Chapter 13: Surprise II

7 1 0
                                    


"Mauuna na po kami Nana." paalam ko kay Nana Lena na kasalukuyan kong kayakap ngayon.

"Anak, mamimiss kita." sagot niya na nakapagpapikit sa akin ng mariin.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Nana at ng marinig ko ang mga yabag ni SHawn palapit sa kinaroroonan namin ay agad akong nagmulat ng mga mata.

"Mamimiss din kita Nana." mahina kong bulong pero sapat para marinig niya saka ko hinagod ang likod niya para hindi siya tuluyang maiyak.

"Let's go?" ani ni Shawn ng tuluyan na siyang makalapit sa may pinto na kinaroroonan namin ni Nana.

Kumalas ako sa yakap at hinalikan ko sa noo si Nana bago bago ako tumingin sa kanya ng may ngiti.

Tumango ako at muling nagpaalam sa matanda, ganon din naman si Shawn na biniro pa ito na tatlong araw lang naman kaming mawawala ng hindi makatakas sa paningin niya ang munting pagluha ng Nana.

"SHAWN." pagtawag ko sa pansin niya habang nagmamaneho.

"Hmm?"

"Sa Tagaytay tayo." wika ko nakapagpatingin sa kanya sakin.

Nakakunot ang noong nagsalita siya.

"Why there?" tanong niya.

Ngumiti ako ng matamis "Matagal ko na kasing gustong pumunta don na kasama ka eh, kaya don ko napiling dalhin ka."

"La Costela Beach." wika niya bago ibinalik sa daan ang atensyon niya.

"Yes, doon nga."

"Shawn I think maganda dito oh." saka ko ipinakita kay Shawn ang cellphone ko na may picture ng isang kilalang beach resort sa Tagaytay.

"Punta tayo for our first anniversary Shawn.!" pilit ko pero wala akong kahit na anong sagot na narinig sa kanya.Patuloy lang siya sa pagtatype sa loptop niya.

"Come on take a look. Sobrang ganda oh, even Rhem tell me nakapunta na daw siya dito at talagang maganda pati ang ang service nila. Punta tayo Shawn." saka ko siya niyugyug ng kaunti.

"Shawn please, plea-" napatigil ako sa pagyugyug sa kanya ng hindi sinasadyang masagi ko ang loptop niya at nahulog ito sa sahig.

"Sh*t !! Look at what you've done woman! Kung gusto mong pumunta jan then go! Wag mo akong idamay sa pagiging bata mo! I don't care kung maganda o safisfying ang lugar na yan do you understand me? One more thing, Kung pupunta man ako jan, sisiguraduhin kong hindi ikaw ang kasama ko dahil masisira lang ang araw ko!" sigaw niya sa mukha ko saka inabot ang gamit na nahulog at mabilis na pumanik sa kwarto niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng maalala ang tagpong iyon ng unang beses kong makita sa internet ang La Costela Beach Resort sa Tagaytay at inaya ko siyang pumunta don para sa 1st anniversary namin.

Ilang sandali pa ay nakatulugan ko ang pag-iisip at hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa destinasyon namin at tanghali na din.

"WE'RE HERE!!!" sigaw ko pagkababa ko sa kotse.

"Welcome Ma'am! Im Angel ang manager po ng La Costela. Please let some of our staff to carry your baggages." pakilala ng isang magandang babae na siyang bumungad sa amin sa mismong pasukan ng resort.

"Oh! You're Angel, the one I talk to for a reservation right?" tanong ko rito.

Agad siyang tumango." Yes maam, ako nga po." sagot niya saka baling niya kay Shawn na nasa likod ka na pala. "Welcome to La Costela Sir!"

Tiningala ko siya at tanging tango lang ang isinagot na sa babae.

"Okay maam/sir allow me to lead you to your room now."

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon