Nang makalipas na ang anim na taon."Aurora, ma le-late kana sa first sub mo." Tawag niya sa kanyang anak na nanunood pa ng Cartoons.
"Wait lang mimi, malapit na po."
Sa murang edad ng bata talagang nakikitaan na niya ito ng potential, magaling ito sa painting. Hindi naman gaano ka ganda pero marunong na talaga.
"Chi, ako na ang maghatid kay Aurora." Sabi naman ng kaibigan niya na alagang-alaga ang anak niya. Wala siyang magawa kundi tumango nalang.
"Thank you!!!" Excited nitong sabi. "Oh, borealis. Inday hali kana baka ma le-late ka." Borealis ang tawag niya sa anak ni Agapé.
"Tata, malapit na po." Sabi naman ni aurora na nakangiti. Napailing-iling nalang siya.
Mabait ang anak niya at madali lang itong matutu. Nagtataka parin siya kung sino ang ama ng anak niya, hindi naman nagtanong ang bata tungkol sa ama niya kaya ligtas siya.
"Aurora, come here." Tawag niya sa anak niya.
Kaagad naman itong pumunta sa kanya at niyakap siya, malambing ang anak niya kaya gusto niya itong yakapin paulit-ulit.
"Mimi, punta na po ako ng school." Bulong ni Aurora na ikinatawa niya.
"Sige, wag kang makulit doon ah? Susunduin ka ni tata, okay?"
Tumango naman ito.
Kinuha niya ang bag at sinuotan ng sapatos ang bata, lumabas din ang kaibigan niya at hinawakan si aurora sa kaliwang kamay.
Tumayo na ito at naglakad papuntang pintuan pero bago pa ito nakalabas tumingin muna siya kay Agapé at ngumiti.
"Au revoir, mimi."
"Te amo, Aurora." Ngumiti ito at nag flying kiss.
Napangiti naman siya.
Nang makalabas na sila ng kaibigan niya ay nagpatuloy siya sa kanyang blogs, nalaman naman niya ang sakit ng bata. Kulang ito sa dugo at may posibileng mabubulok ang kidney nito kaya naman nagpapalusog siya sa katawan niya dahil balak niyang e donate ang kidney niya.
Nang matapos na niya ang ginagawa niya ay napagdesisyunan niyang pumunta sa Park na malapit lang sa Eiffel tower.
:Me
Chi, kung hinahanap
Mo ako nandito lang a
-ko sa Park.Hindi ko na hinihintay ang reply niya at sinuksok ito sa bulsa, matagal na rin niyang pangarap ang Eiffel tower. Gusto niya na dito mag propose ang lalakeng papakasalan niya pero. . . The heck.
Nabuntis na nga ako, meron ng anak tapos yan pa ang iniisip? Anong tawag sa akin? Maruming babae? Ready made? O second hand?
Biglang kumawala ang isang butil ng luha sa mga mata niya, hindi niya napigilang mapaiyak dahil sa iniisip. Kung alam lang niya sana na ganito ang mangyayari ay sana nag-ingat siya Pero ito ang pinagkaloob ng diyos, tinatanggap niya ang ano mang mangyari sa kanya dahil yan ang nakatakda sa kanya.
Nang makalipas ang 20 minutes ay bigla nalang umulan ng malakas, lahat ng taong naglalakad ay kanya-kanyang silong habang siya naglalakad papunta sa masisilongan.
"Chi!" Sigaw ng kaibigan niyang merong dalang payong. Medyo basa na siya kaya naman pumara nalang sila ng taxi.
Nang makapasok na sila sa Condo ng kaibigan niyang si Lena ang kaibigan niyang chi ang tawagan.
YOU ARE READING
Goodbye Stranger
Short StoryThey both started as Strangers, Been Together as Lovers, Now both acting as Strangers . . . with some Memories.