Chapter 11 : Surprise I

17 2 0
                                    

It's been a while Measticalabs!
Namiss ko kayo!
Enjoy reading!

Cassandra's POV:

"GOOD Evening po Mom, Dad!" masayang pag salubong ko sa mga biyenan ko.

Nakipag beso ako at kitang kita ang mangha sa mga mata ni Mommy Sandra.
"O my iha! Napakaganda naman ng pagkaka ayos mo dito." tukoy nito sa pag aayos na ginawa ko para sa birthday party ng asa- ni Shawn.

Dito sa garden ko napiling ganapin ang party dahil sa mga naggagandahang bulaklak na binubuhay ng kumukutitap na christmas lights dahil nga Dec. 22 na ngayon. At dahil din sa tulong ng hipag ko at ng kaibigan niyang si Leah na ang kurso ay Event Management eh mas napaganda pa namin ito.

"It's a very special night Mom, kaya dapat lang po na paghandaan." nangingiti kong sagot sa biyenan ko.

Ginagap nito ang kamay ko saka ako masayang hinarap. " I am really happy na ikaw ang napangasawa ng anak ko. He's lucky to have you anak."

"I told you honey, Si Cassandra ang tipo ng babae na talagang nababagay sa kay Shawn. Bukod sa maganda ay sobrang maasikaso at maalaga sa anak natin." pagsingit naman ni Dad na ikinatawa ko ng marahan. "Haha Dad birthday po ni Shawn ngayon, hindi po ako. But thank you so much po Mom and Dad. Napakaswerte ko din naman po na nakilala ko kayo at naranasan kong maging pangalawang magulang kayo." sagot ko na ikinangiti nito pareho.

"Okaaaayyy! Crop the dramas! Let us proceed na po sa table niyo mom, dad.
Uh, where's Skyler btw?" pagsingit ni Sandara na nakasuot ng simple grey spaghetti strapless.

"Dumiretso sa lood kanina pagdating namin dito." sagot ng Daddy nito.

Tango lang ang isinagot ni Sandara bago inakay ang mga magulang sa naihandang mesa para dito, habang dumiretso naman ako sa may gate ng bahay para sa mga parating pang bisita w/c is Shawn's friends.
Darating din ang ilang pinsan nito at laking pasasalamat ko na hindi makakapunta si Brent- ang pinsan niyang nabanggit niya dating karelasyon ko, kahit na hindi naman.

"Cass!" agad akong napalingon ng marinig ang isang baritonong boses na nagmumula sa labas-bahay.

Malaking ngiti ang isinukli ko rito.
"Blake!. Thank God nakarating ka." saka ko siya niyakap ng mabilis. Blake is Shawn's bestfriend. Kung meron mang pinakapinagkakatiwalaan sa lahat ng mga kaibigan niya? Siya yon.

"Of course! Ikaw ang nagimbita sakin eh." pabirong sagot nito na ikinatawa ko.

"Talaga lang ha? uh, wait. Where's Bhel ?" tanong ko ng mapansin kong hindi nito kasama ang asawang si Bhel.

"Well, Ang inaanak mo kasi sinusumpong. We're getting ready when Kheala started crying at ayaw mag ayos. You know my wife Cass, simula ng magkaanak kami hindi na siya lumalabas ng bahay kung hindi kasama ang anak namin. Depende na lang kung emergency at meron ako para magbantay." pagpapaliwanag nito na bahagyang ikinainggit ko. Kheala is their 2yrs old baby girl. Ilang buwan lang ng maikasal sila isang taon pagkatapos kaming ikasal ni Shawn ay nabiyayaan agad sila ng isang napakagandang anghel. An angel that was a gift from above na hindi naipagkaloob sakin sa loob ng mahigit 4 na taon kong pagiging isang asawa.

Nginitian ko na lang ang kausap bago sumagot. " I understand. Kahit naman ako kung ganon kaganda at kaprecious ng anak ko eh hindi ko magagawang ipaalaga sa iba para lang makadalo sa isang party noh.
Pasok ka na, Leo's waiting at the garden where the party will soon be held." saka ko itinuro ang daan papuntang garden na tinahak naman agad nito.

Ilang minuto pa at dumating na din ang iba 3 pang kaibigan ni Shawn. Dumiretso kami sa garden lahat ng magtext sakin ang pinsan ni Shawn na siyang kinausap kong magaaya sa kanya ng inuman sana ngayon dito sa bahay.

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon