Marahil maraming tula ang sinisimulan sa isa, dalawa, tatlo,
Bakit hindi natin subukang simulan sa mga Alpabeto?
ABaKaDa.
A
Araw araw akong ginugulo ng isipan ko,
Kung ititigil ko na ba ang ugnayang ito,
O itutuloy ko pa kahit nagmumukha na kong tanga,
Sa harapan ng maraming tao maipakita lang na mahal pa kita.
Ba
Baka sakaling maibalik ko pa,
Ang dating init ng pag-ibig nating dalawa,
Na unti-unting lumamig dahil sa hindi pagkakaunawaan,
Kaya heto pa rin ako, patuloy na lumalaban.
Ka
Kahit gaano kahirap, kahit gaano kasakit,
Pinipilit kong ibalik ang bag-ibig na nanlamig,
Para bang ako'y nag-iigib sa posong natuyo na ang tubig,
Ganun ako nagtiyaga, pag-ibig mo lang ay maibalik.
Da
Dahilan lang naman ang hinihiling ko,
Upang tuluyan nang itigil to,Dahil para kang multo,
Nagparamdam lang para paasahin ako.
E
Ewan ko ano pang susunod na gagawin ko,
Naubos na lahat ng galaw ko,
Napagod na rin ang puso't isipan ko,
Pero di ako sumuko, mapalambot lang muli ang puso mong bato.
Ga
Ganon-ganon na lang ba?
Lilisanin mo ako, bat pinatagal mo pa?
Nagparamdam ka tapos aalis ka?
Tignan moko ngayon, patuloy na umaasa.
Ha
Hatdog. Joke lang.
Ha
Habang tumitibok ang puso ko,
Ikaw pa rin ang pinipintig nito,
Pero di ko na alam ang gagawin ko,
BINABASA MO ANG
CAPTAIN'S POEMS AND STORIES
PoetryMy mind that full of imagination, Full of thoughts, Full of words that I really wanna say, You can read and imagine through this book. A book that express my feelings, and I hope you really want it.