R P W

4 0 0
                                    

Role Play World,

Mundo ng mga gustong lumayo sa realidad,

Mundo na kung saan nailalabas ang iba't ibang damdamin,

Mundo na noo'y nagbibigay ng saya sa iba,

Ngayon ay tuluyan na ring nagbago at nasisira pa.

Mundong pawang birtwal,

Mundo na kung saan ang relasyon ay pawang laro lang,

Mundo na tila isang pantasya,

Na ngayon ay unti-unti na ring namanipula ng makabagong teknolohiya.

Bagamat ito rin ay gawa lang ng teknolohiya,

Ngunit ngayon ay magkaibang-magkaiba na,

Maraming nadismaya sa pagbabagong anyo nito,

Na pawang nagulo na rin ang masayang mundo.

Bawal ipakita ang tunay na kaanyuan,

Ni mata o boses mo'y kailangang pag-ingatan,

Ngunit dahil sa henerasyon ngayon,

Ang sistema nito'y unti-unting napalitan.

Nawa'y bumalik ito sa dati nitong sistema,

Nawa'y maayos pa itong mundo,

Sana'y mapanumbalik muli ang dating saya,

Ng Role Play World, ang mapag-panggap na mundo.

CAPTAIN'S POEMS AND STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon