Abril a-uno,
Noong akoy niligawan mo,
Di ko man aminin ay kinikilig ako,
Sa matatamis na banat mo.
Abril a-uno, akoy minahal mo,
Umabot tayo hanggang mayo,
Napalambot mong muli ang puso kong bato,
Sa mga panunuyo at pag-aalala mo.
Abril a-uno, minahal kita pabalik,
Unang beses na akoy dinapuan ng kilig,
Unang beses na nasasabik sa paggising,
Pagkat naryan ka sa aking piling.
Abril a-uno, hindi ka pa rin nagbabago,
Tumagal pa tayo hanggang hunyo,
Walang patid ang pagsuyo mo,
Pati sa mga magulang ko.
Abril a-uno, akin nang nararamdaman,
Minsan ako'y iyo nang nasasaktan,
Pagbabago mo'y akin nang nasisilayan,
Bakit ganon? Di ko maintindihan.
Abril a-uno, tuluyan kang nagbago,
Kahit umabot tayo nang hanggang hulyo,
Nanlalamig ka na at hindi na nanunuyo,
Ang dating kilig, napalitan ng panlulumo.
Abril a-uno, nasaktan nako ng husto,
Nakipaghiwalay ka sa buwan ng agosto,
Umamin ka sakin na niloloko mo lang ako,
Pinagpustahan lang ng mga tropa mo.
Nasaktan ako ng sobra ng abril a-uno,
April fools pala ang araw na ito,
Napaniwala ako ng mga banat mo,
at ngayon ay nagsusumamo ako.
Abril a-uno, araw ng mga manloloko,
Huwag ka sanang maniwala sa araw na ito,
Dahil sa huli'y iyong mapapagtanto,
Na hindi totoo ang lahat ng ito.

BINABASA MO ANG
CAPTAIN'S POEMS AND STORIES
PuisiMy mind that full of imagination, Full of thoughts, Full of words that I really wanna say, You can read and imagine through this book. A book that express my feelings, and I hope you really want it.