mula rito.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya na may halong panggigigil. "uh, Cass, not too tight." bigla ay bulong nito na nakagpangiti sa akin. Atlis ay hindi niya ako pinapabitiw at pinapa alis sa tabi niya.

Sa halip na pakinggan ang sinabi niya ay tiningala ko siya, " Shawn?"

"Hmm?" sagot nito na nakapikit ang mga mata.

"Birthday mo na sa susunod pang dalawang araw, sana hayaan mo akong paghandaan ka." Nakita ko ang pagmulat ng mga mata niya at dumako iyon sa akin na nakatingala parin sa kanya. "Please, let me do this for the last time Shawn." pagmamaka-awa ko. Halos tawagin ko na lahat ng santo para lang magdasal at mapapayag ko siya. Kumapit ako sa damit niya at napahinga ng umiwas ito ng tingin sa akin at muling pumikit.

"Please."

"Please let me Shawn." ngunit wala siyang sagot.

Bumuntung hininga ako, hindi ko ata talaga siy- "Okay." nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong bulong niya.

"W-really? Pumapayag ka na?!" paniniguro ko.

"Tss. Ikaw kung gusto mong bawiin k-"

"No! Gosh, thank you Shawn. So much!" wika ko saka ko siya hinalik-halikan sa buong mukha niya na ikinangiti nito.

"I promise! Sisiguraduhin kong magiging masaya ang birthday mo Shawn. I promise." saka ko siya niyakap ulit ng mahigpit.

"Make sure okay? " sagot niya na ikinatango ko kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita.

"For once, I'll make you happy Shawn." wala na akong narinig mula dito hanggang sa bumigat na ang paghinga niya na dahilan ay ang pagkahulog na nito sa tulog.

Niyakap ko pa siya ng mahigpit, sinusulit ko ang mga oras na natitira.
Kung sana lang hindi na matapos ang sandaling ito, kung sana lang talaga, pero alam kong mali ako.


***

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon