Chapter 2: Mirasol

63 22 5
                                    

Cassandra's POV

"Anak? napano yang pisngi mo? parang namamaga ah?" tanong ni nana Lena ng paggising ko kinaumagahan.
Si nana ang pinaka pinagkakatiwalaan namin ng asawa ko na kasama namin dito sa bahay, hindi siya isang simple lang na katulong kundi siya ang kasa-kasama ni Mommy Sandra ( ang ina ng asawa ko) sa pag-aalaga kay Shawn noong bata pa ito hanggang sa magbinata na ayon sa kwento ng mommy at dahil sa pagmamahal na mayroon ang asawa ko para sa isang nag-obliga ring palakihin siya ng maayos ay isinama niya si Nana Lena dito sa bahay ng ikinasal kami na siya din naman sobrang sinang- ayunan ko sapagkat kaming dalawa lang naman ang naiiwan at nagkakasama madalas lalo na kapag pumapasok ang asawa ko sa trabaho.

"A-ah wala lang po ito Nana, nasobrahan ko lang po siguro sa pagsampal kahapon dahil sa lamok." pagtanggi ko gamit ang pinaka lame na naisipan kong rason, na siyang nagpakunot sa noo ng matanda.

"Lamok? hindi bat halos tatlong beses kung linisin mo ang kwarto mo anak? Paanong magkakaron padin ng lamok doon?" puno padin ng kyuryusidad na tanong niya sa akin.

"Ehhh hndi ko nga din po alam Nana." sagot ko na lang habang napapakamot.

"Hay nako itong anak ko, halika na nga't kumain ka na, saka natin dampian mamaya ng yelo ito para mas mabilis maghilom ha? Hindi ka pa man din bumangon kagabi, gigisingin sana kita ngunit sabi ng asawa mong hayaan ka't marahil pagod ka.
At tignan mo nga yang nangyari sayo, Ikaw naman kasi hndi mo na lng kinamot , para ka tuloy sinampal ng malaki at mabigat na kamay jaan sa pisngi mo." ani nito na nakapagpalunok saakin. Nakuha mo nana , malaki at mabigat talaga ang kamay ng asawa ko. Hayyys.

Dumiretso na nga kami sa kusina at nasabi sakin ni Nana na pumasok na daw ang si Shawn sa trabaho 30 minuto ang nakalipas bago ako bumaba kanina mula sa kwarto ko.

Naalala ko na naman ang mga masasakit na salitang binitawan sakin ng asawa ko kahapon, ilang beses na niyang nabanggit saakin ang tungkol sa pinsan niya na pinatulan ko daw, simula't sapul na sinabi niya yon sakin nag-isip na ako ng dahilan at ng mga nagawa ko para mag-isip sia ng ganon kaduming bagay pero hanggang ngayon wala akong maisip, kung tutuusin dalawang pinsan lang niya ang malapit saakin yon ay si Sammie na 25yrs old kasing edad ko lang at si Aleah na ate ko kung ituring dahil mas nakakatanda sakin ng 3 taon. Isama na din sa pinakamalalapit sakin na kapatid ng asawa kong si Sandara na nasa kolehiyo pa, at si Skyler na bunso nilang kapatid.

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na magloko o magkagusto man lang sa ibang lalake kahit na nasa gantong sitwasyon kami ng asawa ko, hndi lang dahil sa mahal ko siya kundi dahil sa pangakong binitawan ko sa harap ng Diyos na siya lang, si Shawn lang ang lalaking mamahalin ko sa hirap at sakit man. Kaya sa twing sinasabi niya sa sakin ang mga iyon ay sobra akong nasasaktan dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan.

"Earth to ateeee Cassie!" ang boses na iyon ni Sandara ang gumising sakin mula sa malalim na pag-iisip.

"S-sandara! Anjan ka pala"

"Kanina pa kaya ako dto ate hindi mo naman ako pinapansin." naka pout pa nitong sabi sakin.

"Sorry Sandara may iniisip lang." ani ko na tumayo na saka inumpisahan ayusin ang mga pinag-kainan ko.

"What is it at-- wait ate please crap the DARA , San na lang."

"Bakit ba? maganda kaya ang Sandara."

"Iihhh atee naman San will dooo pleeeasee." magkahugpong pa ang mga kamay na animo'y batang nagmamakaawa bilhan ng cotton candy.

"Ok, SAN." diin ko sa pangalang gusto niyang itawag ko sa kanya, saka nagdiretso sa lababo para hugasan ang pinagkainan ko.

"YEY! Anyways back to my question, what is it na iniisip mo ate ? Problem? " pagbabalik nito sa itatanong sana saakin kanina

"Wala yon, wag mo na lang pansinin ang nasabi ko kan-"

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon