--7--

16 4 0
                                    

Hindi niya alam na kanina pa siya rito sa cabin niya, hindi nga niya alam bakit napunta siya dito na kanina lang ay nag-uusap sila ni eros.

10:38 na sa gabi kaya naman napag-desisyonan niyang puntahan si Eros sa Cabin.

Hindi naman kalayuan ang Cabin ni Eros dito kaya naman madali siyang nakapunta.

"Eros?" Kumatok siya sa Pinto pero walang sumagot, pipihitin na sana niya ang pinto pero naka lock.

Nagtaka naman siya kung saan ito pumunta, no choice kundi umuwi sa cabin at doon matulog.

-∞-

MAAGANG nagising si Agapé at naghanda ng almusal nila ni Eros.

Pumunta siya sa Cabin nito.

"Eros?" Kumatok na naman siya sa pinto pero walang sumagot, naka lock pa din ang pinto niya.

Di kaya, umuwi na ito sa bahay nila? Kaya naman bagsak balikat siyang pumasok sa bahay niya.

Mag-isa siyang kumain, naligo na rin siya at nagbihis ng Fitted Jeans kulay itim, turtle neck na kulay navy blue, winter coat tsaka boots na kulay black.

Lumabas siya ng cabin niya at hinanap si Eros. Naghintay siya ng 2 minutes pero wala paring Eros kaya naman napag-isipan niyang tawagan ang staff.

"Yes. Room 210."

Binaba na niya ang tawag at wala pang 5 minutes nandito na ang isang staff sa resort.

Gamit ang susi binuksan niya ang room ni Eros. Pagkabukas ay nagpasalamat siya at pumasok tapos sinirado ang pinto.

"Eros?"

Malinis na Malinis ang kwarto niya kaya naman pumunta ako sa Bedroom niya pero walang eros siyang nakikita.

Umupo siya sa gilid ng kama at nakatulala, baka nga tuluyang umalis si eros.

Bigla nalang siyang nakarinig ng pagbukas ng pinto sa likuran niya kaya agad siyang napalingon sa likuran.

Nakita niya si Eros na galing sa C.R. at basang-basa pa ang katawan nito, naka bathrobe ito ng kulay itim kaya naman mas naging Hot ito.

"Agapé bakit ka nga pala nandito?"

Hindi parin nawala ang mata niya sa katawan ni Eros kaya naman nag snap si eros para mabuhayan siya.

"A-Ah, kagabi pa kita sinubukang puntahan dito pero walang sumagot, ano ba kasi ang ginawa mo dito?" Naguguluhan niyang sagot habang nag-iwas ng tingin kasi nagbibihis ang binata.

"Natutulog." Alam niyang nagsisinungaling lang ito.

"Sure ka? E paano ka pala nakatulog na wala ako?" Sarkastikong sabi ni Agapé na naka smirk.

"Uhm. . . W-Wala u-uminom ako ng S-Sleeping Pills." Mas nalaman niyang nagsisinungaling ito dahil palagi itong nauutal.

Ngumiti nalang siya at siya ang nag-ayos sa coat ni Eros.

Sabay silang lumabas ni Eros at nag almusal sa Restaurant. Kahit tapos na siyang mag-almusal ay sasamahan nalang niya si Eros.

Goodbye StrangerWhere stories live. Discover now