YELONG PUSO

2 0 0
                                    

Ako'y may lihim,

Na ayaw kong ipaalam,

Ang niyebe'y pawang nasa akin,

At ayaw ko itong iparamdam.

Ilihim, itago, huwag ipaalam,

Isang maling galaw, sikreto'y malalaman,

Ngunit biglaa't di sinasadyang naipamalas,

Ang sikretong ayaw kong isiwalat.

Ngayo'y kanilang natunghayan,

Sikretong matagal nang nandyaan,

Ako'y natakot, nagulumihanan,

Kaya tumakbo palayo, at ang tiraha'y nilisan.

Nakaramdam ng panlulumo,

Ang aking isip at puso,

Kaya gumawa ng palasyo,

Palasyong yari sa yelo.

Sarili lang ang inisip,

Hindi na inintindi ang iba,

Ang buhay ko'y matiwasay na,

Ngunit nasira ko ang buhay nila.

Puso ko'y nabalot ng yelo,

Naging matigas, na parang bato,

Ngunit nalusaw ito,

Na animoy tubig na natapon sa baso.

Isang pangyayaring di inaasahan,

Na nagpadurog sa puso ko ng tuluyan,

Muling nainis at nagulumihanan,

Sana'y hindi na lang ako lumisan.

Hindi pa pala huli ang lahat,

Pag-ibig pa rin ang nangibabaw,

Naayos ko na ang lahat,

Inayos ang sarili, at pag-ibig ay pinangibabaw.

Kaya sa mga taong makakabasa nito,

Isang kataga ang ibibigay ko sa iyo,

Sintigas man ng yelo ang iyong puso,
Pag-ibig lang ang makakapagpalambot nito.

CAPTAIN'S POEMS AND STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon