Kwarenta porsyento,
Kumbaga sa pag-aaral, hindi pasado,
Dahil ganyan ako sa puso mo,
Di masuklian ng tama at totoo.
Kwarenta porsyento, sobrang baba,
Akin nang inasahan na iyong isasalita,
Sapagkat di pa buo sa iyong damdamin,
Na ako ay lubusan mo nang mahalin.
Kwarenta porsyento, Hanggang kailan?
Hindi ba tataas o ni madadagdagan?
Pagmamahal ko'y di mo buong masukilan,
Kaya akoy labis na nasasaktan.
Hanggang kailan magmamahal?
Hanggang kailan magpapagal?
Sabihin mo kung ano ang kulang?
Kaya ang pag-ibig mo'y kwarenta porsyento lang.
Kwarenta porsyento, wala pang kalahati,
Sa puso mo ba'y meron akong kahati?
Siguro ay lamang siya ng kaunti,
Dahil siya ang minamahal mong tangi.
Kwarenta porsyento ng pag-ibig mo,
Maghihintay ako kahit akoy talo,
Magsisikap na aking mapuno,
Ang isandaang porsyento sa puso mo.
Kung wala nang patutunguhan to,
titigil na ako sa pagsuyo sa iyo,
Kahit gusto ko pa ay susuko nako,
Tatanggaping talo na sa laban na ito.
Kung sakaling kalimutan mo ako,
Akoy magpapasalamat pa rin sayo,
Sa kakaunting pagmamahal na ipinakita mo,
At hindi na aasa pa sa kwarenta porsyento.
BINABASA MO ANG
CAPTAIN'S POEMS AND STORIES
PoetryMy mind that full of imagination, Full of thoughts, Full of words that I really wanna say, You can read and imagine through this book. A book that express my feelings, and I hope you really want it.