Chapter 14: The Date

14 0 0
                                    

"Seriously? Do I really need to wear this thing? Do I look like a girl now huh?" sarkastikong tanong ni Shawn ng sapilitan kong pinasuot sa kanya ang itim na blindfold ng makalabas na kami sa kwarto namin.

"Opo, kailangan mong isuot yan because I want to surprise you. And No you will never look like a girl, sa gwapo mong yan ? Kahit na naka blindfold ka hindi naman nakakabawas sa kagwapuhan mo yan eh." nakangiting sagot ko kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita.

Mag-aalasyete na din at halos lahat ng tao ay nasa kanikanila ng cabin, iilan lang ang naaaninag kong lumalangoy sa dagat ngunit may kalayuan naman at hindi sa tapat ng cabin namin.

Muli ko siyang pinasadahan ng tingin mula sa suot niyang itim na 3/4 pants na tinernohan niya ng puting longsleeve na bukas ang hanggang pangatlong butones na siyang mas nagpagwapo pa sa kanya.

"What now?"

"Hahaha be patient ok? Eto na aalalayan na po kita asawa ko." malambing kong wika rito.

"Why do even need to wear this thing? Tsk." narinig kong bulong niya na hindi ko na lang sinagot.

Kailangan niyang isuot yon kasi kung hindi eh paniguradong makikita niya yung set-up na pinaayos ko sa may dagat.

Inalalayan ko siya sa paglalakad at napamura pa siya ng may maapakan siyang medyo may kalakihang bato.

"Malapit na tayo."

Saglit akong tumigil sa pagalalay sa kanya at sinenyasan si Angel na siyang pina ayos ko sa set-up kung okay na ba lahat.

Nag thumbs up siya at nakita kong pina alis ang ilang staff na kasama niyang nag ayos.

"What happend?" tanong ng katabi ko na marahil nagtataka sa pagtigil ko.

"Nothing, ahm ilang hakbang na lang at tatanggalin ko na yang blindfold mo. Take a step forward husband." saka ko siya ulit inalalayan.

Nang dalawang hakbang na lang ang natitira at makakalapit na kami sa may hagdanan ay binitawan ko ang kamay niya at pumwesto ako sa likuran niya.

"Tatanggalin ko na ang blindfold." bulong ko sa kanya at sinenyasan ko naman si Angel na maghanda na sa gagawin niya saka ko tuluyang kinalas ang blindfold.

Pagka tanggal na pagkatanggal ko sa tumatabing sa mga mata niya ay siya naman pagsindi ng napakagandang ilaw na nakapalibot sa hagdanan na naguugnay sa isang maliit na floating ruffle bungalow sa dagat at sa loob non ay may pandalawang tao na mesa. Sa paningin ko Mas lalo pa itong pinaganda ng mga lumulutang na candle light sa dagat.

"Yo- the heck Cass?" banggit ni Shawn sa pangalan ko kaya agad ay lumipat ako sa harap niya.

"A candle light dinner in a floating ruffle bungalow for my husband! Surprise??" nakangiting wika ko rito.

Kitang kita ang hindi mapakaling pagtingin nito sa akin at pabalik sa set-up sa dagat.

Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko siya hinila upang tahakin namin ang hagdan papunta sa bungalow.

"Enjoy Ma'am and Sir!" kinikilig na sigaw ni Angel ng madaan namin siya sa dulo ng hagdanan.

"Thank you Angel. You're the best!" sigaw ko rito pabalik at saka ko siya kinawayan bago kami tuluyang makapasok sa bungalow.

Nang maka-upo na kami ni Shawn ay nginitian ko siya ng matamis at inabot ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.

"Maganda ba?" tanong ko rito.

"It is but.."

Kinabahan ako ng tumigil siya sa pagsasalita at bumitaw sa pagkakahawak ko bago tumayo at humarap sa dagat- patalikod sa akin.

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon