--1--

31 4 0
                                    

-10 pm-

Gabi nang naka-landing ang eroplanong sinasakyan niya, medyo may kaunting Jet Lag pero na e-excite siyang makalabas ng airport.

Naka-winter coat siya at fitted jeans with boots, first time niya dito sa Norway dati na din niya itong pangarap pero sa kasamaang palad wala siyang pera.

"Hija! Here!" Napalingon siya siya sa babaeng sumisigaw.

"Tita Adela!" Sigaw niya at lumapit sa ginang, si adela ang tita niyang matagal nang naninirahan dito sa oslo. Naging Citizen narin ito at wala ng balak bumalik sa pilipinas.

"Hija, ang ganda mo na tsaka nagmana ka talaga sa akin." Pabirong sabi ng tita niya.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at niyakap ng mahigpit ang kanyang tita.

"I miss you, tita." Aniya at inayos ang sarili.

"Ako din-ano nga ang palayaw mo, hija?" Nagtatakang sabi ng kanyang tita at kinuha ang dalawang bagahe.

Habang naglalakad sila patungong Kotse ay nagisip-isip siya ng magandang palayaw dahil ayaw niyang tatawagin siya ng kanyang totoong pangalan.

"Sy nalang po, Gusto ko po yun." Sabi niya at malapad na ngumiti.

"Sige Sy."

Pumasok siya sa Passenger seat habang ang tita niya ay inaayos pa ang gamit sa Back compartment.

Nakatingin lang siya sa kalangitan biglang tumulo ang makapal na butil ng luha mula sa kanang mata niya.

'miss na kita cole. Sana nandito ka nalang, kung buhay kapa sana. . . Siguro nandito ka kasama ako at magbabakasyon tayo kahit saan mo pa gusto.'

Si cole ang ex boyfriend niyang namatay sa aksidente, limang taon din niya itong ka relasyon.

Isa siyang Famous Writter at Journalist, sumusulat din siya ng mga blogs about Places at dahil don maraming nag offer sa kanya na mga Publishing company pero tinanggihan lang niya iyon dahil may Goal siyang Company.

Hindi niya napansing nagmamaneho na pala ang tita niya kaya napag-isipan niyang matulog muna.

-∞-

"Sy, Gising na nandito na tayo." Pukaw ng tita niya.

Dahan-Dahan namang minulat niya ang mga mata niya at binalut ang sarili dahil nakakaramdam siya ng Lamig.

Tumingin sya sa paligid at napabalikwas ng bangon dahil akala niya nanaginip lang sya.


Pagkababa niya sa sasakyan ay kinuha niya ang bagahe sa back compartment at nilagay sa tapat ng pinto.

"Gelrick, buksan mo ang pinto nandito na ang ate mo." Anang tita niya at tilungan din syang kunin ang isang bagahe.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang pinsan niyang lalake at mukhang galing natutulog ang mukha.

"Hi ate, Pasok ka po." Mas binuksan pa niya ang pinto.

Pumasok siya sa bahay ng tita niya at dumiretso sa kwartong tinuro nito. Maganda ang kabuuan ng kwarto medyo dim at mabilang lang sa daliri ang mga gamit dito.

Umupo sya sa gilid ng kama at yumuko.

"Finally." Sabi niya sa sarili at bumuntong hininga.

Hinubad niya ang suot niya at nagpalit ng Pajama, mabilis siyang gumapang papuntang kama at natulog dahil mahaba-haba pa ang biyahe niya bukas.

Goodbye StrangerWhere stories live. Discover now