Chapter 18: Broken Man

18 0 0
                                    

3rd Person's POV:

  Halos hindi magkandaugaga si Shawn sa pagpapark ng sasakyan ng maakadating siya sa destinasyon niya at ganon na lang ang bigat ng mga paa niya nang takbuhin niya ang daan papasok ng ospital.


"My w-wife please. Cass, Cassandra Velasquez ?" utal utal na ani niya sa nurse na siyang nabungaran niya sa ward.


"Ah yun pong kadarating lang na pasyente, kasalukuyan po siyang nasa ER ngayon." mabilis namang tugon nito na agad tinalikuran ni Shawn para tunguhin ang itinuro nitong daan patungong kinaroroonan ng ER.



Mula sa glass door ng ER kitang kita niya ang ilang nurse at doctor na may kani kaniyang ginagawa, nung una ay hindi niya pa masigurado kung ang asawa niya ba ang inaasikaso ngunit sabay na muling nagbagsakan ang mga luha sa mata ni Shawn ng humawi ang dalawang nurse na nagtatakip sa pasyente na siyang ang asawa nga niya,






si Cassandra.



Duguan ang nuo nito at mga kamay.






"Please. Please not my wife." usal niya hanggang sa unti-unti siyang umatras at pinagsusuntok ang pader na pinakamalapit lang sa kaniya.


Why?

Bakit kailangang sa ganitong paraan siya lalong gisingin ng Diyos sa pagbubulag bulagan niya, sa pinaniniwalaan niya, sa akala niya totoong mahal niya?


Bakit kailangang malagay sa alanganin ng asawa niya para lang malaman niya lalo at matanggap niya na ito naman talaga ang importante sa kaniya, hindi niya lang yon pinapansin dati dahil sa maling sinasabi ng utak niya.



When he woke up that night na ang nasa tabi niya ay ang asawa niya na siyang nagawang patunayan sa kaniya ang pagiging malinis nito ay unti-unting natibag ang harang sa pagitan nila na siya mismo ang bumuo, something has changed at hinayaan niya lang yon. Until his birthday, sobrang dami nitong ginawa to make him happy, lahat yon- lahat lahat naging daan para tuluyan  siyang magising mula sa lahat ng maling akala niya.



He loves his wife,


He loves Cassandra.



He loves Camia.





   "Son! Someone send you a flowers and Gift again!" ani ng ina ni Shawn na hindi magkamayaw ang tuwa habang inuusisa ang hawak nitong bulaklak at ang katabing regalo at  balot ng paborito nitong kulay na black&white.

  "Kanino po galing mom?" Shawn asked pagkababa galing sa kwarto nito.

Inabot ng mom niya ang bulaklak at inudyok nito na siya ang magbasa ng maliit na letter na naka-ipit dito.

"Dear  Kuya Shawn,

              Happy Happy 17th birthday! May God continue to guide and shower you all the blessings you deserve in life. Goodluck to your  college life and I know you'll be able to finish your studies with a flying colors again just like in highschool. Be safe always and don't forget that ILOVEYOUSOMUCH! Muahhh! Hihihi"

                                                                    Love,
                                                              Your  CaMia.






Lalong  bumuhos ang masaganang luha ni Shawn ng maalala ang ilan sa mga sulat na madalas nakakapag pangiti sa kaniya simula nung araw na unang beses siyang pumayag na sumama sa company ng kaibigan ng Dad nito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 My Husband's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon