--9--

12 4 0
                                    


Maagang nagising sina Agapé at Eros dahil maaga ang lipad nila papunta kung saan. Hindi pa kasi sinabi ni eros kung saan sila papunta.

Habang nasa eroplano ay dinalaw ng antok si Agapé. Sumandal naman siya sa balikat ni Eros.

Maya't-maya pa. . .

"Agapé nandito na tayo." Pabulong na sabi ni eros.

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at nakita niya ang paglapag ng eroplano. Umayos siya ng upo at humikab.

Nagsilabasan na ang mga pasahero kaya naman tumayo na sila at lumabas na kinuha nila ang mga bagahe at tuluyan ng lumabas sa airport.

Napatingin siya sa paligid at wala siyang nakitang clue manlang kung saan sila napunta pero ang mga tao naman ay puro foreigners, baka nasa America sila.

"Saan ba tayo pupunta?"

Hindi siya sinagot ni Eros kaya nagpatuloy nalang sila sa paglakad, napakamot siya sa batok dahil hindi parin umiimik si Eros.

Hanggang sa may sumundo sa kanila.

"Welcome to-- This way."

Nagtaka din siya sa driver dahil hindi tinuloy ang sinabi. Ano ba kasi ang nangyari at bakit hindi nila ako papansinin.

Mahaba-haba ang biyahe nang huminto ang sasakyan ay napatingin ako sa paligid.

'Parang nakikita ko na 'to sa T.V ahh?'

Saan kaya siya dinala ni Eros?

Bumaba na sila ni Eros sa kotse at iniwan ang mga gamit sa labas ng kotse, kinuha yun ni eros at tumungo sa mukhang kubo na lobby.

Sumunod naman siya ni Eros at ningitian ang mga staff.

"Ang gwapo talaga niya"

"Kaya nga, akin siya eh."

"Omy ghad, nandyan na ang anak ni Señora."

"Ang gwapo ng anak ni Señora."

"Shhh. He's mine."

Napatingin naman siya sa mga babaeng nagkagulo habang tinitingnan si Eros. Hindi niya alam kung bakit pero na c-curious siya.

At nagulat siya ng nagtatagalog sila, baka nasa pilipinas sila.

"Eros--"

"Wag mo silang pakinggan, let's go." Hinawakan siya sa pulsohan ni eros at dire-diretsong tinungo ang kwarto nila.

"Bakit sila nagtatagalog? Nasa pilipinas tayo?" Nagtataka niyang tanong.

Bago siya sagutin ni eros ay bumuntong hininga muna siya at tiningnan si Agapé.

"Sa amin 'tong Inn, lahat ng makikita mo na staff puro Pilipino. Kaya ang lobby namin ay theme Bahay kubo. Pati cottages." Napa 'O' ang bibig ni Agapé dahil mayaman ito.

Marami ding mga turista ang naninirahan dito. Napatingin naman siya sa veranda ng kwarto nila. Pumunta siya doon at may nakita siyang maliit na cozy couch.

Overlooking pala rito kaya maraming turista ang pumupunta. Tinabihan siya ni Eros sa pagkaupo at hinihimas ang tiyan niya. Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa ginawa ni Eros.

"Malapit lang ang Blue Lagoon dito, kung gusto mong pumunta ay sasamahan kita."

Napatulala naman siya sa sinabi ni Eros. Hindi siya makagalaw at gusto ng kumawala ang isang butil na luha sa mata niya, gusto na niyang pumatak.

Goodbye StrangerWhere stories live. Discover now