Kasabay ng araw ng kalayaan,
Ay ang araw ng pagbitaw mo sakin at paglisan,
Umalis ka nang walang pakundangan
Ni hindi mo man lang tinanong kung ano ang aking mararamdaman,Ni hindi ka man lang lumingon para ako'y tignan
Kung iiyak ba ako o nakahanda na sa iyong paglisan.Ganun lang pala kadali sa iyo
Na bumitaw sa akin at lumakad papalayo sa piling ko,Para mong pinunit ang sedula ng pag-ibig mo
Iniwan mo akong tuliro at hindi alam ang gagawin ko,Sinubukan kong humabol sa iyo
Ngunit huli na para gawin ko ito sapagkat ang layo na ng distansya mo,Para mo akong kinulong sa pagmamahal mo at ngayon ay hinyaan na lang ako
Na nakakulong at hindi na muling binuksan ang kandado.Nagpasakop ka na ba ng tuluyan?
Sabihin mo lang nang ako ay maliwanagan,
Para naman mabuksan ang aking isipan para makita ang dahilan
Kung bakit tuluyan kang lumisan,Pero ano nga ba ang dahilan?
Ako'y nagkulang ba sa pagmamahal o tuluyan ka lang talagang sinakop ng mga walang kwentang naririnig mo sa sangkatauhan?Hindi man lang ako nakapaghanda,
Iniwan mo talaga ako kasabay ng araw ng kalayaan ng ating bansa?
Para mo nang tinalikuran ang sarili mong pinanggalingan at mas masahol ka pa sa malansang isda,
Dahil nagpasakop ka ng tuluyan sa mga bukambibig ng malalanding madla.
Siguro nga ay panahon na,
Oras na para ikay kalimutan ko na at tumakas na sa kulungan ng pag-ibig nating dalawa,
Panahon na para magwagayway ng bago kong bandera na hindi ikaw ang nirerepresenta,
Panahon na, oras na, pinapalaya na kita.

BINABASA MO ANG
CAPTAIN'S POEMS AND STORIES
PoetryMy mind that full of imagination, Full of thoughts, Full of words that I really wanna say, You can read and imagine through this book. A book that express my feelings, and I hope you really want it.