MAAGANG nagising si Agapé, gumawa siya ng Kape at Toasted bread para kay eros. Tiningnan niya ang binata na mahimbing na natutulog.
Pagkatapos niya yung ginawa tinabi niya sa side table ang pagkain at may sticky note na nakalagay na 'Eat well'.
'talaga bang may sleep paralysis siya?'
Mala ninja ang galaw niya habang tinungo ang pintuan sa cabin na'to. Nakahininga siya ng maluwag ng makalabas siya.
Patakbo niyang tinungo ang cabin niya at kinuha ang laptop, napangiti siya ng may natanggap na naman siya ng bagong offer galing sa company ng Switzerland.
Gumawa siya ng bagong blog tungkol kagabi na may nakatabi siyang stranger at naghati pa sila sa isang kama.
Wala pang limang minuto marami nang nag comments at nag react. Binuksan naman niya ang App na 'yon, buti nalang at walang siyang Bashers dahil hindi siya magdadalawang isip na replyan ito.
Meka: totoo ate @Vdeuna? Ayieee.
Sheila: Hala, ganun kami nagkakilala ng naging asawa ko. @Vdeuna baka yan na ang forever mo.
Yatch: omg! @Vdeuna. As a supporter yiee syempre kinikilig ako.
ノア : @Vdeuna, gwapo po ba? Stranger lang naman yan eh.
Likey reply to ノア: Stranger nga, baka mamaya magiging Friends na sila yieee.
Nobadi: teka @Vdeuna swerte niya dahil katabi mo siyang natutulog kung wala ka baka ma pano siya.
Uqly reply to nobadi: oo nga, basta nandito lang kami ang mga readers ng blog mo @Vdeuna.
Dahil tinamad siyang magbasa sa iba, sinirado muna niya ang laptop at gumawa ng kape. Pagkatapos nun ay bumalik na din siya sa kama at sumimsim ng kape.
Dahil dinalaw siya ng gutom napag-isipan niyang pumunta sa malapit na restaurant. Naka winter coat parin siya hanggang tuhod.
Bitbit niya ang Laptop habang tinungo ang restaurant. Pagpasok niya ay hindi na siya nagtaka bakit walang mga tao. Siguro na tulog parin, tiningnan niya ang bandang dulo at napangiti siya dahil walang tao.
Umorder siya ng pagkain tsaka kape at doon nag almusal habang nakatingin sa laptop.
"Agapé! Pwede ka bang matulog mamaya sa cabin ko?" Napanga-nga siya dahil sa pabor ni eros.
Napatingin siya sa gawi ni eros na nasa pintuan pa at mukhang hinihingal, tumayo naman siya at napakurap-kurap na hindi makapaniwala.
Nilapitan siya ni eros at hinawakan ang kamay, napatingin naman siya sa mga kamay nila. Nang mapatingin siya sa mukha ni eros para itong nagmamakaawa.
"Please, Sleep with me tonight!"
Medyo nalakasan ang pagkasabi ni eros kaya lahat ng nasa restaurant napatingin sa gawi namin.
"E-Eros. Huminahon ka, papayag naman ako eh. Kailangan pa ba talagang e sigaw?" Dire-diretso niyang sabi at umupo.
"Talaga? Walang bawian ah?"
"O-oo. T-Teka, nakakapag-almusal kana ba?" Nagalalang sabi niya kay eros.
Ngumiti naman si eros at umupo sa tapat na upuan nito, medyo nag-gwapuhan na naman siya kaya hindi niya napigilang napatitig sa maamong mukha ng binata.
YOU ARE READING
Goodbye Stranger
Short StoryThey both started as Strangers, Been Together as Lovers, Now both acting as Strangers . . . with some Memories.