Chapter I : Hinala

59 25 2
                                    


"A-aray Shawn! tama na please, wala akong ibang kasamang lumabas kanina maliban kay Rhem. Please maniwala ka naman sakin oh!"

      Maluha-luhang pag-awat ni Cassandra sa asawang nakasabunot sa kanya habang hinihila siya nito papunta sa kanyang kwarto. Halos maluha-luha siya habang pilit na binibilisan ang paglakad upang hindi masyadong masakit ang pagkakahila nito sa mahahabang buhok niya.

"pak!" napasubsub sa kama ang mukha niya ng pagpasok pala sa kwarto ay sinampal na siya ng napakalakas ng kanyang asawa.

" S-shawn tama na, p-please, wala akong g-ginagawang masama. Maniwala ka naman sakin." humahahulgol na pagmamakaawa niya sa asawang matalim ang tinging ibinibigay sa kanya.

"Sinasagad mo talaga ang pasensya ko Cassandra!" malakas na sigaw nito sa kanya na ikinakapit niya sa kobre-kama. Hindi niya alam kung saan titingin dahil kinakain na siya ng sakit at takot para sa asawa.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa bilin kong huwag na HUWAG KANG LALABAS NG PAMAMAHAY NATO?! Gamitin mo naman yang utak mo!" saka nito dinuro-duro ang noo niya na animoy para siyang bata na walang kalaban-laban mula sa isang mapang aping ama.

Iniiwas niya ang mukha mula sa panduduro ng asawa habang umiiyak at pilit na nagsalita upang magpaliwanag ulit dito
" M-may binili lang a-ako Shawn, pero kasama ko ang pinsan ko, kahit-kahit tawagan n-natin siya ngayon pa-"

" Yun na nga eh! Ano ba ang meron jan sa bagay na yan at talagang sinuway mo pa talaga ng nagiisang kabilin-bilinan ko?! Ano Cass?!" pagputol nito sa paliwanag niya. Doon ay tila napahinto siya sa pag-iyak at inisip kung ano ang sasabihin sa asawa? Dahil ang sagot lang naman sa tanong nito ay ang isang bagay na binili niya para sa nalalapit na kaarawan nito. Wala siyang maapuhap na salita kung kayat ay mas lalo nag-igting ang mga panga nito haabng pinakakatitigan siya.

"Ano? hindi mo masabi? Hndi mo masabi ?! Dhil tama ako! Lumabas ka dahil hindi ka nakapagtimpi at nakipagkita ka sa lalake mo! Aminin mo na lang Cassandra! Just for once umamin ka na-"

"Wala akong aaminin dahil wala akong ginagawang kahit na anong mali sa likuran mo! Hindi ako kagaya ng iniisip mo Shawn! Hindi kita kayang lokohin dahil mahal kita!!" ang malakas at nakakagulat na pag putol at pagsagot niya sa asawa. Gulat siya sa nagawa ng sarili, marahil ay hindi na nakapagtimpi pa sapagkat hindi niya maintindihan ang asawa, kung hindi niya lamang alam na hindi siya nito mahal ay iisipin niyang napaka possessive at nagseselos ito.

"At sumasagot ka na ngayon?! Ha? saan mo nakuha yang lakas ng loob mong sagutin at pagtaasan ako ng boses Cassandra? sa lalake mo ba?!" nag-aalab sa galit na sigaw muli nito at mabilis na lumapit at biglang hinawakan ang magkabilang pisngi niya na animoy pinipisil ang bibig niya na siyang muling nagpatulo ng masagaanng luha niya. Agad ay kumapit siya sa braso ng asawa at umiiyak nga dumadaing sahil sa sakit ng paghawak nito.

"Ang kapal ng mukha mo! Sa oras na malaman kong sinuway mo ulit ang kaisa isang bilin ko? Mag alsa balutan ka na't umalis sa pamamahay na to, naiintindihan mo? NAIINTINDIHAN MO?!" wala siyan ibang nagawa kundi ang tumango ng paulit-ulit habang patuloy ang pag-iyak.

Namamanhid ang buong mukha niya sa sakit ngunit wala iyon kumpara sa sakit nararamdaman niya sa puso niya. Ang paalisin siya ng bahay ang pinakakinatatakutan niyang mangyari kung kayat sobrang takot ang nararamdaman niya sa tuwing may ganitong nangyayari.

"Tumigil ka sa kakaiyak. Hindi ka bata. Tumigil ka!" madiin at may pagbabantang sabi nito sa kanya saka biglaang binitawan ang kanyang mukha sanhi para muli ay masubsub ang muhka niya sa kama.
Kahit mahirap pinilit niyang tumigil sa pag-iyak. Wala na siyang ibang maisip kundi  ang sumunod sa gusto ng asawa. Ngunit hindi siya kahit na ganoo'y binuka niya parin ang bibig at nagsalita kahit na nahihirapan dahil sa takot na baka suntok na ang ibigay nito sa kanya.

" S-shawn h-hindi na mauulit. Sana lang ay maniwala ka sakin na h-hindi ko kayang g-gawin ang makipag-ki-kita sa ibang lalake." mahina't pumipiyok na sabi niya ngunit sapat para marinig ng asawa na nakatingala habang nakahawak sa kanyang noo na para bang kinakalma ang sarili.

"Talaga ba? Hindi ba't nagawa mo na? Mismong pinsan ko pa nga hindi ba? Huwag  kang mag malinis, dahil hindi ka malinis Cassandra." sarkastikong pagsagot nito sa kanya. Hindi na lamang niya sinagot ang sinabi nitong tungkol sa pinsan niya dahil paulit-ulit man niya sabihing wala siang alam sa sinasabi nito ay hindi rin ito maniniwala. Kayat sa halip ay tinanong niya ito.

"B-bakit Shawn? B-bakit hndi mo ako kayang tignan bilang asawa mo? Bakit hindi mo ako kayang m-mahalin? " abo't kabang tanong niya na nakapag-patigil sa asawang noo'y palabas na ng kanyang silid, at mula sa kama ay kitang-kita niya ang pag-angat ng gilid ng labi nito dahil sa pagkakangisi.

"Because you are not the woman I dreamed  to have and be with Cassandra. Hindi kailanman magiging ikaw. Ang mahalin ka ay wala sa bokabyularyo ko. NEVER.EVER." sabi nito ng hindi siya nililingon.

Agad siyang napasapo sa bibig nang sa muli ay magumpisa siyang humagulgul. Akala niya ay wala ng mas sasakit pa sa paghihinala nito ngunit nagkakamali siya dahil unti-unti muling pinira-piraso ang puso niya at para bang siniguradong pinong-pino ito at hindi na maayos pa dahil sa sinabi ng asawa.
Sa mahigit 3 taong pagiging mag-asawa nila ngayon lang niya nagawang itanong iyon at ngayon lang din niya narinig mula sa asawa ang sinabi nitong huli sa kanya.

Hagul-gul lang ang nagawa niya. Basag na naman ang puso niya. Binasag na nanaman ng asawa niya.

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon